CHAPTER 4

2.6K 30 0
                                    

FLYDER

Andito kami ngayon sa mall na hindi masyadong pinapansin para bumili ng regalo kay Mia. Birthday niya na sa Sunday, at isa ako sa imbitado doon. Bilang alam niya na din na may banda ako, pinahintulutan niya akong isama sina Ed at Kirst sa kaarawan niya. Doon ay patutugtugin namin ang isa naming kanta para sa una naming album.

“Ito oh!” Sabi ni Ed sa akin sabay abot ng granny panties na nakita niya. Nagtinginan na lamang kami ni Kirst, and through our body language, alam kong gusto din niyang iparating na ang corny ni Ed.

Pala, kakabreak lang ni Ed at Wendy. Two months lang na naging sila, at nauwi din sa wala pagkatapos. Hay naku, kahit kalian ay babaero talaga ‘to si Ed. Pero sabi niya naman sa amin na kasalanan daw ni Wendy dahil nag-break sila, in which hindi namin alam kung maniniwala kami o ano. Bali-balita kasi ay may kasama siyang babae sa Sogo right after their breakup. Hm.

Napag-isipan naming bilhan na lang ng The Fault in Our Stars collectibles si Mia. Naalala ko nung first day na pagkita naming dalawa, may hawak-hawak siyang librong ganun. I assume na favorite niya ‘yong basahin dahil medyo nalungkot siya noong nakita niyang nalukot ang kahuli-hulihang page ng kanyang libro.

*One TFiOS notebook

*TFiOS poster

*A magazine with Shailene and Ansel on the cover (Girlfriend yata?)

*TFiOS keychains

*Okay? Okay. shirts

“Let’s call it a day.” Sabi ko sa kanilang dalawa pagkauwi ko ng house namin. Nag-smile naman sila’t tumalikod na ako para mag-doorbell sa bahay.

Bago pa man sila makaalis, narinig kong nagsalita si Ed.

“Sa tingin ko, trip ni Flyder ang celebrant.”

Am I? No, I’m not. Besides, loyal ako kay Natalie kaya’t hinding-hindi maaaring mangyari ‘yon.

**********

Damn, researches! Ang dami naming assignments ngayon, ugh! Makapag-Twitter na nga muna.

Binuksan ko ang private Twitter account ko (na sina Kirst at Ed lang ang nakakaalam) at, no wonder, wala masyadong notifs.

Magpopost na sana ako ng rant tweet nang makita ko ang trending topics dito sa Philippines.

#EstudyanteProblems

We Love and Support Zayn Malik

Remembering Ezra Henderson

Replace a Song Title with Petchay

#GustoKoNg

Hinintuan ko ang pagbabada upon reading the fifth trending topic. Ang number three topic ang pumukaw sa atensyon ko (Naks!). Sino si Ezra Henderson?

Pagkatapos kong i-click ang link, nalaman ko na siya pala ang isa sa anak ng may ari ng pinakasikat na resort dito sa Pinas. Sayang lang at medyo nakakalungkot ang kwento niya. Nalungkot din ako nang nalaman kong maganda ang istorya nila ng girlfriend niya. Sana hindi ka tragic ang kwento namin ni Natalie di tulad ng sa kanila.

Ila-log out ko na sana ang Twitter ko nang may nag pop-out sa notif ko.

Horoscope? Eh, hindi ako naniniwala dito. Meron pala akong na-add na app dito sa Twitter ko? ‘Di ko alam.

“Mahirap pumili, pero kailangan. Ano ba ang mas matimbang, ang nararamdaman o ang awa?”

Hindi ko gets. Maka-out na nga.

**********

MIA

“Hoy, babae! Kung makaasta ka akala mo totoong girlfriend ka ni Flyder ah! Sabi sa akin ng isang babaeng may pink na puso ang buhok. Hinaharangan nila ako ngayon dito sa likod ng gymnasium ng dalawa niyang kasama at halatang galit na galit sila sa akin. Wala naman akong kasalanan sa kanila, a.

“P-pero…” Hindi ko na napatapos pa ang aking gustong sabihin dahil sinampal na ako ng isa sa kanila.

Ang lakas. Uminit ang kaliwa kong pisngi dahil sa nagawa niya. Tumulo na lang ang luha ko sabay hawak sa pisngi ko. Sasampalin pa sana ako ng isa pang babae pero may humarang sa kanila.

“Tama na iyan!!!” Sigaw ng lalaki.

“Hindi niyo ba alam na pwede ko kayong isumbong sa guidance counselor, ha?!” Pagbabantay niya. Narinig ko ang yapak ng tatlo papalayo na himalang walang sinabi at takot na takot sa tingin ko.

Bigla-bigla na lang, may nag-abot sa akin ng handkerchief na kulay pula. Titignan ko sana siya pero inunahan niya na ito ng yakap sa akin. Ang kanyang amoy…alam ko kung sino siya.

“Shhh! Huwag kang mag-alala. Andito lang ako, Mia! Hindi ka na nila aapihin pa.” Pagsasabi niya.

Napangiti na lang ako habang nakapatong ang ulo ko sa balikat niya.

Kailan pa ba sila titigil sa pambu-bully sa akin? Sawa na ako.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon