CHAPTER 26

1.5K 8 4
                                    

KELLY

Azzhuls! Azzhuls everywhere!

Kanina habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko ulit si Giussepe na pinagtatawanan ako kasama ng mga pet dogs niya na naka-school uniform. Magta-tatlong linggo ko na siya hindi kinakausap ah, hindi niya pa ba nakuha ang hint na ayoko sa kanya!? Ang KSP! At isa pa itong lalaki sa tindahan na tawagin na lang natin sa pangalan na Bogart. P500 yung pera ko pero, tapos bumili ako dalawang pirasong polvoron na tag-five, yung sinukli niya sa akin ay P499? Alam kong maganda ako, pero mapuputo talaga siya kapag palagi niya yung gagawin.

Ang hirap talaga maging maganda, sexy, at masasabing semi-perfect. Lahat na lang ng boys umaaligid sa akin. Pwede ring ambisyosa lang talaga ako ‘di kaya sa Vicks na nahithit ko kagabi kaya ganito ang mga pinag-iisip ko, pero pwede ring totoo yung mga hypothesis ko.

“Girl, have you seen this? Yung boyfriend mo, may kahalikang babae sa isang fast food chain.”

Ngumiwi ako kay Annie. “Girl, hindi niya magagawa iyan sa akin. Look at me from head to toe! Kapag ganito ba naman ang magiging girlfriend mo, maghahanap ka pa ng iba?”

“Oo naman. Ang gamol mo kaya!” Napatigil ako bigla sa sinabi ni Hannah.

“Wala namang ganyanan, Hannah! Alam mo namang nagjo-joke lang ako tapos sineryoso mo agad ang usapan.”

Dahil sa pagkahiya, tumayo ako sa kina-uupuan ko’t pumunta kay Annie. Tinignan ko ang tweet na pinagsasabi niya, at doon ko nalamang si Ed nga iyon. Namula-mula ang magkabili kong mga pisngi at parang napalunok ako ng sangkaterbang mga ampalaya dahil doon. “Hindi siya ‘yan,” sabi ko kay Annie at bumalik sa bakaneteng silya para sa akin.

“Eh bakit yung caption ang nakalagay, “With Edward!” 

“Maraming Edward sa mundo, Hannah! Kahit nga yung bading na nagbebenta ng gulaman sa labas ng school natin Edward din yung pangalan eh.”

Doon ko silang dalawa napabilog. Pero ako? Hinding-hindi! Si Ed nga yung nasa picture na iyon. Ang landi niya talagang klase ng lalaki. Lagot siya sa akin mamaya!

**************

ED

Nakakapagod ngayong araw. Pambihira, matapos kong magising ng alas-kwatro at pumunta sa location ng video shoot namin, naalala kong dalawang oras akong advance sa call time namin. Grabe pa naman ang pag-aayos ko sa sarili ko kanina. Mabuti na lang at ang kapareha ko sa shoot ay andun na.

Dahil nga ako ang ginawang leading man sa video na ito, kailangan kong maging professional. Lahat ng ipinapagawa nila sa akin, umo-oo lang ako. Kahit nga na halikan itong si Shellane eh ginawa ko, e.

************

“How was the kiss?”

Napaurong ako sa kinauupuan ko nang tinanong niya ako sa nangyari kanina. Paano niya nalaman? Hindi ko siya pinagsabihan sa shooting, a. At isa pa, maliit na bagay lang naman ito.

“You mean…”

“Nakita ko ang picture na kumakalat sa internet. How was it? Lasang higad ba?” Nakangiti pa siya na para bang hindi siya apektado habang nakatingin sa akin, mata sa mata.

“Let me explain, babe! Nagsh…” Hindi pa man ako nakatapos ng aking gustong sabihin,tumayo na siya’t umalis.

“Let’s just break up. Ayoko ng maraming kaagaw.” Tumayo siya’t kinuha ang cell phone niya sa mesang kinapapatungan nito.

“Babe!” Pinigilan ko siya pero hindi talaga siya nagpatalo kaya nakawala pa rin siya sa kapit ko. “Mauna na ako, Ed!”

Hindi ako nakagalaw sa kina-uupuan ko hanggang sa nakasakayna siya ng taxi.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon