CHAPTER 9

2.8K 25 0
                                    

MIA

Ang aga-aga ko ngayon pumasok sa paaralan namin. Hindi ko alam kung bakit, pero mas ginaganahan na akong pumasok kahit na may nangyari sa akin noong Biyernes. Dahil kaya ito sa kanya?

Kahapon, pag-uwi ko galing ng McDonald’s ay napapansin na ni Aling Natalia na masyado na kaming malapit sa isa’t-isa ni Flyder. Nginitian ko lang siya na siya namang kinakunot ng noo niya. Sabi niya pa sa akin, huwag daw akong masyadong mahulog kasi lahat ng nahuhulog ay nasasaktan. Ang lalim talaga ni Aling Natalia kung makapagsalita…pero tama naman siya kung iisipin mo.

Late nang pumasok si Flyder sa unang klase namin. Initaas ko na ang bag ko para makaupo na siya sa tabi ko pero hindi niya ako pinansin. Sa makatuwid, sa kaliku-likuran siya umupo. Kinagat ko na lang ang bibig ko dahil parang napahiya ako sa mga kaklase namin. May narinig pa akong bulung-bulongan na feeling daw akong klase na babae. Ngumiti na lang ako ng pilit at inibaling ang atensyon ko sa prof namin sa harapan na sobrang bilis kung magsalita. Nawala tuloy ang sama ng loob ko dahil sa kanya.

Tuwing  break, kasama ko si Flyder. Minsan umaalis kami para pumunta sa mall o hindi kaya ay sa hindi kilalang coffee shop para makapag-aral. Pero ngayon, sa araw na ‘to? Hindi. Pinuntahan ko siya sa parking lot kung andun ba siya pero wala ang sasakyan niya. Dahil wala nga siya, mag-isa ako sa caf at kumakain ng binili kong chicken sandwich. Nagulat na lang ako no’ng lumapit ang tatlong babaeng nanakit sa akin noong Biyernes. Ngumingisi sila na siya namang ikinakaba ko.

Aalis n asana ako para wala nang gulo pero hinila ng isang babae ang braso ko. “Sandali lang, Mia!” Sabi ng mabilog na babae. Nang humarap ako, nagsimula silang lumuhod sa harap ko. Ako naman, gulat na gulat sa ginagawa nila.

“Sorry na, Mia, sa ginawa namin noong Biyernes.” Sabay nilang sambit sa harapan ko. Tinignan ko ang mga tao sa paligid; ang iba ay parang nahihiwagaan sa eksena namin dito.

“Tumayo nga kayong tatlo diyan. Okay lang ‘yon.” Inilalayan ko silang tatlo para makatayo na. Bakas sa kanilang mukha ang pagka-ilang sa akin. Ngumiti na lang ako at umalis para wala nang gulo. Pagkapunta ng mga mata ko sa exit, nakita ko si Flyder na  nakatayo. Ang kanyang bibig, pumapagilid.

Tinignan ko lang siya, nagbabakasakaling kausapin niya na ako ngayon, pero wala pa din. Ano ba ang ginawa ko sa kanya at bakit niya ako binibigyan ng pagtatrato na ganito?

*************

Kinagabihan, lumabas ako ng bahay namin para mag-bike sa paligid ng subdivision dito. Palabas na ako nang naabutan ko si Flyder, nasa sasakyan niya at mukhang malungkot. Lalapitan ko pa sana siya, pero nang nakita niya ako, agad humarurot ang kulay pula niyang behiklo.

Ano ba ang problema niya at bakit siya naging mailap sa akin? Ano bang kasalanan ko sa kanya?

************

Isang linggo. Isang linggo na ang nakalipas simula no’ng hindi na kami nagbabatian ni Flyder. Kahit sa chemistry lab namin, mailap talaga siya sa akin. Oo, magkagrupo kami, pero parang wala lang ako sa paligid sa activity namin kahapon. Para akong multo kumbaga. Sinubukan ko siyang kausapin naman, pero lumalayo talaga siya. Ngumiti na lang ako ng pilit at kinamot ang ulo ko dahil do’n. Sabi kasi ni Mama, kapag hindi maayos ang takbo ng mga nangyayari, ngumiti na lang daw ako para gumaan ang pakiramdam ko.

Foundation week namin ngayon kaya walang pasok, pero inatasan kaming lahat sa section namin na bumalik para tulungan si Mr. Furoni na i-organize ang mga aktibidad sa eskwelahan namin. Eto ako’t kasama ang ilang mga kaklase ko na nagbabantay sa auditorium para sa mini-concert ng Walrus. Saya!

“Hi, Mia!” Bati sa akin ni Ed, ang lalaking medyo mahaba ang buhok na mukhang banyaga. Kilala niya pala ako?

“Hi din, Ed!” Sagot ko sa kanya. Si Kirst, ang chinitong kasamahan ni Flyder sa banda ay nag-saludo na lang sa akin at umalis na. Si Flyder? Ayun at nakatalikod, tinitignan lang ako sa salamin. Wala pang mga limang segundo pero umiwas na siya ng tingin sa akin. Ako naman, eto’t mukhang namamasa na naman ang gilid ng mga mata nang nakangiti.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon