CHAPTER 19

1.9K 19 0
                                    

 FLYDER

“Gawin mo ang sa tingin mo ay tama! Ipakita mo sa kanya na mahal na mahal mo siya. Naii-inggit nga ako kasi iba talaga ang nararamdaman mo sa kanya, hindi katulad sa akin.”

Nakangiti lang siya habang nakaupo sa gilid ko. Kahit na bagong labas lang siya galing sa ospital na panandalian niyang naging tirahan dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya, hindi pa rin nawawala ang gandang taglay niya.

Matapos ang lahat-lahat, hindi ako makapaniwala na ang taong magsasabi nito ay ang akala kong maging hadlang ng relasyon namin ni Mia.
Si Natalie.

“Hindi ako galit sa’yo o kay Mia. Galit ako sa sarili ko kung bakit ang selfish ko. Naging clingy ako sa’yo, pero ako man din ay hindi naging tapat. Pasensya na.”

N’ong gabing nangyari ang aksidente, tinapat niya sa akin na dahil daw sa pagkataranta na baka malaman ni Miss Bethany ang kanyang lihim kaya siya naging lutang at nabangga sa isang punongkahoy. Ang sabi pa niya, kung inisip ko daw n’on na ako ang ugat ng lahat-lahat ng nangyari sa kanya, nagkakamali ako.

Sinabi din niyang maswerte ako kay Mia dahil alam niyang mabait na tao siya’t nasa pamilya niya na ang pagiging malambing. “Naging ex kaya ni Daddy ang Mommy niya.” Pagbibiro niya bago siya maglabas ng malakas na tawa.

Habang ina-alala ko ang mga nangyari sa amin sa bahay niya, nakangiti ako dito sa likod ng stage kung saan kami magpe-perform mamaya, ini-isip ang plano ko para mapatunayan sa kanya na mahal na mahal ko siya.

***********

ED

One message received
From Faith: Hi, Ed, gumana naman ba ang sinabi ko sa’yong pagseselosin natin si Kelly?

Umirap ako sa ere’t kinagat ang parteng ilalim ng bibig ko. Kahit na ang kaibigan ko na kaibigan niya rin ay naging tulay pa sa isang bagay na walang kwenta. Ang dense talaga ni Kelly kahit kailan! Hindi ba niya talaga alam na may gusto ako sa kanya?

To Faith: Hindi e. May boyfriend na naman pala siya.

Para mawala muna ang asar ko, nagdelete ako ng videos sa cell phone ko. By video, siguro alam naman ng lahat kung ano ang ibig sabihin n’on. Magda-download na lang ako mamaya ng mga bago, bulong ko sa sarili ko habang tina-tap ang screen ng hinahawakan kong gadget.

Nagmasid-masid ako sa paligid at nakita ko na naman si Kelly na papunta dito sa tinatambayan ko. Ang gunggong, kasa-kasama niya pa na nakikipagtawanan sa pagtawid sa kalsada.

“Uy, Ed!” Pinakita ko ang pinakamalaki kong smile sa kanilang dalawa kahit na gusto ko namang sapakin ang Conor na ito. “Uy!”

Bago pa man si Kelly umupo sa kinauupuan ko, hinatak na siya ni Conor at sinabing bibili na sila ng HottaRice at slurpee. Si Kelly, wala namang magawa kung hindi ay sumunod na lang. Inirapan ko ang baklang nasa kabilang table na kanina pa nakatingin sa akin sa dalawang dahilan: Nababanas ako sa boyfriend ni Kelly at nababanas ako sa bibig niyang kulay fuchsia.

Nang bumalik sila dito, umalis na ako. Ayokong ma-OP sa kasweetan nilang dalawa. “May project pa kasi ako sa PE,” pagdadahilan ko. Ininsulto pa ako ni Kelly na parang ako naman daw ang taong walang pakialam sa academics. Tumawa na lang ako dahil medyo napahiya ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi siya, e.

Pakasweet lang kayong dalawa. May araw din na magbe-break kayo. Hello, may pumipila kaya dito!

***********

FLYDER

Sa kalagitnaan ng klase, nag-ring ang cell phone ko kaya agad akong nag-excuse sa teacher namin at lumabas para sagutin ang tawag galing sa isang hindi kilalang number.

“Hello?”

“Si Mr. Flynn Alexander Perez po ba ito?” Boses ng lalaki ang nasa linya. Napansin ko rin na ang ingay ng nasa paligid ng kabilang linya. Parang maraming mga taong nag-uusap.

“Opo. Bakit po?”

“Uhm, I am PO2 John Delagrado, sir. May masama po akong balita sa inyo.”

Agad na pumasok sa utak ko si Papa. Hindi ko man masabi-sabi, pero may masama akong nararamdaman ngayon.

“A…ano po ‘yon?”

Lumaki ang dalawa kong mga mata sa narinig ko.

“Hindi totoo ‘yan!” Agad kong sabi kay PO2 nang mapansin kong malapit nang pumatak ang luha sa mga mata ko.

************

Apat na araw na simula nang magpakamatay si Papa. Hindi alam ng mga kapwa niyang mga bilanggo ang dahilan kung bakit niya naisipang gawin yaon. Kahit ako man ay walang ideya kung bakit.

Andito na rin sina Mama at ang kapatid kong si Johnford galing ng probinsya. Si Mama, parang wala lang pakialam sa nangyari kay Papa. Ni isang luha, wala akong nakitang lumabas sa mga mata niya. Gaano ba ka-bato ang puso niya?!

Magpapasko pero hindi ko ramdam ang saya na dulot nito. Singlamig ng hangin ang nararamdaman ko ngayon. Apat na araw na akong lutang. Kahit na ang career ko’t academics, hindi ko na iniimba.

Habang nag-aabot ng pang-merienda sa mga bisita si JF at si Mama naman ay nagma-mahjong, andito ako't nakatayo lang sa harap ng nakahigang si Papa. Kahit na nasa 40 na siya, hindi pa rin siya tumatanda talaga.

Bakit mo kami iniwan, Pa? Gusto kong sabihin sa taong nasa harap ko, sa kabaong kung saan siya nakahiga. Marami pa sana akong mga tanong, pero alam kong ang mga ito ay hanggang doon na lang dahil sa hindi ko rin mahahanap ang sagot kahit kailan.

Nang makaupo na ako sa gilid ni Mia na mga dalawa o tatlong oras na siguro dito, agad niya akong kinapkap sa likod. Kahit hindi niya kilala si Papa, alam niyang mabuting tao ito noong siya’y nabubuhay pa. Yun ang sinabi niya sa akin.

Hinatak ko siya’t pumunta ulit sa kabaong ni Papa. Siya, parang nagulat pero sumama na rin.

“Sayang, Pa, at hindi mo nakilala ang taong nasa gilid ko ngayon. Pa, siya po si Mia,ang girlfriend ko. Mahal na mahal na mahal ko po siya. Pa, pasensya na at hindi nga kita nabibisitahan ng mga ilang buwan sa selda kung saan ka. Pasensya na rin kung hindi kita madala dati sa paborito nating tambayan noong bata pa kami ni JF. At pasensya na rin kung hindi ko natatanong ang kalagayan mo dito sa kulungan gaya ng pagiging maalahanin mo sa akin kahit na minsan lang tayo nagkikita. Naalala ko pa dati na ikaw ang nagturo sa akin na kumanta’t mag-gitara. Salamat, Pa!”

Niyakap ko si Mia kasabay ng pag-hikbi ko. Hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman kong poot sa dibdib ko. “Iiyak mo lang ‘yan,” bulong niya sa akin.

“Gagabayan ka pa rin niya kahit na hindi mo na siya nakikita. Ayaw ka niyang maging malungkot nang matagal, Flyder! Kahit ako, ayaw kitang maging malungkot.”

Tinignan ko siya. Namumula na rin pala ang magkabila niyang mga mata dahil din sa pag-iyak. Pero kahit na malungkot siya, nagawa pa niyang ngumiti. Hinimas pa niya ang likod ng ulo ko. Ako, napabuntong-hininga. Kahit na masakit nga, kailangan ko talagang lumaban at tanggapin na wala na nga si Papa.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon