CHAPTER 25

1.5K 22 1
                                    

MIA

Wala mang sinasabi si Flyder sa akin, pero alam kong merong kaunting bagay na nagbago sa kanya na hindi ko mahagi-hagilap. Minsan sobra siyang maalaga na para na siyang napa-paranoid. Kahit si Kuya Bok ay walang magawa sa pagpupumilit niyang sa kanya na lang daw ako sasakay tuwing umaga at gabi pagkauwi. Pero kahit nahihiwagaan ako sa kanya, namumuo pa rin ang kasiyahan ko sa kaunting mga pagkumpas niya.

 Simula rin kahapon, naisipan niyang sugar na lang daw ang itatawag niya sa akin habang stud ang itatawag ko sa kanya. Nang tinanong ko siya tungkol dito habang pinipigilan ang sarili kong magpakita ng kaunting reaksyon ukol dito dahil gustong-gusto ko talagang matawa dahil sa suhestyon niya, ang sinagot niya sa akin ay isang simpleng, “Kasi napakatamis mong mahalin. Sa akin naman, hindi ba halata?” Ngumisi siya’t itinaas ang manggas ng damit niya’t flinex ang muscle niya sa harapan ko. “Hindi pa rin ba?” Kung ibang babae lang talaga itong kaharap niya, siguradong mapagkakamalan na siyang scumbag. Mabuti ay kilalang-kilala ko siya kaya wala akong iniisip na gan’on sa kabila ng ikinikikilos niya.

Sa kahulihan ay nagustuhan ko ang ideyang iyon na lang ang tawagan namin kaya sumang-ayon ako sa kanya. Sugar talaga?

Pauwi na sana kaming dalawa nang naisipan ni Flyder na pumunta muna kami sa isang park kung saan ay marami akong nakikitang mga bata na naglalaro ng patintero. Marami ring nagde-date habang kumakain ng street food na kulay orange. Umalis si Flyder kasi nga raw ay may bibilhin siya, at nang bumalik siya, may dala-dala na siyang dalawang balloons na kulay pula at cyan.

“Here, sugar!” Binigay niya sa akin ang kulay pula’t nanatili sa kamay niya ang cyan.

“Para sa ano ito?”

Kumibit-balikat siya’t nagsabi ng, “Wala lang, I guess?” Tumawa siya ng mahina malapit sa ulo ko; ang bawat paghinga niya nagdadala ng init papunta sa balikat ko. “Nahawaan na nga siguro kita ng ka-weirdohan ko.”

“Hindi ka weirdo, uy! Unique ka lang talaga. Kaya nga ako nagkagusto sa’yo kasi unique ka, e.”

Nag-init bigla ang pisngi ko. Hindi na ako sumagot pa. Ano pa ba ang isasagot ko sa kanya eh nahihiya na ako?

**********

“Bakit mo binitiwan ang balloon mo?” Takang-taka si Flyder sa ginawa ko, ako nama’y tinitignan lang ang lobong lumilipad papalayo sa amin.

“Napansin ko lang, kung ang kasiyahan mo sa buhay ay mawala sa iyong mga mata’t hindi mo na mahawakan, ano ang gagawin mo?”

Parang may binubulong siya sa kanyang sarili bago siya sumagot sa akin. “Syempre mangungulila at malulungkot ako. Mia, huwag ka ngang ganyan!”
 

Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya sa akin. “Anong huwag ganyan? Nagtatanong lang naman ako sa’yo, a.”

“Mia, please lang, maawa ka sa sarili mo. Kung may problema ka, pwede mo akong pagsabihan. Boyfriend mo ako, hindi ba?”

“Hindi kita maintindihan,” sabi ko sa kanya. Nanginginig ang boses ko. Napa-praning ako sa mga sinasabi niya sa akin.

“Mia,” tinapik niya ang kanyang kamay sa likod ko. “Alam ko na ang lahat.”

“A-anong lahat?”

“Mia, please naman, huwag mo nang itago pa ang mga nararamdaman mo? Naawa ako sa’yo, at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo kasi hindi mo sinasabi at lalo akong napapraning dahil do’n.” Nakita kong pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Umiiyak siya.

“Flyder…”

“Wala ito. Okay lang ako. Ano na, Mia?”

“Sino ang nagsabi sa’yo ng kalagayan ko?”

Umirap siya’t nagmura. “Mia naman! Hindi na importante ‘yon. Ano na?!” Kitang-kita sa mga mata niya ang galit. Parang kahit anong oras ay may gagawin siyang bagay na hindi ko gugustuhing mangyari.

“May sakit nga ako kung yun ang gusto mong malaman.”

“Totoo nga.”

“HIV. May HIV ako. Simula pa nang bata ako, may HIV na ako. Nahawa ako ni Mama, at si Papa ay nahawa rin niya. Malubha na ang kalagayan ni Papa sa Taiwan, at kahit anong oras ay baka tumawag sila dito sa amin ni Ate Mandy para pumunta doon.” Pinigilan kong huwag umiyak pero hindi ko na kinaya pa.

“Si Ate Mandy lang ang walang sakit sa aming mag-pamilya. Ang swerte niya, ano? Malaya siya sa lahat ng bagay na gusto niya habang ako’y ganito, parang isang ibon na walang pakpak. Lumaki akong walang mga kalaro kasi natatakot akong mahawaan ko sila ng sakit ko. Bata pa ako n’on at walang alam sa mga bagay-bagay kaya gan’on ako mag-isip dati. At ngayon na dumating ka, napasaya mo ako. Masayang masaya ako na nakilala kita, Flyder. Hindi mo alam kung gaano mo talaga ako napasaya nang ipinagtapat mo sa akin na mahal mo ako. Akala ko, dahil sa sakit ko ay walang lalaki na iibig sa akin, pero nawala ang lahat ng pag-aalinlangan ko nang nakilala kita, Flyder.”

Nakikita kong pumipikit lang siya habang sinasabi ko sa kanya ang lahat-lahat. Alam kong masakit malaman ito para sa kanya, pero kailangan ko na talagang sabihin ang lahat.

“Okay lang naman kung iwan mo na ako ngayon, eh. Alam kong hahantong sa ganito ang lahat-lahat. Sa kaunting mga panahon na naging tayo, naging makulay ang mga araw ko. Gusto kong masaya ka rin, kaya kung ano man ang desisyon mo, maging iwan mo man ako o ano pa man, tatanggapin ko.” Ngumiti ako sa kanya habang binibigkas ko ang bawat salita na nasa isip ko.

Tumalikod ako at pinunasan ang luha ko sa aking mga mata. “Salamat sa lahat,” sabi ko sa kanya bago ako lumayo.”

Hindi pa man ako nakalampas sa pangatlong poste, naririnig ko ang yapak niya. “Sandali,” sabi niya sa akin. Humarap ako sa kanya at nagbigay ng mahinang pag-ngiti habang hinahabol ang paghinga ko dahil sa pag-iyak.

“Mia, kahit ano pa man ang meron sa’yo, mahal na mahal kita. Walang hadlang ang pagmamahal ko sa’yo, tatandaan mo ‘yan. Tinatanong mo ako kung ano ang kasiyahan ko? Ikaw. Ikaw ang kasiyahan ko, Mia. ‘Tanginang HIV na ‘yan at wala akong pakialam!” Niyakap niya ako ng kay higpit-higpit. Doon ko napansing iba na ang ngiti na binibigay ko. Isang totoong ngiti galing sa akin.

Mahal niya nga talaga ako. Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang maging malaya.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon