Kabanata 22

926 33 7
                                    

Mira's POV

"His not only yours, fuck! I know everything." Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabing ito ni Matteo.

Ilang minuto na pero parang ayaw bumuka ng bibig ko. Nakatulala lang ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Dapat ko ba siyang saktan? Sigawan? Murahin?. Yan dapat ang ginagawa ko ngayon pero bakit para akong naupos na kandila. Nanatili lang akong nakaupo habang nakatulala.

Nanginginig ang buong katawan ko. Para akong bumalik sa dati. Sa dating ako na akala ko ay nalampasan ko na.

"Huh! Ha!ha!" Hindi ko alam kung bakit ako biglang natawa. Walang nakakatawa sa oras na ito pero hindi ko napigilan ang tumawa. Palakas ng palakas ang tawa ko hanggang sa naramdaman ko nalang ang mainit na likido mula sa aking mata na saganang tumutulo sa aking kandungan. Para na akong mababaliw. Para na akong tinakasan ng katinuan.

Masakit! Sobrang sakit! Bakit ko ba Ito nararanasan? Ano bang ginawa kong masama? Wala akong inagrabyado pero bakit parang sobra na yung parusa sa akin?

"Baby, what happened?" Naguguluhan nitong tanong. Siguro iniisip nito ngayon na nababaliw na ako. Sana nga nabaliw nalang ako siguro kung ganon matatakasan ko ang problemang ito.

Lumapit siya sa akin at nagtangkang hawakan ako. Ngunit mabilis akong umiwas at tumayo.

"Wag mo kong hawakan!" Pasigaw kong utos.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito.

Hindi ko malaman ang dapat kong maramdaman dahil nag halo-halo nang lahat. Parang ilang segundo nalang ay sasabog na ako.

Napakatanga ko. Bakit ako nagpauto sa kanya. Ginawa niya lang pala akong tanga. Pinasakay niya lang ako sa kasinungalingan binuo niya. Ano bang akala niya sa akin laruan? Puppet na pwede nyang kontrolin?

Lumapit siya sa akin at mabilis akong niyakap. Nagpupumiglas ako para makawala ngunit sadyang napakalakas nya.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap niya.

"No! I won't!" Madiin nitong pahayag. Ramdam ko ang takot sa kanya habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Sabing bitawan mo ako!" Buong lakas ko siyang tinulak na naging dahilan ng pagkakakalas nya sa akin.

Si Hyohan? Ang anak ko? Kilangan ko siyang makuha. Hindi nila pwedeng ilayo sa akin si Hyohan.

"Mira please mag-usap muna tayo. We need to talk. Magpapaliwanag ak-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita agad ko siyang hinila palabas ng pinto. Hindi ko kailangan ang paliwanag niya. Malinaw na sa akin na pinaglaruan niya lang ako.

"Please Mira magpapaliwanag ako. Please baby listen to me." Pag-mamakaawa nito.

"Wag kang babalik dito ng hindi mo kasama si Hyohan!" Pagkasabi ko nun ay malakas kong isinara ang pinto.

Hindi ko siya mapapatawad kapag may nangyari sa anak ko. Kamumuhian ko siya sa oras na ilayo nila sa akin si Hyohan.

"Please baby, give a chance to explain." Kinakalampag nito ang pinto habang nagsisisigaw.

"Umalis kana Matt! Siguraduhin mong maibabalik mo si Hyohan sa akin. Dahil sa oras na hindi makabalik ang anak ko. Habang buhay kitang isusumpa!" Sigaw ko.

Ilang minuto itong tumigil sa pagwawala sa pinto. Akala ko nakaalis na siya pero muli itong nagsalita.

" Please Mira wait for me. Babalik ako. Babalikan ko kayo."

Ito ang huling salitang iniwan niya bago ko narinig ang pag-andar ng makina ng sasakyan nito.

Ilang minuto akong tulala. Para akong mawawalan ng lakas sa mga oras na ito. Nahihilo ako siguro dahil sa labis na pagod sa pag-iyak. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Naglakad ako patungong kwarto ngunit nasa pinto palang ako unti-unti nang nagdidilim ang aking paningin. Hanggang sa pagbagsak ko nalang sa malamig na sahig ang huli kong naalala.

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon