CHAPTER 21

1.9K 18 3
                                    

KELLY

Habang kumakain ako ng aking breakfast sa isang lokal na fast food chain sa isang mall, nakita kong juma-jogging si Ed sa kabilang kalsada. Bakat na bakat ang ano niya, ang, uhm, biceps! Ang gandang tignan lalong-lalo na na ang haba-haba ng buhok niya. Nakakapandagdag-namnan. No wonder na maraming mga babae ang nagkakandarapa sa kanya kabilang na ako.

Hindi ko pa man naubos ang pancake ko, kumaripas na ako ng takbo papunta sa kanya. Mabuti at naabutan ko siyang nakaupo sa isang bench, sa gilid ng look, at tinatali ang sintas ng kanyang sapatos.

“Eeed!” Ang hingal ko pagkatapos kong tumakbo, parang hingal ng isang batang may asthma. Ang nakaka-badtrip pa, hindi niya ako pinansin at tinitigan niya lang ako. Ang lamig ng pagkatitig niya sa akin. Animo’y hindi niya ako kilala kahit na “best friends” kaming dalawa gaya ng sabi niya sa akin.

Umupo ako sa gilid niya’t binuka ang bibig ko, naghahanda na bumati sa kanya’t makipag-usap, pero ano ito’t tumakbo na lang siya bigla ng walang pasabi-sabi? Nakakabaliw ang mga ikinikilos niya, a!

“Hoy, Ed!” Pagsisigaw ko. Aba at hindi talaga siya tumalikod man lang. Ang isa pa, nang matapos akong sumigaw, kinuha niya ang kanyang headphones at nag-head bang habang nagja-jog.

Ano kaya ang problema ng lalaking ito?

************

Dalawang araw na simula nang naging malamig ang trato sa akin ni Ed through text messages and Facebook chat. Seenzoned ako sa parehong mga bagay. Hindi ko talaga siya maintindihan! Ano ba talaga ang meron at bakit niya ako ginaganito? At bakit ako napapraning, eh friends lang naman kami? Bakit ako affected? Sa malamang dahil may crush ako sa kanya. Nagseselos ba siya dahil may “boyfriend” na ako? Baka hindi. Assuming lang siguro talaga ako.

Nakita ko na naman siya. Ngayon, habang namimili ako ng bagong libro. Tinignan ko lang siya ng matagal, umaasang ngayon ay babatiin niya na ako.

Ed, humarap ka!

Ayun at nagkatitigan nga kami. Pero bakit ang sama ng tingin niya sa akin? Para siyang babae kung umirap! Isama mo pa na ang haba ng buhok niya na tinatakpan ang isa niyang mata.

“Hi, Ed!” Napangiti ako’t lumapit sa kanya. Nang magkatabi na kami, umalis siya’t pumunta sa isa na namang section ng mga libro.

Ang kulit! Para siyang bata! Sinundan ko siya’t tinanong  kung ano ba talaga ang problema niya sa akin. Siya naman ay kumuha ng manipis na libro na kulay dilaw at tinanong ako ng, “Bumili ka na ba nito?”

Binasa ko ang title, at ang nakalagay ay, How To Be A Good Liar in 133 Steps.

“Hindi pa.” Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa ka-weirdohan niya. Kailan pa siya naging fan ng self-help books at nire-recommend niya sa akin ‘tong librong ito.

“Ay, sayang! Gusto mo bilhan kita?” Ang lamig talaga ng boses niya. “Christmas gift ko na sa’yo.” Kahit na kunindat siya sa akin, alam na alam ko na hindi ‘yon genuine.

“Ikaw ang bahala.” Ako na ang unang umiwas ng tingin at ibinaling ang atensyon ko sa librong hinahawakan ko.

“Kelly, tapatin mo nga ako,” napahinto ang paghinga ko. Ano na naman ba ito? “Oh,” sagot ko sa kanya, naghihintay ng karugtong ng kanyang sasabihin.

“Naging kayo nga ba talaga ni Conor?” Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin. At bakit ganito ang tanong niya?

Nauutal man, um-oo ako sa tanong niya na siya namang ikinangiwi ng bibig niya. “Talaga lang, ha!”

Ini-insulto ba niya ako?!

Hindi pa man ako nakapagbanat sa kanya, nakita kong may ginagawa siya sa cell phone niya. Wala naman siyang pinakitang picture sa akin, sa halip, isang recording sa isang maingay na lugar ang narinig ko.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon