CHAPTER 3

3.6K 36 2
                                    

KELLY

Hopeless romantic ako...pero bitter. 'Yan ang sabi nila sa akin. Kesa daw kinikilig ako sa lalaki, pero nagagalit ako sa mga lalaking committed sa kanilang partners.

Kasalanan ko naman kasi ito eh. O kasalanan ng hitsura ko. Medyo intimidating daw kasi akong tignan kaya walang lalaking lumalapit sa akin.

Speaking of my hate for these stupid couples, kanina ko pa 'tong napapansin ang dalawang mag-BF-GF na nagka-canoodling sa harapan ko. Though hindi sila nakaharap sa akin, naiinis pa din ako. Kailan ba titigil 'tong dalawang ito?!

Tumayo ako sa kinauupuan ko't pumunta sa kanilang dalawa. Wala ako sa pag-iisip ko ngayon, kaya kahit anong bagay ay kaya kong gawin.

"Ed?! What was that?!" Sinampal ng babae ang kanyang boyfriend at umiiyak habang tumatakbo papaalis ng mini-mart dito malapit sa school. Ang lalaki naman ay hindi na nakapag-explain pa't napanganga na lang sa nangyayari. Ako? Hindi ko alam. Napanganga din?

Nang mahimasmasan ako, bigla kong naalala ang nangyari.

Hinalikan ko ba talaga 'tong lalaking 'to? Fuck! Ano'ng gulo ba 'tong pinasukan ko?!

Aalis na sana ako nang hindi tinitignan ang lalaki bunga ng pagkahiya pero hinawakan niya ako sa braso.

Ngayon ko lang natignan ang mukha niya at HOLY SHIT! Si Ed ng Walrus ito ah?

"What. The. Fuck. Did. You. Just. Do?" Nagtitimpi niyang sabi sa akin, ang kanyang kilay ay parang didikit na sa sobrang galit. Ang pogi niya... ay! Ano ba itong iniisip ko? Think, Ivy, think!

"Uhm, you should thank me pa nga, e. Last time, if I can recall, ibang lalaki ang kasa-kasama ng girlfriend mo dito sa 7-Eleven. To plot for her so-called "aral," I tried to show her what cheating really means. See? Tinulungan pa nga kita diyan eh."

Nanlaki ang mga mata niya sa sobrang mangha. Ang kaninang sobrang galit ay napalitan ng sobrang sincere na sorry. Sinabi niya na din na sobrang thankful siya dahil nandito ako't ginawa ko 'yon. Mean na kung mean, pero na-enjoy ko naman ang papuri niya dahil sa kasinungalingan ko.

Pauwi na sana ako... I mean kami... ni Ed nang makasalubong niya ang friends niya wearing the same uniform as he's, uhm, wearing.

"Tol, hindi ka pa din talaga nagbabago. Papalit-palit ka talaga ng chicks." Bungad ng isa.

"Oh, she's actually not my girlfriend," sabi niya, sabay hugot sa tagiliran ko. Emeged! "Tinulungan niya lang ako na i-realize ang pagiging tanga ko kay Wendy."

"Oh? Really?" Sabi ng isa pang lalaki bago silang tatlo magpalakpakan. "Gumulo bigla ang mundo, ah! Anyare?"

"Uh, ewan ko! Sige, mauna na kami." Sagot ni Ed bago niya ako hinatak.

Teka! Teka! Bakit andito kami sa tapat ng pulang hotel na may logo ng babaeng Hapones na nananakip ng pamaypay? Oh my gosh, anong gagawin niya sa akin?

"Eek! Bakit andito tayo ngayon?!" Sabi ko, ang noo ko ay punong-puno na ng pawis dahil sa sobrang kaba.

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, mga two inches closer na kami ngayon. Hindi lang pawis na tumatagaktak kung hindi ay pati na din ang matinding tibok ng puso ko't ang pamumula ng mukha ko ang nahahalataan.

"Dito tayo magbabantay ng taxi na sasakyan mo. Don't worry, ako nang bahala sa pamasahe to reward you."

Phew! Akala ko naman kung ano'ng gagawin naming dalawa sa loob nito. Sayang lang! Joke.

Hindi kalauna'y may huminto na din na taxi sa tapat naming dalawa.

"Alis na ako, ah! Thank you sa pamasahe." Sabi ko kay Ed bago ako pumasok sa back seat.

"Sige, ingat!" Sagot niya naman sa akin.

Bago pa man lumiko ang taxi na sinasakyan ko, tinignan ko ulit siya sa likuran at nakita ko siyang may kasamang blanditang babae na kaakbay papasok ng hotel.

Fuck! Kaya naman pala. Akala ko Augustus Waters, Christian Grey pala.

*************

MIA

Kanina pa ako nag-aabang kay Kelly dito sa tapat ng bahay nila para ibigay sa kanya ang imbitasyon ng birthday ko.

Paalis na sana ako nang nakita ko siya sa 'di kalayuan.

Parang may iniisip.

Tulala.

Nakatingin sa kawalan.

Parang may pinagdadaanan.

Sasabihan ko pa sana siya na malapit na siya sa malaking poste ng Meralco subalit huli na pala ako. Ang kawawang si Kelly ay nauntog na ang kanyang ulo sa matigas na bagay na nakatayo sa harapan niya.

"Aray!" Sabi niya, nakapikit at hinahawakan ang kanyang noo.

"Kelly...." bulong ko habang papalapit sa kanya.

Iniwasan kong matawa nang nakita ko ang dalawa niyang mga mata na nakatingin sa akin. Naduduling siya dahil sa pagkauntog, 'yon.

**********

"Friend! Bakit mo ako binisita dito?" Tanong niya sa akin. Andito na kami ngayon sa sala ng bahay niya't nilalagyan niya ng ice ang kanyang noo. Ang yaya niya'y kanina pa din hindi maipinta ang pagmumukha. Nininerbyos siguro sa nangyari sa alaga niya.

Tinanong ko na din siya kanina kung bakit tulala siya sa paglalakad. Ang sabi lang niya'y binibilang niya ang pera niya dahil nag-taxi daw siya. Galit na galit siya nang sinabi niya 'yon. Nang tinanong ko ulit siya kung bakit nag-commute siya eh may sasakyan naman sila, ang sagot niya sa akin ay tinatamad siyang magpagasolina.

Kinuha ko ang imbitasyon na nasa bag ko't ibinigay sa kanya.

"Oh my gosh! Sixteen ka na pala next week, ano? Excited na ako, friend!" Biglang sabi niya. Hinahawak-hawakan niya pa ang tekstura ng papel dahil meron itong naiibang disenyo. Felt paper ang ginamit nila kaya medyo bago sa paningin ng iba.

"Punta ka, ah? Kaunti lang kayo na inimbitahan ko kaya dapat pumunta ka talaga." Pagpipilit ko sa kanya. Sa totoo lang, sila lang na mga kaklase ko nung elementary ang inimbitahan ko sa birthday ko. Palagi naman eh. Sina Kelsey, Faith, Sheila, Lislie, Fred, Roger, at Kelly lang kasi ang hindi ako pinintasan o pinagtatabuyan sa buong school life ko.

May plano din pala akong imbitahin si Flynn sa birthday ko.

At dahil napag-isipan ko na din si Flynn, kani-kanina ko lang nalaman na sikat pala siya dito sa bansa dahil miyembro siya ng isang banda. Akdang-akda sa sinabi ni Kelly sa akin.

Hindi din nagbago ang paningin ko kay Flynn. Kahit na artista siya o singer, tao pa din naman siya kaya hindi ko siya bibigyan ng special treatment. Ganun naman dapat 'yun kasi, hindi ba?

"Uhm, Kelly, may pinapahanap ka sa akin na guy sa school, di'ba? Kilala ko pala siya."

Ang mukha niyang aakalain kong maging interesado, naging mukhang na-offend.

"I don't need to know his identity anymore. Kalimutan mo na din ang pirma; halatang douchebag siya eh." Hala! Bakit naging iba ang timpla niya ngayon?

Hindi na ako umimik pa at ngumiti na lang sa kanya. Siya nama'y nakatingin na naman sa kawalan at tensyonado ang kanyang bibig. Galit ata siya? Ewan ko na lang. May mood swings siya kaya normal lang naman ito siguro.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon