Kabanata 2

1.8K 62 14
                                    

Madilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Naninigaw. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban.

Ngunit pano? Masyado syang 'malakas. Hindi ko sya kaya. Nasasaktan ako. Nahihilo. Halos di ako makahinga. Ilang beses nya akong sinaktan. Gusto ko mang ipagpatuloy ang panlalaban ngunit unti-unting nauubos ang lakas ko. Hanggang sa wala na akong nagawa, hinayaan ko nalang sya. Nakatulala nalang ako habang ang halimaw na ito ay dinudungisan ang aking pagkatao. Dinudungisan ang aking katawan.

Ano nang mangyari sa akin? Sira na ang buhay ko. Tanging luha nalang ang aking nagawa. Hanggang sa unti-unting ginugupo ng kadiliman ang aking paningin.

"huwag!" napabalikwas ng bangon si Mira. Para syang nang galing sa isang mahabang pagtakbo. Nag-aalalang mukha ng kanyang anak ang kanyang nabungaran.

"nanay, bakit po kayo umiiyak habang natutulog?" nag-aalang tanong nito sa kanya.

Napayakap sya dito. Gusto nyang itago ang luha na hindi nya namalayang tumulo sa kanyang mata.

"wala to baby, napuwing lang si nanay." depensa nya dito.

"pe-pero po, kanina, para po kayong natatakot. Ginigising ko nga po kayo. Pero ayaw nyo po gumising. Tapos umiyak na po kayo." nag-aalala pa rin nitong sabi.

"wala talaga baby, may napanaginipan lang si nanay na monster." pagsisinungaling nya dito.

Kumalas siya sa pagkakayakap dito, at hinawakan nya ang mukha nito gamit ang dalawa nyang kamay.

"Kumain kana ba? Si nanang mo, gising na ba? " pag-iiba nya sa usapan. Ayaw na nya kasing pag-usapan ang bagay na yun. Mas magandang kalimutan nalang.

"hindi pa po, inaantay ko po kasi kayo gumising. Gusto ko po kasi sabay tayong kumain." malambing nitong pahayag.

Tumayo na sya mula sa higaan. At hinawakan ang kamay ni Hyohan para tumayo na din ito.

"anong gustong almusal ng baby ni nanay?" malambing na tanong nya dito.

"kahit ano po nanay, okay lang." malambing na sagot nito sa kanya.

"sige, dito ka lang ha! bibili lang si nanay kina aling Vivi ng almusal, okay lang ba sayo ang sopas?" tanong nya dito.

"sige po. Sopas na lang."

Kinuha ko na ang pitaka ko sa loob ng kwarto namin ni Hyohan. Pagkakuha ko lumabas na ako ng bahay para makabili ng almusal kina aling Vivi.

Bumili ako ng isang order ng sopas, palabok at spaghetti. Bumili na din ako ng bente pesos na pandesal.

Habang naglalakad narinig narinig ko ang morning radio na bunganga ng mga mahaderang kapitbahay.

"ayy, oo nabalitaan ko nga. Idede-Demolish na daw yung mga bahay doon sa malapit sa palengke. May nakabili daw na mayang negosyante. Papatayuan daw kasi yun ng mall!" sabi nung payatot na nakakulay dilaw na damit.

Sino kaya nakabili nun? Siguro mayaman nga talaga yung nakabili, ang lawak kaya ng lupa na yun. Bulong ko sa sarili ko.

Kaso, pano na kaming mga vendors? Doon kasi ako pumupwesto sa pagtitinda. Pagdinimolish na yun paniguradong wala na akong mapupwestuhang iba. Mahirap pa namang maghanap ng lugar na mapag lalatagan ng paninda.

Nakabalik na ako ng bahay habang nag-iisip tungkol sa narinig ko sa labas.

"oh! Bat parang ikaw naman ang mukhang byernes santo ngayon?"napatingin ako sa nagsalita.

Gising na pala si Kim, di ko namalayan na nasa harap ko na pala ito.

" aga nating nagising ahh? " tanong ko dito. Para maiba ang usapan.

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon