Kabanata 33

994 34 6
                                    

Mira's POV

"Tatanga-tanga ka kasi. All this time pinaglalaruan ka na hindi mo pa alam." Sabi ni Avory habang tumatawa.

Parang nagpantig ang pandinig ko sa sinabi ni Avory. Gusto ko siyang sugudin ngayon at saktan. Una sa lahat kinuha niya ang anak ko. Ngayon naman kung ano-ano ang pinagsasabi niya.

"Linawin mo ang sinasabi mo. A-anong pinaglalaruan? Ni-nino? Bakit mo nasabing pinaglalaruan ako!" Ngayon ay hindi na takot ang nararamdaman ko kundi galit. Galit para kay Avory, galit para sa mga ginawa niya. Sana di na niya dinamay ang anak ko. Sana ako nalang, kung galit siya sa akin, sana ako nalang!

"Handa ka ba sa sagot na malalaman mo? O baka pag nalaman mo ay hilingin mo nalang na Sana Hindi ko na sinabi sayo." Nakangising sabi nito.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Bakit ko pagsisisihan ang malalaman kong sagot? Ano ba talagang sinasabi niya? Naguguluhan na ako.

"A-ano bang pinagsasabi mo?!" Halos lumabas na ang litid ko sa leeg sa pagsigaw. Naiinis ako at nagagalit sa kanya. Pero natatakpan yun ng curiosity na malaman kung ano ba talagang pinagsasabi ng babaeng ito.

"Akala mo ba nagkataon lang ang lahat? Nagkataon lang ang mga nangyari sayo! Sa inyo ni Matt?! Huh!" Sabay ngisi nito.

"Hindi mo alam pinaglalaruan ka na! Ikaw naman na tanga-tanga, nagpauto ka! Hindi ko naman alam na uto-uto lang pala ang ipinalit sa akin ni Matt." Pagkatapos nitong magsalita ay tumawa nanaman ito.

Hahahahahahahhahaha! Tawa nito naparang nababaliw. Nanlilisik din ang mga mata nito. Na para bang handa akong sugudin ano mang oras.

Halos pigilin ko ang hininga ko habang nakikinig sa mga sinasabi ni Avory. Ewan ko pero parang nangingilid ang luha sa aking mata. Bigla akong nakaramdam ng takot. Takot para sa sarili ko at sa batang dinadala ko.

"Alam mo bang pinagkasundo na kami ehh!" Ngayon umiiyak naman Ito.

"Bata pa lang ako hinanda ko na ang sarili ko na siya ang para sa akin. Na siya ang lalaking papakasalan ko! Na siya ang magiging ama ng magiging anak ko.!" Wala pa ding tigil ang pagpatak ng luha nito habang masama ang tingin sa akin.

Hindi ako makapag salita dahil sa mga sinasabi ni Avory. Bigla nanaman akong nakaramdam ng awa para dito. Ewan ko pero pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat. Kahit hindi ko alam kung bakit. At ang dahilan bakit sobra-sobra nalang ang galit niya sa akin na humantong pa sa puntong Ito. Sa puntong magagawa niya ang bagay na to.

"When I was a child, Matt is my super hero. Palagi nya akong pinagtatanggol sa mga umaaway sa akin. Until we grow up wala siyang pinagbago, siya pa din ang super hero ko. But one day he changed! At hindi ko alam kung bakit. Ginawa ko ang lahat para malaman kung anong dahilan ng pagbabago niya. Then one time I decided to follow him and investigate. Every night palagi siyang may pinupuntahan at isang lugar lang yun." Ramdam ko ang galit sa boses nito pero patuloy pa din ito sa pag-iyak.

Hindi ko na din maiwasan ang pagpatak ng luha ko. Natatakot ako sa pwede kong malaman. Ako ba talaga Ang dahilan ng lahat ng to? Pero bakit ? Pano? Hindi ko alam kung panong naging ako.

"Ba-bakit mo ba yan si-sinasabi?! A-ano bang pa-pakialam ko dyan?! Wa-wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo!." Sigaw ko habang umiiyak.

"Wala nga ba?!" Mapanuya nitong tanong. Ngayon ay bakas na ang galit sa mga mata nito. Tumaas pa ang gilid ng labi nito. Na nakadagdag sa kaba na nararamdaman ko.

"Flowers, gifts. The PJ Bar and Resto. Tindera sa umaga. Waitress sa gabi."

Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Avory. Pano nya nalaman ang lahat ng yun? Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon