CHAPTER 8

2.4K 27 0
                                    

FLYDER

“Gaguhan lang? Dinala pa ako sa ospital eh sugat lang naman sa balakang at sabog na bibig ang tinamo ko sa kanila.” Kanina pa kami tawang-tawa sa inaasal ni Ed. Si Kelly, halatang naiinis na sa pinagrereklamo niya.

“Eh, tinulungan ka na eh. “Nakikita ko na! Nakikita ko na ang puting ilaw!” Ano ‘yon?” Mas lalo kaming natawa ni Kirst sa paggagaya ng babaeng maputi sa kanya. Humiga pa siya para i-demonstrate ang nangyari.

Umirap si Ed at tinakpan ng palad niya ang kanyang mukha. “Ano ka ba naman, Kelly? Nasisilawan kasi ako kanina!” Pagrarason niya.

Ang totoo niyan, nagtamo ng minor injury si Ed. Salamat na din sa babaeng ito dahil kung hindi, malamang hindi ito ipapaalam sa amin ni Kirst, o kay Miss Bethany, na may nangyari sa kanya.

“Pero thank you na din, Kelly, ha?” Pagdadagdag ni Ed bago niya kinindatan ang babae. Ayun at lumabas na naman ang pagka-playboy niya.

Nang tumingin ako sa babae, nakakurat ang kanyang mga mata at nagtapon na naman ulit ng isang sarkastikong sagot kay Ed. “Ay, guy, alam ko na ‘yang style mo na ‘yan. Gusto ko bigyan pa kita ng pick-up line?”

“Aba, pwede din. Sige nga.” Nilagay ni Ed ang kanyang dalawang braso sa harapan niya ng paekis.

“Eto…eto… Ed, salamin ka ba?”

“Bakit?” Ang ngiti ni Ed, abot hanggang tenga niya.

“Gusto ko kasing basagin ‘yang pagmumukha mo. Charaught! Sige, gora na ako. Flyder, Kirst, ingatan niyo siya,a? Baka kasi kung saan na naman manunuhog ‘yan. At Ed, pakagaling ka, ha? Thank you sa kanina.” Sabi niya bago siya umalis at isinara ang pintuan ng room. Si Ed, ayun at ang kaninang ngiti sa kanyang labi ay napalitan ng pagkakadismaya.

“Bagay sila ng panahon ngayon… may mood swings!”

****************

Kanina habang nagda-drive pauwi, naisipan kong gawan ulit ng red velvet sina Mia at Natalie. Base sa pang-uunawa ko, nasarapan si Mia sa ginawa namin kanina. Si Natalie ko naman, gusto kong ipatikim sa kanya ang bago kong nalamang dessert.

****************

MIA

Takang-taka ako kung bakit umagang-umaga ay nagyaya si Flyder na mag-breakfast kami sa McDonalds. Akala ko kasi, marami siyang gagawin ngayong araw. Nag-reply na lang ako ng, “Hm. Walang shoot?”

Sa huli, nalaman kong hindi matutuloy ang gagawin nila sapagkat hindi maganda ang kalagayan ng kaibigan niyang si Ed.

Eight na nang umalis ako sa amin. Nagpaalam ako kay Aling Natalia at umalis na. Si Aling Natalia, palagi na lang akong inaasar kung boyfriend ko na ba si Flyder o ano. Ako naman, parang ang labo ata. Sikat siya, ako hindi. Ako api, siya pinag-aagawan. Mga gan’on.

Nang papalapit na ako sa McDo na malapit dito sa amin, nakita ko agad siya na nakatingin na din sa akin. Nginitian niya ako na siya namang ikinainit ng pisngi ko. Iba talaga siya.

“Okay na ba ‘yang katawan mo?” Tanong niya sa akin. Sumagot naman ako ng oo at uminom agad ng float. Paborito ko ‘to eh.

Sa kinalaunan, maganda naman ang pinatutunguhan ng mga topiko namin ni Flyder. Masaya siyang kausap tapos hindi mo aakalaing artista pala siya. Hindi siya mahangin at puro sa kanya lang dapat ang lahat. Parang ako pa nga ang palakwento sa usapan naming dalawa eh. Nakakatawa lang isipin dahil sobrang tahimik ko na klase ng tao.

Nang pauwi na ako, may nakabangga akong babae. Isang magandang-magandang babae. Ang puti-puti niya. Ang kanyang balat, walang galos o sugat man lang. Parang hindi siya naliligo gamit ang tubig. Parang gatas ang gamit niya na pampalinis ng kanyang katawan. Magsasabi pa sana ako ng sorry sa kanya nang inirapan niya na ako at umalis na.

Nagkibit-balikat na lamang ako at umalis na.

*****************

FLYDER

“So I just saw you with that bitch awhile ago. Again. What’s happening, Flyder? Hindi ko alam na may obsession ka pala sa mga weirdos.”

Hindi ko din alam na nandito pala siya kani-kanina pa sa harapan ng McDo. Hindi ko din alam na marunong siyang mag-cuss. Hindi ko din alam na alam niyang palagi kong kasama si Mia.

Hindi ito si Natalie na kilala ko.

“Hey, hey! Don’t say mean things to Mia! Mabait siya’t harmless. Sorry na, babe!” Lumabas na kami ng fastfood dahil marami na ang mga tumitingin sa amin. Si Natalie, parang gusto akong sampalin at any moment.

And then it happened.

“A stealthy slut is still a slut, Flyder. Matauhan ka sana.” Sinabi niya. Ang kanyang mga mata na dati ay sobrang angelic ay naging raging at vengeful.

“Kapag makikita ko pa ang pagmumukha ng babaeng ‘yan sa tabi mo, hindi na talaga kita mapapatawad. This serves as a warning, Flyder! Mahal kita, okay?! Pero ano ‘tong ginagawa mo sa akin?!” Nag-umpisa na siyang umiyak sa harapan ko. Sinubukan ko siyang yakapin pero inalis niya ang hawak ko sa likod niya at nilayo ang sarili niya sa akin.

“Next time na magkasama pa kayo ng… what’s her name again? Mia?” I nodded. “Yes, Mia! Ng Mia na ‘yan, wala nang tayo. Tapos na.” Sabi niya bago siya umalis na ng harapan ko. Hindi ko na siya pa hinabol dahil alam kong mas lalong magagalit siya sa akin.

Her words hit me. Siya ang girlfriend ko. Dapat sa kanya ako palaging sumasama. Ang pagmamahal ko sa kanya ay wala namang basag, pero medyo nahuhulog na nga ako kay Mia.

Damn, Flyder, ang gago mo lang!

 Masakit man gawin pero talagang kung ano ang nararapat, ‘yon ang bibigyan ko ng importansya.

 Sigh.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon