CHAPTER 34

1.3K 7 0
                                    

KELLY

Kinakabahan ako, pero at the same time ay masaya ako sa araw na ito. Totoo nga ba itong mangyayari o nananaginip lang ako? Kung oo, sana ayoko nang magising. Pagkatapos lang ng honeymoon namin, pwede?

“Ang ganda-ganda talaga ng magiging misis ni Edward. Anak, you look so pretty today.”

Nagtagpo ang dalawang kilay ko habang tinitignan si Mama sa salamin. “Today lang po, hindi everyday?”

“Naku. Everyday pala, anak,” sagot niya. Nataranta na siya at paikot-ikot ang kanyang mga mata habang papalapit siya sa akin.

“Iyan ang tama, Mama!” Ngumiti siya. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago kahit kailan.”

*************

One pa magsta-start ang pag-iisang dibdib namin (wow, ha?) ni Ed. Mag-iisang taon na rin kaming engaged na dalawa kaya sigurado akong mabuti ang magiging kalalabasan nitong kasal namin. Puwera na lang siguro kapag umulan, pero okay na iyon kesa na hindi matuloy ito. Excited na kasi ako after nito, e.

Iniisip ko: Ilan kayang little Eds ang iluluwal ko? Isa lang? Dalawa? Tatlo? Isang bucket ng Jollibee crispy chicken? O mahigit pa sa mga patamang kantang ginawa ni Taylor Swift? Basta, ang mahalaga ay handa na akong maging misis niya . . . kahit na minsan ay gusto ko siyang pektusin dahil sa mga kalokohan niya.

Mula hotel ay pumunta na kami nila Mama at Papa sa simbahan ng Balesin. Pinipilit kong dumahan-dahan sa paggalaw ko dahil natatakot akong masira ang puting gown na ito. Bukod kasi sa mahal ito, ang ganda at naiiba ang disenyo nito na galing pa sa Mama ni Mia.

Oh, si Mia. Si Mia na miss na miss ko palagi. Kahit na hindi iyon pala-kwento ay magaganda pa rin naman ang mga ala-ala naming dalawa. Si Mia talaga, ang daya at hindi man lang hinintay ang kasal namin ni Edward. Siya pa naman sana ang maid of honor ko, e. Pero alam ko na kung saan man si Mia ngayon ay masaya na siya. At ayaw niyang hindi kami masaya dito sa lupang ibabaw. No’ng buhay pa siya, gusto niya talaga na lahat ng tao na nasa paligid niya ay masaya kahit na siya’y malungkot na. Ang tindi ng kaibigan kong mahinhin.

“Tahan na, Pa.” Umi-iyak na si Papa dito sa gilid ko bago pa man kami pumasok sa loob ng simbahan. Ako naman, parang maluha-luha na rin. Hindi ko lubos malaman kung ano nga ba ang nararamdaman ko. Parang may mga alitaptap na lumilipad sa loob ng tiyan ko, gan’on, pero hindi ko alam kung ano ang dahilan nito. Tuwa ba? Nerbyos? Pero ano ang ikini-nerbyos ko gayun naman na eto na ako sa rurok ng tagumpay?

Pagkapasok na pagkapasok ko ay nagtitinginan silang lahat sa akin. Nakikita ko ang tuwa sa kani-kanilang mga mata kahit na medyo hindi malinaw ang aking pananaw dahil sa veil na ito. Umiyak na nga ako dahil sa . . . tuwa. Overwhelming ang feeling na ikakasal ka na sa lalaking mahal na mahal mo kahit na ang awkward ng una niyong pagkita.

Say it's true, there's nothing like me and you
I'm not alone, tell me you feel it too

And I would run away
I would run away, yeah..., yeah
I would run away
I would run away with you

Cause I am falling in love with you
No never I'm never gonna stop
Falling in love with you

Close the door, lay down upon the floor
And by candlelight, make love to me through the night
(through the night, through the night...)

Cause I have run away
I have run away, yeah..., yeah
I have run away, run away
I have run away with you

Cause I am falling in love (falling in love) with you
No never I'm never gonna stop
Falling in love with you...
With you...

And I would runaway
I would runaway, yeah..., yeah
I would runaway (runaway)
I would runaway with you

Cause I am falling in love (falling in love) with you
No never I'm never gonna stop
Falling in love with you...

Falling in love (falling in love) with you
No never I'm never gonna stop falling in love with you

With you, my love, with you...

Kinuha na ni Ate Mandy ang boquet na nasa kamay ko. Si Ate Mandy na may tatlong gulang na anak na kay Kuya Kirst. At ang nakakatuwa pa ay pinaghalo talaga ang kanilang mga mukha na nagpapakita kung gaano ka-perpekto ang kanilang mixture.

Humarap na ako sa aking groom. Napabilis ang pagtibok ng dibdib ko nang nakita ko na ang mukha niya sa malapitan. Kahit na araw-araw kaming dalawa na nagkikita, eto na siguro ang masasabi kong pinaka-gwapo niyang hitsura. Nakaputi siya’t mukha siyang isang literal na prinsipe ng anumang parte ng timog-silangang Asya. Ang gwapo-gwapo niyang tignan talaga. Dito ko naramdamang sa kabila ng lahat-lahat, swerte pa rin talaga ako at siya ang mapapangasawa ko.

Katulad ng isang normal na kasal ay nagpalitan kami ng vows sa isa’t isa. Pinaramdam ko sa kanya kung gaano niya napa-iba ang pananaw ko sa pag-ibig. Na dati-rati ay galit ako rito’t gusto kong walang pag-ibig sa mundo. Na dati ang akala ko ay walang magkakagusto sa aking lalaki kahit na marami akong gustong maging boyfriend. “Love is indefinable; love doesn’t need to be definite . . . love needs to be felt within your heart.” Sabi ko. For once ay naging seryoso ako.

Dati-rati ay sa tellie ko lang naririnig ito, pero lehitimong sa amin na ito sinasabi ng pari. “You may now kiss the bride,” ika niya.

Hindi ko alam kung totoo nga ba ang fairytales, pero ako, meron ng sariling akin. “Once Upon a Stolen Kiss” ang titulo.

Sa isang halik nag-umpisa ang lahat, at sa isang halik rin mag-uumpisa ang bagong yugto ng aming buhay. Ngayon, bilang mag-asawa na. Nakakatawa man kung gagawin kong nobela ang istorya namin dahil sa pinagdaanan ko’t pinagdaanan na rin niya, pero ito ang aming kwento, at bawat kabanata nito ay mahalaga.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon