Kabanata 5

1.4K 34 2
                                    

Kahit madilim ang buong paligid, kitang kita ko ang mukha ng lalaking nakatayo sa aking harapan. Ito ang mukha na kailanman ay di ko makakalimutan.

Dahil ang mukhang ito ang naging dahilan ng lahat ng pasakit na naranasan ko.

Walang tigil sa pag-agos ang aking luha. Para akong nakakita ng nakakatakot na bagay. Nanginginig ang aking buong katawan.

Gusto kong tumakbo pero di ako makatayo. Naninikip ang aking dibdib sa mga oras na ito.

Nang mapansin ko nalalapit ito sa akin. Parang nagkaroon ng sariling isip ang aking kamay. Naghanap ito ng kahit na anong bagay na mahahawakan. "hwaag!!" may diin na pagsigaw ko."wag kang lalapit!" sigaw kong muli.

May nakapa akong isang bagay na matigas at mabigat. Hinarang ko ito sa aking harapan. At itinutok ko ito sa kanya.

"wa-wag kang lalapit, kung ayaw mong masaktan!" pagbabanta ko dito.

Ngunit hindi ko makitaan ng takot ang mukha nito, kahit mabakasan ng emosyon ang mukha nito ay wala. Tumigil man ito ng saglit pagkatapos kong sumigaw. Pero di ito nagpatinag muli itong humakbang palapit sa akin.

" wa-wag kang lalapit!" nauutal kong sigaw. Ngunit parang wala itong naririnig. Ilang hakbang nalang ang layo niya sa akin. Nang  nanginginig kong hinagis ang bagay na nasa aking kamay. Ngunit mabilis itong nakaiwas. Tunog mula sa nabasag na  bagay na hinagis ko ang umalingawngaw sa kabuoan ng silid.

Ilang segundo lang ay muli itong nagbalak na lumapit sa akin. Humakbang muli ito palapit na naging dahilan ng sobrang pagsikip ng aking dibdib. Nahihirapan na akong huminga. Nanlalabo na din ang aking paningin. Siguro dahil sa kanina pa ako umiiyak. Kasabay ng mga masasakit na emosyon na nararamdaman ko ay ang biglang pagsakit ng aking ulo. Para na akong nababaliw sa mga oras na ito.

"sa-sabing wa-wag kang lumapit!!!!!!" sigaw kong muli. Ngunit huli na. Nakalapit na ito sa akin. Hinawakan siya nito sa balikat.

Unti-unti na syang nanghihina, siguro dahil sa pagod. At bumigigat na din ang talukap ng kanyang mata. Ang huli nya nalang naalala ay ang takot na makikita sa mukha ng lalaking nasa harapan nya, na mismong ito din ang dahilan.

***

"nanay" sigaw ni Hyohan ang nagpalingon sa kanya. "baby? Hyohan?" hindi sya makapaniwa na nakikita nya si Hyohan na malakas at wala na sa bingit ng kamatayan. Pero panong nangyari yun? Wala pa kong pera pang paopera kay Hyohan? Panong magaling na ito?

Ngunit kung totoo nga itong nangyayari ngayon, nagpapasalamat ako ng malaki. At kung panaginip lang ito sana di na ako magising.

Naglalaro si Hyohan ng robot na laruan sa isang garden "nanay! Halika po, laro po tayo!" yaya nito sa kanya.

Patakbo nyang tinungo ang kinaroroonan nito. Ngunit bakit parang kahit anong lapit nya dito hindi nya ito maabot. Naluluha na sya. "baby! Wag kang lu-lumayo! ." pasigaw kong pakiusap dito. Ngunit kahit anong gawin nyang pagsigaw parang di siya naririnig ni Hyohan. "baby, wag mong takutin si nanay!" pakiusap ko dito sabay ng pagtulo ng aking luha.

Nakahinga  ako ng malalim ng tumayo ito at ngumiti sa gawi ko. Kaya binalik ko dito ang isang napaka tamis na nginti. Ngunit Unti-unting nabura ang ngiti ko sa labi ng tumalikod sa akin si Hyohan. Tumakbo ito kaya hinabol ko ito. "baby! Antayin mo si nanay, wag mo kong iwan!" sigaw ko habang tumatakbo.

Napahinto siya sa pagtakbo ng makita nyang huminto na si Hyohan. Ngunit labis na bumulusok ang matinding takot sa kanyang dibdib ng iangat nya ang kanyang paningin. Nakatayo si Hyohan sa tabi ng lalaking matagal na nyang gustong kalimutan.

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon