CHAPTER 6

2.6K 33 0
                                    

MIA

Thump! Thump!

Wala akong dalang payong ngayon kaya siguradong mababasa ako nito. Hindi ko alam na may bagyo palang dadating ngayong linggo. Naku! Kapag malaman ito ni Ate, malamang papagalitan niya na naman ako.

6:30 na ng gabi at ako lang yata ang tao dito sa hallway...hanggang sa may marinig akong mga bakas galing sa likuran ko. Pagkatingin ko, wala namang tao. Nahihiwagaan na talaga ako.

Nang humarap ulit ako at naglakad, may narinig akong naghahagikhikang mga tao. ‘Yon, alam kong hindi lang nga ako ang tao dito.

Hindi pa man ako tumalikod para tignan ang ibang mga estudyante sa likuran ko, pero may nagtapon na ng isang matigas na bagay sa batok ko.

“Aw!”

Tinignan ko ang bagay na dumampi sa katawan ko. Isang bato.

“Ha ha ha! Dapat lang sa’yo iyan. Sana matauhan ka naman.” Sabi ng isang babae na may dalang walis tambo. Hindi ko alam kung bakit nila ako ginaganito kaya napayuko na lamang ako sa sinabi niya.

Biglang nagsalita ang isa pang babae. Medyo mataba siya sa unang nagsalita at may hawak din siyang isang bagay na hindi ko alam kung ano. Parang kahoy kung titignan.

“Alam mo? Ang harot-harot mo! Nag-aassume ka na magiging kayo ni Flyder?! Ang kapal mo!” At ‘yun na nga. Pagkatapos niyang sabihin ang masasakit na salitang nabanggit niya, pinalo niya ako ng malakas sa likod ko.

Napaluhod ako sa sobrang sakit. Ang mga mata ko, namamasa.

Ganito pala dito? Akala ko magbabago na ang lahat… nagkakamali pala ako.

Tinignan ko silang tatlo at nagmakaawang huwag na akong saktan pa. Humingi na din ako ng patawad sa kanila kahit na hindi ko din naman alam ang dahilan kung ano ang kasalanan ko.

“Huwag ka sa amin humingi ng patawad, babaeng higad! Doon ka sa prinsesa namin magmakaawa.” Sabi ng medyo matabang babae. Ang mga mukha nilang tatlo, masyadong nakakatakot. Ang lalim ng pagkakatitig nila sa akin.

Hindi pa sapat ang pagmamakaawa ko’t hinampas na naman ng isang babae ang kanyang dalang walis sa likuran ko’t sinipa pa ako ng isa. Wala bang may tutulong sa akin dito? Asan na ang mga guard?! Nagsisimula nang humapdi ang tagliran ko.

Pagkatapos ng ginawa nila, hinablot nila ang buhok ko’t kinaladkad nila ako habang nakaupo. Hindi ako umimik sa kanilang ginagawa. Ang tanging nais ko lang ay kumawala. Pero ang hina kong tao. Ang hina kong klaseng babae. Pag-iiyak lang ba talaga ang alam kong gawin?

Hindi pa man tumagal ang pagkakaladkad nila sa akin, pero may narinig akong tumatakbo galing sa likuran ko.

“Takte! Ano’ng ginagawa niyo kay Mia, ha?!” Galit na sabi ng pamilyar na boses. Kilala ko kung sino siya, pero ayaw ko siyang harapin dahil galit na galit ako sa kanya. Siya lang naman kasi ang dahilan kung bakit nila ako ginaganito ngayon.

Hindi man nakapagsalita, tumakbo ang mga babaeng umaway sa akin palabas ng hallway.

Hinawakan ako ni Flyder sa balikat. Ako, nakayuko pa rin at humahagulgol sa inis at sakit. Bigla niya akong inalalayang makatayo, pero hindi pa man ako lubusang nakapostura, ikinarga niya na ako.

“Mia, ire-report natin sila sa Lunes, huwag kang mag-alala.” Sabi niya. Ang kaninang nakayukong ako ay nakatingin na ngayon sa kanyang mukha. Halatang grabe ang galit niya, kitang-kita sa mga mata niya.

“Ayokong malaman ito nina Ate. May alam ka bang malapit na hotel?” Tanong ko sa kanya. May binulong siya sa kanyang sarili at nagsalita ulit.

“Sa bahay ko na lang ikaw matulog. Huwag kang mabahala, ako lang ang tao do’n.” Sagot niya.

Taliwas sa kanyang gustong maganap, mas nabahala ako sa kanyang sinagot. Dalawa lang kami ang nandoon. Lalaki siya, babae ako...baka…

“Hm. Alam kong iba ang iniisip mo ngayon, Mia, pero nakakasigurado akong hindi kita gagalawin.” Pagsasasabi niya. Ang kaninang mukhang binagsakan ng langit ay ngayo’y mahinahon na.

“Eh di sige, doon na lang ako sa inyo.” Sagot ko naman. Binigyan ko siya ng ngiting pagpupumilit pagkatapos.

*************

FLYDER

Hindi ko alam kung ano ang problema ng autorohiya kay Mia. Pangalawang beses ko na siyang nakikitang inaapi, at sabi niya sa blog niya, biktima din daw siya ng bullying sa dati niyang pinapasukan.

Mabait naman si Mia. Mahinhin nga lang at hindi palasalita, pero mabait siya. Ganu’n nga siguro kapag masyado kang mabait, aabusuhin at aabusuhin ka ng mga tao.

Nakarating na nga kaming dalawa sa bahay ko. Hindi malaki ang bahay ko kumpara ng nasa kanya, pero hindi niya ako kinwestyon tungkol dito. Si Natalie, one time, parang hindi ko alam ang timpla ng mukha niya ng nakita niya itong bahay ko, e. Tinanong niya pa ako kung bakit walang pool ang bahay ko.

Pagkalapag ko sa kanya sa sofa, kumuha agad ako sa medicine kit ng alcohol at cotton balls. Nang makita niya kung ano ang hawak ko sa aking kaliwang kamay, nagulat siya. “Huwag, Flyder, maawa ka.” Sabi pa niya.

“Walang huwag, huwag, Mia! Alam kong may sugat ka, kaya huwag kang gumanyan.” Sabi ko na lang. Napangiti na lamang ako nung nakita ko siyang kinagat ang kanyang daliri ng pinahid ko ang cotton balls sa sugat niya sa kanyang batok.

Natapos na din ang session namin at ni isang, “Aray!”, wala akong narinig galing sa kanya. Ang mukha niya lang talaga ang nagsasabi kung nasasaktan na siya.

Binuhat ko siya ulit at dinala sa guest room, dito natutulog sina Ed at Kirst minsan. Amoy Axe nga ang kwarto na ‘to palagi eh.

Nang makita ni Mia ang kwarto, natuwa siya. “Sino may gawa niyan?” Tanong niya.

“Ako, bilib ka na?” Kinindatan ko siya’t ngumiti na lang.

“Hangin, a! Pero props kasi ang galing mo palang gumawa ng doodle art.”

Rakista man ako sa tingin ng iba, pero may soft side pa din naman ako. Hindi naman ako siga, kung iisipin. Hindi lang pagguguhit ang alam kong ikakamangha niya. Sana dito pa din siya hanggang bukas para ipakita ko sa kanya ang isa ko pang special talent.

Umalis muna ako at pumunta sa kusina para magluto ng hapunan namin. Hm, hindi pala ako nagluto kasi Japanese cup noodles ang hapunan namin. Kasama na ba ang pag-iinit ng tubig at pagpo-pour sa cup ang pagluluto?

Laking tuwa ni Mia no’ng nakita niya ang cup noodles na nasa kamay ko. “Paborito ko ‘to.” Sabi pa niya. At totoo nga naman ang sinabi niya kasi hindi pa man ako nangalahati sa kinakain ko, sa kanya ubos na.

“BURP!”

Nahiya siya sa kanyang ginawa. Wala namang nakakahiya do’n ah. Ang cute nga niyang tignan sa pinagkikilos niya eh. Mas lalo tuloy akong nahuhumaling sa kanya.

Natapos na ang gabi at aalis na ako ng kwarto kung saan siya nakabase, pero nung patayo na ako, bigla siyang bumangon at hinalikan ako sa pisngi. “Thank you, Flyder.” Sabi niya habang nakangiti.

Kung sa kanya, wala lang malisya ‘yon, sa akin meron… o meron nga ba? Kasi biglang uminit ang mukha ko’t bumilis ang tibok ng puso ko after n’un. Ibang klase! May mahal na ako pero ano ang nararamdaman ko sa kanya? Mia, ano’ng ginagawa mo sa akin?!

“You’re welcome.” ‘Yon lang ang kaya kong isagot sa kanya bago na ako umalis ng kwarto niya.

Flyder, focus!

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon