CHAPTER 23

1.9K 23 3
                                    

FLYDER

Pagkatapos namin nina Kuya Kirst at Ed na pumirma ng mga album namin sa loob ng isang kilalang mall dito sa ‘Pinas, pumunta na kaming tatlo sa bahay ni Kuya Kirst para sa thanksgiving party sa amin na ginawa ni Miss Beth at ni Kuya Kirst na rin. Ilang araw pa lang daw kasi simula nang nirelease ang album namin, eight thousand plus na agad ang bumili. Para sa isang baguhang mga musikero, malaking bagay na iyon.

Nang nasa bahay na kami ni Kuya Kirst, agad na sumalubong sa amin ang mukha nina Miss Bethany at Natalie. Si Natalie, hindi pa rin talaga nagbabago. Ang ganda-ganda niya pa ring tignan kahit sa malayo. Pero mas maganda pa rin talaga si Mia, at mahal na mahal ko ‘yon.

Sa parehong usapan, sina Mia at ang ate niyang si Mandy ay hindi makakapunta rito dahil gusto ng ate niya na mag-bond silang magkakapatid sa pagpasok ng bagong taon. Kahit na medyo nalulungkot ako dahil sa na-miss ko na siya, masaya pa rin ako dahil kanina bago ang album signing namin ay tumawag siya sa akin.

“Oh, Ed, andito pala ang girlfriend mo. Kayong dalawa, hindi ba pupunta ang mga girlfriend ninyo?” Si Miss Bethany talaga, palatanong kahit kailan.

“Ah, gan’on ba? Asan siya?”

“And’on oh,” tinuro ni Natalie si Kelly at agad namang nagmadali si Ed na pumunta sa kanya sa gilid ng malaking vase. Maski ako dati nang pagka-alam ko ay nagulat nang malaman kong sila nang dalawa. Ang akala ko ba’y parang mga aso’t pusa sila kapag nagsasama sa isang lugar? Pero sa tingin ko, seryoso si Ed sa intensyon niya kay Kelly.

“Kayong dalawa, hindi ba pupunta ang mga girlfriend ninyo rito?”, pag-uulit niyang tanong sa aming dalawang mga lalaki na natira dito sa harapan niya.

“Hindi eh,” sagot ko naman. Si Natalie sa likod ni Miss Bethany ay nakangiti lang sa akin. Kinindatan ko naman siya’t umalis na at iniwan si Kuya Kirst na mag-isa kasama nilang mag-ina.

Habang naglilibot at nangangamusta ng mga kaibigan, napag-alaman kong ang laki nga naman ng bahay ni Kuya Kirst. Kahit hindi sabihin ni Kuya Kirst, siya ang pinakamayaman sa aming tatlo. Kahit nga siguro na wala na siya sa bandang ito, mayaman pa rin siya, e. Pero hindi siya gaanong showy at yun ang nagustuhan ko sa kanya.

******

Alas nuwebe na ng gabi sa orasan ko. Ang mga kaibigan namin, pati na rin ang mga taong tumulong sa amin sa pagbuo ng album naming tatlo, ay nandito sa labas ng bahay ni Kuya Kirst at may hawak-hawak na mga bote ng Red Horse sa mga kamay namin. Si Ed, ayun at nakatingin lang sa amin sa gilid kasama ang girlfriend niya. Pinagbawalan kasi siyang uminon ni Kelly kaya pass daw muna siya. Napaghalataan kong takot si Ed kay Kelly na siya namang ikinamangha ko dahil hindi gan’on si Ed sa dati niyang mga naging karelasyon; dati-rati ay parang binabalewala niya nga lang ang mga babae niya, e. Ngayon tignan mo’t parang isang asong ligaw siya kapag si Kelly ang kasama niya.

Nagbabago na kaya si Ed?

Naka-apat na na bote ng beer si Kuya Kirst at alam kong lasing na siya. Sa mapula niyang mukha at nau-utal na mga salita, hindi pa ba siya lasing?

Kanina pa rin niya ako tinititigan. Parang may gusto siyang ipahiwatig sa akin na hindi ko nakukuha. Ang tindi ng pagkatitig niya sa akin na animo’y parang kakainin niya ako na ewan. Pero dahil nga lasing siya, pinabayaan ko na lang siya sa kanyang ginagawa.

“Flyder, sa…samahan mo nga ako sa CR, pwe…pwede?” Malumanay ang boses niya na para bang kahit anong oras ay pwede na siyang makatulog. “Oo naman,” sagot ko sa kanya.

Dahil hirap na hirap siya sa kanyang paglalakad, inakay ko na siya papasok sa loob.

Nang nasa loob na kami ng kwarto ni Kuya Kirst, agad siyang umupo sa kanyang kama at nagsimulang magsalita. Ako nama’y andito lang sa may pintuan, nakatayo lang.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon