CHAPTER 30

1.4K 11 4
                                    

FLYDER

Pagbukas ko ng aking Facebook, pawang mga message galing sa tagahanga ng Walrus ang sumasalubong sa akin. Sinasabi nilang kamalasan daw ang hatid ni Mia sa banda, maduming babae raw si Mia, at ang malala pa’y malanding babae raw si Mia kaya nagkasakit.

Paano nangyari ito? ,tanong ko sa aking sarili. Paano ito nagkalat?

Tinawagan ko kaagad si Mia, pero kahit ano pa ang gawin ko ay hindi ko na ma-contact ang number niya. Nag-message rin ako sa kanya sa Facebook dahil nakita kong online siya, pero tinignan niya lang ito’t hindi siya nagre-reply. Alam kong alam niya na ang lahat-lahat ng ito . . . at hindi po mapapatawad ang sarili ko ngayon dahil doon.

Nagmadali akong pumunta sa bahay niya para samahan siya sa mga oras na alam kong malungkot siya. Sa mga oras na alam kong galit siya. ‘Yun pa ang isa kong ikinababahala kasi. Kapag galit si Mia, hindi ko tansya ang emosyon niya’t tinatakpan niya lang kasi ang kanyang saloobin ng kanyang maamong ngiti. Kahit na mahal ko si Mia, iyon ang isa sa mga bagay na kina-iinisan ko sa kanya.

Nang nag-doorbell ako sa bahay nila, walang sumagot. Ilang minuto rin ang inilagi ko sa labas ng bahay nila nang sa wakas ay binuksan ni Aling Natalia ang kanilang gate. “Pwede bang makita si Mia, Aling Natalia?”

Huminga siya nang malalim bago sumagot sa akin. “Hindi raw pwede sabi niya.”

Nagpumilit ako kay Aling Natalia pero wala talaga akong nagawa kung hindi ay bumigay na lamang.

“Hintayin mo na lang ang oras kung saan na handa na siyang makipag-usap sa’yo,” payo niya sa akin habang hinahawakan ang likod ko’t kinakapkap ito.

Sa kahulihan, umuwi akong hindi kami nagkausap, nananalangin na sana bukas o sa makalawa’y maayos na ang lahat . . . kahit na imposible ang gusto kong mangyari.

****************

Mag-iisang linggo nang wala akong naririnig na balita galing kay Mia o sa mga tao sa bahay niya. Kahit si Kuya Bok ay walang alam. Ang tanging napapansin lang nito ay ang pagkabalisa ni Mia habang nag-uusap sila ni Aling Natalia sa carport ng bahay nila.

Kahit na gustong-gusto ko talagang malaman ang kalagayan ni Mia ngayon, wala akong lakas nang loob na lumapit o magpakita sa kanya. At ang isa pa ay tama ang sinabi ni Aling Natalia sa akin noon. Maghihintay ako.

Sa kabila nang lahat, akay-akay ko pa rin ang aking mga ka-banda at si Miss Beth na hinaharap ang issue na namamagitan sa amin ni Mia. Pinapatatag nila ako araw-araw, pero hindi ako ang may kailangan no’n kung hindi ay si Mia.

Isang unregistered na number ang lumabas sa screen ng cell phone ko para tumawag, at sa kahilingang ang taong gusto kong kausapin ang nasa kabilang linya, sinagot ko ito.

“Hello?”

“Hello, Flyder?”

Si Kelly.

“Ano, Kelly?”

“Si Mia!”

Bumilis ang pintig ng puso ko.

“Ano ang meron kay Mia?!” Napataas bigla ang boses ko dahil sa pagkabahala. Kapag may nangyaring masama kay Mia, hinding-hindi ko talaga mabibigyang tawad ang sarili ko.

“Uhm, paalis na siya ngayon. Nasa NAIA na siya ngayon at pupunta na siya ng Taiwan kasama si Ate Mandy niya.”

Nanigas ako sandali. Hindi na ako nakasagot pa kay Kelly dahil sa sinabi niya sa akin. Without a word, kinuha ko ang susi ng sasakyan ko sa kwarto ko’t tumakbo papalabas ng bahay.

****************

Kailangan ko siyang makita at makausap. Kailangang magbago ang isip niyang umalis. Kahit na masasabi pang makasarili ako, wala na akong pakialam pa!

Ilang sandali na lang ay and’yan na ako, Mia, bulong ko sa kawalan habang ako’y nagmamaneho ng aking sasakyan.

****************

Nagdali-dali akong pumasok sa airport pagkababa at pagkababa ko ng sasakyan ko, pero kahit anong paghahanap ko ay hindi ko makita-kita si Mia o sinumang may kaugnayan sa kanya.

Hindi ako susuko kahit kailan.

Sa aking pagmamasid sa paligid ay nakita ko si Aling Natalia sa hindi kalayuan.

“Aling Natalia,” malakas kong tawag sa pangalan niya. Lumingon naman siya sa akin at nang ako’y makalapit sa kanya ay niyakap niya ako.

“Nakaalis na sila ni Mandy.”

Yumuko ako at kinagat ang ibabang parte ng bibig ko. Hindi ko mapigilan na umiyak sa nalaman ko. Huli na nga ako.

“Si Kuya Kirst, asan?”

“Umalis na rin siya. Sinabi kasi ni Mandy na huwag raw ipaalam sa’yo ang lahat-lahat.”

‘Tangina. Ako lang pala mag-isa laban sa buong mundo dito? Akala ko ba nama’y karamay ko si Kuya Kirst?!

Ngumiti ako. Ngumiti ako kasabay ng pagpatak ng luha galing sa aking mata. Isang ngiting nagsasabi na, “Talo na ako, masaya na kayong lahat?!” Isang ngiti ng pagkasawi. Walang kwentang buhay ito.

Napaupo lang ako sa isang bench. Si Aling Natalia, naisipang sumunod.

Tinignan ko siya habang ang ulo ko’y paibaba ang anggulo, at sa aking nakikita, may kinukuha siyang bagay mula sa kanyang bulsa.

“Pinapabigay ni Mia sa’yo, Flyder,” ika niya habang inaabot niya sa akin ang bagay na mukhang liham.

Binuksan ko agad iyon at nakita ko ang sulat-kamay ni Mia.

***********************

Flyder,

Unang-una sa lahat, pasensya. Pasensya sa idinulot kong gulo sa iyo ngayon. Alam ko na kahit ano ang mangyari, magiging ganito pa rin ang hantungan nating dalawa.

Hindi nila alam ang lahat-lahat, pero may masasabi at may masasabi ang mga tao sa akin . . . sa ating dalawa, dahil dito sa kalagayan ko. Kahit na masakit ay iyon ang katotohanan, at hindi lang kasi ako ang nasasaktan kung hindi ay kayong mga mahal ko ay nadadamay na rin dahil dito.

Mahal na mahal kita, lagi mo iyang tatandaan. Walang araw na hindi kita inisip, Flyder. Lahat ng mga iyon ay babaunin ko hanggang sa huling araw kong natitira sa mundong ibabaw. Alam mo ba? Sa’yo ko lang naramdaman ito. Sigurado akong hindi ako ang unang babaeng minahal mo, at sa pagsulat ko sigurado ay bumabalik pa rin ang ala-alang ako’y minsan nang naging option lang sa buhay mo.

Kilala ko si Natalie. Alam ko ang relasyon ninyo dati. Hindi ako tanga, pero napag-isipan kong maging isa dahil mahal kita. Siguro ay bulag nga ako, pero hindi ko pinagsisisihan iyon. Mapusok man ako siguro, pero ikaw ang isa sa mga bagay sa buhay ko na handa kong ipaglaban . . . hindi nga lang ngayon. (Uy, tumawa ka naman!)

Nang pumunta tayo sa Aklan ay doon nagsimula ang gulong ito. Hindi ko alam kung sinu-sino sila, pero sila ang dahilan marahil nang pagkakalat ng balitang ito. Huwag mo silang pagalitan o hanapin man lang; ako nga na pinahiya nila ay hindi rin lang nagalit sa kanila. Tao rin sila kaya huwag mo silang saktan, okay?

Hindi ko alam, Flyder, kung kailan ako dito sa Taiwan. Habangbuhay? Sampung taon kung hindi ako mamamatay dahil sa sakit ko? Ha! Ayun at ang sama ko na sa sarili ko sa aking pinagsususulat

Alam mo na siguro kung saan hahantong itong sulat ko. Flyder, pwede bang kalimutan mo na ako? Pwede? Kahit na masakit, kakayanin mo dapat, okay? Kasi ako pinipilit ko na. Para naman ito sa kabutihan, e. Sana maintindihan mo ang point ko, Flyder.

Nasabi ko na siguro ang lahat-lahat. Flyder, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA!

Paalam.

Mia

Huminga ako nang malalim kasabay nang paghikbi ko.

“Paalam, Mia.”

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon