EPILOGUE

1.6K 9 3
                                    

FLYDER

11:52 na at andito pa rin ako sa kahabaan ng traffic. Dahil dito ay naisipan kong mag-drive sa alam kong shortcut papunta sa simbahan kung saan ay ikakasal sina Kelly at Ed.

Ang saya lang tignan na sa kabila ng lahat-lahat ay sa simbahan din pala ang tuloy nilang dalawa. Kahit na parang aso at pusa sila kung mag-bangayan ay nalaman din pala nilang sila talaga ang pinagtagpo ng tadhana, ng mga tala, at ng Diyos.

Dahil sa pagmamadali ay hindi ko namalayang may tatawid pala na lalaking walang saplot pang-itaas sa kalsada. Sa aking nakikita, mukhang galing siya sa kaliwang bahagi ng kalsada kasama ang apat pa na mga lalaki na umiinon ng beer. Mabuti na lang at hindi ko siya natamaan.

Dahil sa pagkagalit ay pinukpok niya ang aking sasakyan. “Matinding gulo ito,” sabi ko sa sarili ko. Sa lahat ng oras ba naman ay ngayon pa. Ngayon pa na kailangang-kailangan ko na talagang pumunta sa Balesin nang kahit reception man lang ay nandoon ako. At mukhang mauudlot na naman ito dahil sa gulong pinasukan ko.

“Bumaba ka, gago ka!” Sabi ng kasamahan niyang bigotilyo.

“Tarantadong tao ito, a. Bumaba ka!” Sabi naman ng isa na mahaba ang buhok.

Para nga na matapos na ito, bumaba ako. Hindi pa man ako nagsalita ay nilapitan na ako ng dalawang lalaki at sinimulang suntuk-suntokin sa tiyan. “Gago ka, a. Hindi mo ba kami kilala, ha? Kung makapag-asta ka e akala mo sa’yo itong lugar na ito, a?”

“P . . . pasensya na po talaga,” tanging sagot ko lang sa kanilang lahat.

“Anong pase-pasensya? Hindi uso sa amin iyan dito, hijo!”

“Muntik mo na akong patayin, hayup ka! Ang kupal-kupal mo at maling tao ang binangga mo, hinayupak ka!” Sabi ng lalaking hubo ang itaas.

“Pasensya na po kasi. Nagmamada . . . “ hindi pa man ako nakapagtapos ng gusto kong sabihin ay tinaga ako ng isang matalim na bagay sa likod ko. Nagsimulang humapdi ang likod ko’t may mainit na likido nang pumapatak dito. Pumikit ako sa sobrang sakit.

“Putangina, Jerald! Bakit mo siya sinaksak?!” Nagsitakbuhan ang ibang mga lalaki dahil sa nakita nila, habang ang lalaking ito na si Jerald siguro ang pangalan dahil iyon ang narinig ko ay naiwan. Kahit na iika-ika akong palakad papunta sa aking sasakyan ay nakikita ko pa rin siyang nagmamasid sa akin at naglilibot ang kanyang mga mata. Napa-praning siya sa pagkahula ko.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko, pero hindi pa man ako nakapasok ay naramdaman ko na naman na may tumatama sa katawan ko na matalim na bagay. Isa. Dalawa. Tatlo hanggang sa umabot na siguro ito ng sampo. Hindi ko na kinaya at napaluhod na ako.

Kunin niyo na ako, hiling ko sa Maykapal. Kung ganito rin lang ang kapalaran ko, mabuti pang ngayon pa lang, kunin niyo na ako.

Inisip ko si Mia bigla. Ito kaya ang paraan upang magkita ulit kami? Naka-ukit na sa aking isipan ang kanyang ngiti habang papalapit siya nang papalapit sa akin para abutin ang aking kamay.

Mia, hintayin mo ako diyan. Diyan kung tayo'y malayang magmahalan.

Mia, hintayin mo ako diyan.

THE END

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon