Kabanata 23

952 27 9
                                    

Lulan kami ngayon ng tricycle pauwi. pagabi na kaya medyo madilim na ang langit. Malamig din ang ihip ng hangin siguro uulan mamaya. Mabuti na lang at pinayagan na akong makauwi dahil sobrang nag-aalala na ako kay Hyohan. Maayos naman na daw ako, basta wag lang daw akong masyadong magpapagod at inumin ko yung niriseta sa aking mga vitamins. Hanggang ngayon di ako makapaniwala sa nalaman ko. Hinimas ko ang impis pang tiyan ko. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng aking luha sa aking kandungan. Hindi ko mawari kong dahil ba sa tuwa o dahil sa lungkot ang mga luhang Ito.

"Ayos ka lang ba Mira?" Agad kong pinahid ang aking luha bago nakangiting lumingon kay aling Vivi.

"A-ayos lang ho!" Sagot ko habang nakangiti.

"Diretso na po tayo sa bahay niyo. Para masundo ko na po si Hyohan." Pag-iba ko sa paksa ng usapan. Pilit pa rin akong ngumiti upang maitago ang totoong nararamdaman.

"Wag na! Diretso na tayo sa inyo. Ipapahatid ko nalang kay Cristian si Hyohan ng makapagpahinga ka na. Mamaya ay mapano ka nanaman." Pagtanggi nito sa sinabi ko kanina.

Wala akong nagawa kundi ang sundin na lamang si aling Vivi. Parang kailangan ko nga talagang makapagpahinga pa dahil hindi ako makapag-isip ng maayos.

"Ohh, pano mauna na ako Mira. Ipapahatid ko nalang si Hyohan. Magpahinga ka muna." Paalam ni aling Vivi pagkatapos akong tulungang makaupo sa upuan dito sa sala.

"Salamat po. Pasensya na po sa abala." Nahihiya kong sabi.

Hindi ko na naihatid ito sa pinto dahil parang nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko.

Yumuko ako upang pagmasdan ang impis ko pang tiyan. Hinaplos ko Ito kasabas ng pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo. Masaya ako dahil may isa nanaman akong anghel. Ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil sa mga pangyayaring ngayon. Mahal ko ang buhay na nasa loob ko. Ngunit natatakot ako para dito dahil hindi ko maibibigay ang pamilyang nararapat para dito.

"Nay!" Sigaw ni Hyohan ang nagpabalik sa aking naglalayag na isip. Humahangos itong lumapit sa akin at agad na yumakap. Miski ako hindi ko mapigilan ang mapayakap ng mahigpit dito.

"Nay, akala ko po hindi ko na kayo makikita." Umiiyak nitong sumbong.

Napangiti ako sa isiping may dalawang nilalang na umaasa sa akin. May dalawang nilalang pa akong makukuhanan ng lakas para lumaban at magpatuloy.

Kumalas ako sa pagkakayakap dito at matamis na ngumiti. "Baby, sorry kung nag-alala ka kay nanay. Pero promise di na yun mauulit." May ngiti kong pahayag.

"Baby, may sasabihin si nanay." Napatingin ito sa aking mata.

"Ano po yun nanay?" Nakangiti na ito ngayon.

"Baby, gusto mo bang may kapatid?" Malambing kong tanong dito habang hinihimas ang buhok.

"Syempre naman nanay! Gusto ko po lalaki para may kasama po akong maglaro." Napangiti ako sa reaksyon nito nanlaki kasi ang mata nito habang napakalaki ng pagkakangiti. Hindi ko inasahang ganito ang magiging reaksyon ni Hyohan. Mas mukhang excited pa ito kesa sa akin.

"Pano kung babae ang kapatid mo? Ok kang sayo?" Nakangiti Kong tanong.

Lumungkot ang mukha nito. Kaya nag-alala ako. "Bakit? Ayaw mo ng babaeng kapatid?" Nag-aalala kong tanong. Kahit hindi ko pa alam kung anong kasarian nitong bata sa sinapupunan ko. Kilangan ko ng ihanda si Hyohan para hindi Ito mabigla.

"Ayos lang nay! Kaso mas gusto ko po lalaki para may kalaro ako." Hindi na ito nakasimangot.

"So ok lang sayo kahit babae?"

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon