"Ate, ako na po magbabantay kay Hyohan" napatingin ako kay Camille. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito
Ngumiti ako dito. Pero ngiting napipilitan lang. Nahalata siguro nito na kanina pa ako wala sa sarili.
Nandito kami ngayon sa uptown mall. Tinuloy ko ang balak na pamamasyal kahit parang ang sama ng pakiramdam ko. "Ate, ayos ka lang ba talaga?"
"Ayos lang ako." Malumanay kong tugon.
Mabuti nalang at hindi na ito nagtanong ulit. Dahil hindi ko na alam kung kaya ko pang sumagot.
"Camille, okey lang ba pabantay muna si Hyohan? Mag ccr lang ako." Agad naman itong pumayag. Naglakad na ako papuntang cr. Parang kailangan kong maghilamos upang mahimasmasan.
Nang makarating ako sa cr agad akong naghilamos. Tumingin ako sa sarili kong reflection sa salamin. "Kaya mo to Mira. Wala lang siya sayo. Diba sya ang sumira sayo? Di ba galit ka sa kanya? Nabuhay ka noong wala siya. Mabubuhay ka ngayon na wala siya." Para akong baliw na kinakausap ang sarili. May pumasok na mag ccr kaya napatigil ako.
Lumabas na ako para makabalik kina Hyohan. Magtatanghali na, kaya baka nagugutom na sina Camille at Hyohan.
Naglalakad na ako pabalik ng may tumawag sa akin.
"Mira!" Napalingon ako sa direksyon ng tumatawag.
Palapit sa akin si James. Nakita ko ang mga kaibigan na iniwan nito para makalapit sa akin.
Nang makalapit ito ay agad ako inakbayan.
"Kaya pala di ka nag bukas ng tindahan gumala ka lang pala." Inalis ko ang kamay nya na naka akbay sa akin.
"Ano ba James!" Irita kong saway dito. Kung makalingkis kasi parang tuko.
"Bro. Ano? Sasama ka ba?" Nakalapit na ang mga kaibigan nito sa amin.
"Di na pre! Kayo nalang. Dito muna ako sa babe ko." Kinindatan pa ako nito kaya inirapan ko siya.
Nagpaalam ang mga kaibigan nito sa akin. Pagkaalis palang ng mga ito nakatikim na ng batok sa akin si James.
"Hoy! Anong babe?" Naiirita kong bulyaw dito.
Naglakad na ako palampas dito dahil baka inaantay na ako nila Hyohan at Camille. Siniko ko sa tyan si James ng umakbay ito sa akin. "Ano ba James!" Naiinis kong sita. Pinagtitinginan na kami ng mga taong nakakasalubong namin. Habang itong lalaking Ito ay walang sawang dumidikit sa akin.
"nay!" Bumaba ito sa sinasakyang motorcycle game nahinuhulugan ng token. Nakasunod naman sa likod nito si Camille.
"What's up dude!" Pagsingit ni James. Inirapan lang ito ni Hyohan.
Makikipag appear pa sana si James kay Hyohan kaso nilisikan na ito ng mata ni Hyohan.
"Nay, Kain na po tayo. Nagugutom na po ako." Binalewala nito ang prisensya ni James.
Dati pa man kapag dumadalaw si James sa bahay hindi talaga sila magkasundo ni Hyohan.
Akmang aakbay nanaman si James sa akin ng hinila na ako ni Hyohan paalis.
Sa food court nalang kami pumunta. Puno kasi sa Jollibe at mcdo. "Order lang ako ng pagkain." Paalam ko sa mga ito.
"Samahan na kita babe." Nakangiting sabi nito. Tumayo na ito para samahan ako sa pag-order ng pagkain.
Naglakad na ako papuntang counter para makapili ng pagkain. Sinabi ko na lahat ng order ko sa counter bago ko hinarap si James.
"Wala ka bang magawa at sunod ka ng sunod?" Naiirita kong tanong.
BINABASA MO ANG
Love Mistake (COMPLETED)
RomansaMadilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban. Ngunit paano? Masyado siyang malakas. Wala along magawa kundi ang hayaan ang luha ko na pumatak. Nasasaktan ako sa ginagawa niya...