Kabanata 7

1.4K 43 9
                                    

"if you sure, then ready yourself"

Ito ang paulit-ulit na naririnig ko simula pa kagabi hanggang sa magising ako. Parang may ibang pahiwatig ang mga katagang iyon.

Hindi sya gaanong nakatulog dahil sa pag-iisip. Pag-iisip kung anong dapat nyang gawin pagnagkaharap na sya at ang pinagkakautangan niya.

"bahala na nga!!" wala sa sariling lintanya niya.

Bumangon na sya mula sa pagkakahiga. Kilangan na nya kasing mag-ayos para maaga siyang makarating sa address na ibinigay ng huli sa kanya.

"kim, ikaw muna bahala kay Hyohan. May kilangan lang kasi akong puntahan" nakabihis na ako pero kakalabas pa lang ni Kim mula sa kwarto nito.

"saan ka naman pupunta?" pupungaspungas nitong tanong.

Hindi nya nga pala sinabi dito kung ano ang mga napag-usapan nila ni attorney Mendez. Ayaw nya kasing mamroblema pa ito sa utang kuno nito, na talagang dapat ay sa akin. Malaki na ang utang nya kay Kim at ayaw na nyang madagdagan pa iyon.

"basta, may importante lang akong pupuntahan" hindi ko na inantay ang sagot nito. Panigurado kasing hindi ako nito tatantanan hanggang di ko sabihin kung saan ako pupunta.

Balak ko sanang mag jeep para makatipid kaso, first-time ko pa lang pupunta sa lugar na binigay sa akin ng kausap ko kagabi. Kaya nag taxi nalang ako para diretso na ako sa address na binigay sa akin.

Huminto ang sinasakyan ko sa harap ng isang malaking gusali. Napanganga siya ng mapagmasdan ang kabuuan ng gusaling nasa harapan niya.

"yes, miss?" tanong ng nasa reception area.

"uhm, pinapunta po ako dito ni....." Ano nga ba pangalan nun? Nakalimutan kong itanong. Anong sasabibin ko. Hala!

"pinapunta po ako ni boss!!" ayy kagagahan ko talagang tinataglay, ang dami kayang boss sa mundo.

Pero ng tignan ko ang mukha ng kaharap ko parang na gets nito ang sinabi ko.

"okay, ma'am! Wait for a while" ayy galing naman. Boss lang pala talaga panganlan nun.

Nakita kong may tinawagan ang receptionist. Ilang minuto lang ay may lumapit na lalaki sa akin. "ma'am , dito po tayo." napatingin ako sa receptionist, dahil hindi ko alam kung sasama ba ako sa lalaki. Mamaya masamang loob pala ito.

"Sasamahan nya po kayo kay boss."Tukoy nito sa lalaking kakalapit lang, sabay nginitian sya nito.

Nakasakay kami ngayon sa loob ng elevator, kinakabahan ako, di ko alam pero parang bigla nalang akong nakaramdam ng labis na pagkabalisa.

"kalma self, kalma lang!" bulong ko sa sarili.

Nang bumukas ang pinto ng elevator mas lalo akong namangha sa lawak ng palapag. Dalawang pinto lang ang meron sa palapag na ito. Isa siguro dito ang pupuntahan namin. Naunang naglakad ang lalaking kasama ko. Pumunta kami sa may dulong pinto ng palapag. Kumatok ng tatlong beses ang lalaki bago ito binuksan.

Pumasok siya sa loob kasunod ang lalaking naghatid sa kanya. "ma'am sabi po ni lord paantay nalang daw po dito. May meeting lang po kasi itong pinuntahan." sabi ng naghatid sa kanya. 

"ayy! Sige po kuya." sagot nya dito.

Naupo sya sa isang sofa sa may gilid ng pinto matapos makalabas ni kuya na naghatid sa kanya. Nilibot nya ang kanyang paningin sa kabuoan ng opisina. Napakalawak ng opisinang ito. Pwede na itong gawing bahay sa sobrang laki.

Ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa din dumadating si boss. Dahil sa sobrang pagkainip, tumayo siya at naglakad lakad sa loob ng opisina. At dahil sa dakilang usisera sya nakialam na din siya sa ilang gamit na nakikita nya. Napadako ang kanyang paningin isang babasaging plaka na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nakatalikod ito sa kanya kaya di nya agad ito napansin. Kinuha nya ito at binasa ang nakaukit dito. Lumikha ng malakas na tunog ang kanina ay hawak-hawak nyang babasaging plaka. Nabitiwan nya ito ng mabasa nya ang nakaukit na pangalan mula dito. Tulala sya habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ni " Mateo Madrigal"

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon