Kabanata 29

979 36 9
                                    

Mira's POV

"Uhm!" Mapaungol ako ng sumigid ang kirot mula sa ulo ko.

Napabangon ako habang sapo-sapo ang ulo. Ano bang nangyari? Tanong ko sa sarili ko. Nanlalabo man ang paningin ko pinilit kong ilibot at aninagin ang kabuoan ng lugar na kinaroroonan ko.

Parang pamilyar sa akin ang lugar nato. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kanina.

Ang huli ko lang naalala ay. May mga lalaking bumaba sa van. Lumapit ang mga ito. Pinasok nila ako sa van. Nagwawala ako at nanlalaban. May panyo. Tama may nilabas ang isa sa kanila na isang panyo itinakip nila Ito sa ilong ko. Pagkatapos nun nanlabo na ang paningin ko.

Di kaya? Natutop ko ang bibig ko dahil sa sumagi sa isip ko na pwedeng nangyari.

Agad akong tumayo ngunit bigla din akong napabalik sa higaan ng makaramdam ng hilo.

Napangiwi ako sa sobrang sakit. Narinig kong bumukas ang pinto ngunit hindi ko maiangat ang ulo ko upang tignan ang pumasok.

"Call the doctor!" Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses.

"Shi*t! What happened? Tell me where's the pain!" Napaangat ang ulo ko at nabungaran ko ang nag-aalalang mukha ni Matt.

Nakatitig lang ako sa kanya at hindi pinansin ang tanong nito. Biglang nag-init ang mata ko. Nagbabadya ang pagtulo ng luha.

"Fuck! Call the doctor now!" Pag-uulit nito sa utos kanina. Halos lumabas na ang litid nito sa leeg dahil sa pagsigaw.

Tuluyan na akong napaiyak. Hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa o dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Agad kong hinila si Matt na ikinabigla nito. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg nito at doon pinakawalan ang masaganang luha.

Totoo nga siya. Kasama ko siya. Mas napahagulgol ako na ikinataranta nito.

Aalisin sana nito ang pagkakayakap ko sa kanya ngunit mas hinigpitan ko ang pagyapos sa leeg nito. Natatakot ako. Natatakot ako na baka pag binitiwan ko siya ay panaginip lang ang lahat. O di kaya bigla nalang siyang mawala.

"Shhh! I'm here. Stop crying hon." Pag-aalo nito sa akin.

"A-akala ko di na kita makikita." Sabi ko sa pagitan ng pag-iyak. Totoong natakot ako kanina. Akala ko katapusan ko na. Akala ko diko na siya makikita akala ko di kona makikita ang anak ko.

Lumuwag ang pagkakayakap ko kay Matteo ng maalala si Hyohan. Ang anak ko, baka may mangyaring masama kay Hyohan. Napatayo ako bigla na sinundan din ni Matt.

"What happened?" Nagtatakang tanong nito.

"Si Hyohan. Ang anak ko Matt, ang anak ko. Baka may mangyaring masama sa kanya." Hindi ko alam kung bakit ko yun na isip. Basta bigla nalang akong kinabahan.

"Don't worry hon. Hyohan will be here in a couple of a minute." Kalmanteng paliwanag nito.

"Kinakabahan ako Matt. Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman kong kaba." Hindi ko napigilang isatinig ang nararamdaman ko.

Lumapit ito at hinawakan nito ang dalawa kong kamay.

"Don't worry. Madaming bodyguard ang naka escort kay Hyohan. Mamaya nandito na siya. Don't stress yourself  hon. It will not healthy for the baby." Sabi nito sabay ang isang palad nito ay nasa maliit pang umbok ng tyan ko. 

"Pe-pero, pano kung may humarang sa kanila. O di kaya bumalik yung mga lalaking gusto akong kunin. Baka may mangyaring masama sa anak natin Matt." Kinakabahan kong tanong dito. Totoo namang pwedeng mangyari ang mga iyon.

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon