CHAPTER 22

2.1K 20 1
                                    

MIA

“Hi, Ate Mia!”

Alas-singko umaga, madilim pa lang ay sinundo na ako ni Flyder dito sa bahay ko gamit ang kanyang pulang sasakyan sa parang nau-ugnay na sa pangalan niya para sa akin. May kahalagahan itong sasakyang ito sa relasyon namin dahil sa gilid nito kami unang nagtapat ng damdamin namin sa isa’t- isa at nauwi sa pagiging magkarelasyon namin.

Sinabihan ko siya, bago pa lang maga-alas dose kagabi, na kung pwede ay dadalawin namin ang foundation na ipinatayo ng aking mga magulang, partikular na si Mama. Tuwing Pasko, nakagisnan na namin ng ate ko na dumalaw sa mga batang napamahal na sa amin katulad nina James, Lisa, Mark, at Ken. Ngayon lang si ate hindi makakadalaw sa kanila dito siguro dahil nasa Cavite siya kasama ang kanyang mga classmate. Sinabihan niya na lamang si Flyder na samahan ako through text na siya namang pinagsang-ayunan ng isa. Ang hindi alam ni Ate, nauna ko nang sinabihan si Flyder ilang mga oras na ang nakararaan.

Hindi sila normal na mga bata. Sa katunayan, may mga sakit sila na hadlang sa kanilang mga buhay. Hindi katulad ng mga normal na mga bata sa bahay-ampunan, kina Mark ay may HIV. Nasa dugo ang kanilang sakit, at simula pa noong sanggol sila, dala-dala na nila ang sakit na ganito.

“Hi, Lisa!” Ang mga ngiti na naka-ukit sa mga labi nilang mga batang kaharap namin ngayon ay walang kapantay. Nahahawaan nila ako ng pagiging masaya nila sa tuwing dumadalaw ako rito. Tinignan ko si Flyder, at pati siya’y mukhang natutuwa rin sa kanila.

“Uy, si Ate Mia, may boypren na!” Pangungutya ni Mark sa akin habang nakatingin sa aming dalawa ni Flyder. Sinundan naman ito ng “Uy!” ng ibang mga bata sa amin.

Hindi katagalan ay lumapit sa amin si Sister Felicia at ako’y kanyang niyakap. “Mia!”  May ibinulong siya sa akin na siya namang ikinasabi ko ng, “Oo.”

Tulad ng dating ginagawa namin ni ate dito, binigyan ko tig-isa-isang laruan ang bawat bata dito sa orphanage. Napatalon pa si Ken ng makita niyang ang paborito niyang Batman na nakabalot sa box nito. “Thanks, Ate Mia!”

Bigla kong napansin na tinititigan ako ni Flyder pagkatapos niyang makita ang hawak-hawak ni Ken. Hindi ko man nakuha noong una, pero sa kalauna’y natawa na lang ako ng mahina nang malaman ko kung bakit gan’un-gan’on na lang ang gawi niya.

Tulad ni Ken, marami akong natanggap na mga pasasalamat galing sa mga bata dito. Yung iba ay niyakap pa ako ng kahigpit-higpit katulad ni Lisa. Ang saya sa kanilang mga mukha ay kapantay ng kasiyahan ko ngayon. Malaman ko lang na masaya ang sila, masaya na rin ako.

********

Hindi pa rin nawala ang pangungutya galing sa mga batang ito sa aming dalawa hanggang sa mananghalian na kami. Tanong ng tanong sila kay Flyder tungkol sa buhay naming dalawa katulad ng kung paano kami nagkakilala o kung ako ba ang una niyang naging girlfriend. Si Flyder naman, halatang hindi malaman kung ano ang isasagot sa kanila.

Nakuha rin ng isang bata na medyo kilala si Flyder sa musika. “Ikaw ba ang kumakanta ng Use Somebody?” ,tanong ni Angela gamit-gamit ang kanyang malumanay na boses. Si Flyder naman, tumango na lang bilang sagot.

Tulad ng kanina, kinutya na naman nilang lahat ako. “Uy si ate, sikat ang boypren!”, sabi pa ni Mark habang hawak-hawak ang isang pirasong fried chicken sa kaliwa niyang kamay. Mga bata talaga, oo. Ang sarap niyang pisilin sa magkabila niyang mga pisngi!

Pagkatapos naming mananghalian, tinawag ako ni Sister Felicia para makipag-usap sa akin sa pribadong kwarto ng orphanage. Nagpa-alam ako kay Flyder at dumeretso na sa kwarto niya’t umupo sa sofa kung saan siya naroon.

“Tell me about your condition, hija!” Kahit na nakangiti siya, alam kong hindi gan’on ang nasa isip niya. Nag-aalala pa rin siya sa kalagayan ko hanggang ngayon.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon