CHAPTER 13

1.9K 17 0
                                    

KELLY

Matapos akong ihatid ni mystery guy in a shining KIA motor, nagdali-dali na akong mag-doorbell sa aming bahay. Mga 4 minutes and 53 seconds na siguro akong nandito sa tapat namin pero kahit kailan, walang may sumagot. May ginagawa na naman atang kahalayan ang hardinero namin at si Yaya, e.

Ang baho, baho ko na! Ang amoy ko, daig pa ang isang taong walang ligo ng isang buong buwan! Kasalanan talaga ito ni Ed, e…o ng kantang Waka Waka.

Itatapon ko na sana ang heels ko para itapon sa bubong ng bahay namin nang may humatak sa akin sa kinatatayuan ko. Dinala niya ako sa van at nagsabi ng kidnap daw ang nangyayari at huwag daw akong papalag kasi kung oo, lalagariin niya ang leeg ko. As in literal na lagari talaga ang hawak niya, a?

As a diligent citizen of the Philippines, pumunta naman ako sa van. Hindi ko pinakita ang takot ko sa kanila. Naka-smile pa nga ako sa buong pangyayari, e. Neknek lang nila kasi wala dito ang wallet ko sa bag ko. Tanging coin purse lang ang dala ko kaya wala din silang makukuha sa akin.

“Miss, ibigay mo na sa amin iyang bag mo,” sabi ng lalaking mahaba ang buhok.

Sumagot naman ang isa ng, “Oo nga, kung ayaw mong lagariin ko ‘yang leeg mo.” Inirapan ko na lang silang lahat at binigay sa kanila ang bag ko. “Wala kayong makukuha diyan, mamatay man.”  Sabi ko pa sa kanila habang nakangiti.

Aba at sa kahulihan ay nainis nga sila sa akin kasi nga daw wala nga akong pera. Sabi pa ng isa, ang baho-baho ko daw at mukha daw akong anito ng mga puno. Litsi, suntukan na lang kaya? Pero, seryoso, nakakainis ang panlalait nila sa akin.

Wala silang nakuha sa bag ko at tanging pizza lang na pabaon sa akin ni Ed. Ang ginawa nila sa akin dahil sa pagkairita binuksan nila ang pintuan ng van at tinapon ako sa talahiban kasama ng bag ko.

“Azzhul!” Iyon lang ang tangi kong nabanggit dahil sa masakit na nga ang pwet ko. Baka magka-ulcer ako sa pwet nito. Huwag naman sana.

After 30 minutes and 42 seconds, nawala na din ang sakit sa pwet ko at nagsimula na naman ako ulit na maglakad. Grabe ang kamalas-malasan ko ngayong araw. Unang-una, parang na-basted na ako kay Ed kahit na hindi pa ako nakapanligaw sa kanya; pangalawa, ang makasaysayan kong paghulog sa kanal; pangatlo, ang hold-up o kidnap na nangyari kamakailan lang. Haist! Ang hirap talaga kapag Diyosa, maraming pasakit. Ni minsan nga try ko ‘ding maging normal.

Sa isang sulok, sa may bandang labas ng subdivision namin, may nakita akong isang babae. Wala siyang mga kamay at paa. Halatang kawawang-kawawa siya. Panay ang ungol, iyak, at parang hindi siya mapakali. Maluha-luha ako ng makita ko ang kalagayan niya. Kung tatansyahin, mas maswerte pa pala ako sa ibang mga tao sa paligid ko.

“Ate, ano po ang maitutulong ko sa inyo?” Tanong ko sa kanya. Ang asal ko na palaging in-hype, nawala.

Tuloy pa din siya sa pagwa-wild kaya nilakasan ko ang pagtanong sa kanya. “Ate, ano po ang maitutulong ko sa inyo?!”

Nagulat siya’t tinignan ako ng may kasiglahan sa kanyang mga mata. Nabuhayan ata siya ng loob.

“Miss…” Panimula niyang sabi sa akin.

“Alam mo namang wala akong mga kamay o paa…” Pandagdag niya. Sumang-ayon naman ako.

“Kung pwede lang naman, maaari mo bang kamutin ang p*ke ko? Ang kati kasi, e.” 

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Litsi! Iyon lang pala ang pino-problema niya?! Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko’t nagsimula nang tumayo. “Ate naman! D’on ka po magpakamot kay Kuyang Guard.” Sabi ko sabay senyas sa gwardyang tumatayo sa gate ng subdivision namin.

Ano ba ‘yan? Wala na atang matinong tao sa mundo!

**************

Kinaumagahan, nakatanggap ako ng text galing kay Ed na kung pwede daw after school, susunduin niya ako para makapag-mall kami. Kinilig naman ako. Ang hindi ko alam, ako pala ang pipili ng ipamimigay niya kay Faith para dagdag pogi points. Nakakabanas, seryoso.

“Ay! Favorite ni Faith ng color black! Try kaya natin itong black lipstick sa kanya?” Sabi ko. May pagkwe-kwestyon man sa mukha niya, binili niya pa din ang nirekomenda ko.

“Eto pa, o. White veil. Alam mo, ‘yan ang pinakapaboritong accessory ni Faith. Madasalin kasi siya,e.” Ayun at hinablot sa lalagyan nito. Kung alam lang niya ang pinagagagawa niya.

“Teka! Ano ba ang favorite na food ni Faith?” Tanong niya sa akin.

“Bopis!” Mabilisan kong sagot sa kanya. Hindi ba si Ed aware na gawa-gawa ko lang ang lahat ng mga ito?

“Gan’on ba?” Halatang naniwala na nga siya. Nagpasimple lang akong umirap iniba ang topic.

“Ed! May manliligaw na ako!” Sabi ko sa kanya. Nag-twirl pa ako para daw kinikilig. Ang hindi ko alam ay nakapalda pala ako ng kay iksi-iksi at nakita ng nila…pati si Ed…ang panty kong neon orange.

Tumawa muna si Ed ng kay lakas-lakas tsaka niya ako sinagot. “Aba! Sino naman siya?!”

“Si Conor.” Maikli kong sagot. Sino ba kasi si Conor at dinamay ko pa siya dito?

“Huweh! Hindi ako naniniwala. Pakita mo siya sa akin bukas o sa FB man lang, ha, para malaman ko kung pasado ba siya sa akin o hindi.”

“Tatay ko? Kuya ko?” Sagot ko sa kanya sabay diin ng daliri ko sa dibdib niya. Ang tigas, in all fairness.

“Pero as a friend,” panimula niyang sabi. Wow! Ang lakas naman niyang maka-friend zoned. “kailangan kong kilatisin ang unang lalaki na makakatanggap ng matamis mong oo. So, deal?!”

“Okay, deal!” Sagot ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa kawalan at iniisip kung ano na naman bang katangahan ang nagawa ko. Akala ko magse-selos siya, e.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon