Kabanata 3

1.6K 48 4
                                    

Pano na? Gusto ko sanang bumalik sa pwesto ko sa bangketa. Kaso ang balita bantay sarado na daw yun ng mga pulis, dahil malapit na daw simulan ang itatayong mall doon.

Malas naman talaga! Kung kelan malapit na ang birthday ni Hyohan. Bigla naman nagkaganto.

Apat na buwan nalang kasi birthday na nito. At balak ko sana handaan ito ng maayos- ayos. Last year kasi wala akong pera kaya cake at spaghetti lang ang naihanda ko para dito. Kaya gusto ko sanang bumawi ngayon.

"Kay!,baka naman may raket tayo dyan, sama mo naman ako. May pinaghahandaan kasi ako." nasa bahay ako ngayon ni kikay "kay" for short, hinatid ko kasi ang order nitong sapatos na world balance. Pangregalo daw nito sa jowa.

"ayy, bakla! Tamang tama kelangan ko ngayon ng assistant. May pupuntahan kasi si May-May kaya di sya makakasama." tukoy nito sa assistant nito sa mga event.

"ohh! Ano? Gora ka ba bakla?" tanong nito.

"aba, oo naman!" sagot ko dito.

Naglalakad na ako pauwi ng bahay. 3pm palang pero tengga na ako. Wala na kasi akong ibang raket ngayon. Di katulad dati, pagkatapos kong mag deliver diretso naman ako sa bangketa para maglatag. Di gaya ngayon, wala nganga!

Naglakad nalang ako pauwi, malapit lang naman ang bahay ko mula sa bahay ni kikay.

Malapit na ako sa bahay ng makita ko ang kumpulan ng mga tao. "Parang sa bahay sila nakatingin lahat!" sabi ko sa aking sarili.

Kinakabahan ako habang naglalakad papuntang bahay. Hindi ko alam, pero parang lumalakas ang kabog ng dibdib ko. kinakapos ako ng hininga habang palapit sa bahay.

Ilang pulgada nalang ang layo ko mula sa nagkukumpulang mga tao. Rinig na rinig ko ang bulung-bulungan ng mga ito.

Nang matapat na ako sa harap ng mga tao. May mga kumakausap sa akin, pero wala akong naririnig. Nakatuon ang paningin ko sa babaeng umiiyak.

Ang lakas ng iyak 'nito. Ang bawat hagul-gol nito ay parang tumatarak sa  puso ko.

Hindi ko namalayan patakbo na pala ang ginagawa kong paglapit dito.

Nang nasa harapan na ako ng babaeng umiiyak. Bigla itong tumayo at yumakap sa akin.

"Mi-Mira, si-si Hyohan nasa ospital." pagkarinig ko palang  sa pangalan ng  anak ko para na akong hihimatayin. Mas lalong nakapag patigil sa pag-inog ng aking mundo ang sumunod nitong sinabi.

***

Hospital*

Nasa ospital na kami ngayon, nang malaman ko ang nang-yari kay Hyohan halos di ko kayanin. Para akong mababaliw.

At mas lalong nakakabaliw ang nadatnan kong kalagayan nito sa ospital. Iba't-ibang aparato ang nakakabit sa katawan nito. Parang gusto kong makipag palit sa pwesto nito. Simula palang sa bahay iyak na ako ng iyak hanggang sa mailipat si Hyohan sa ICU. Hindi ko nga alam kung saan nanggagaling ang mga luha ko dahil parang hindi ito nauubos.


Flashback*

"

"di ko kasi alam kung pano ka macocontact wala ka namang cellphone. Kaya hindi kita matawagan." pagpapatuloy nito.

Hinigit ko na agad ito para pumunta ng ospital kung nasaan si Hyohan.

End of Flashback*



Lumabas ang doktor na nag-opera kay Hyohan, mula sa ICU room na pinag dalhan dito pagkatapos ng operasyon.

" Mrs. Asuncion, tatapatin ko na po kayo. Malala po ang nangyaring impact sa ulo ng inyong anak." sabi ng doktor habang mababakasan ng pag-aalala sa tinig.

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon