CHAPTER 5

3.1K 28 1
                                    

MIA

“Happy Birthday, Princess!” Nanlaki ang mga mata ko nung narinig ko ang isang pamilyar na boses sa likuran ko. Humarap kaagad ako sa kanya’t binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap.

Si Ate. Ang best friend ko.

Siya lang ata ang nakakaintindi sa akin dito sa bahay namin. Dati, pag inaaway at inaapi ako ng mga kaklase ko, todo tanggol siya sa akin. Pumupunta pa siya sa pinapasukan ko dati at pinagsisita ang mga nangbu-bully sa akin.

Si Ate Mandy ay second year college na kaya minsan lang siya umuuwi dito sa bahay ngayon. Last May pa kami huling nagkita, kaya miss na miss ko talaga siya.

“Sixteen na ang kapatid ko. O, later na ang gift ko sa’yo, okay?” Sabi niya. Nag-nod na lang ako at bumalik ulit sa kinauupuan ko.

Sabi ni Flyder kagabi sa akin sa text ay kung pwede niya daw dalhin ang mga kabanda niya. Nagreply naman ako ng “okay” para matuwa sa akin si Kelly.

Magtatakipsilim na at hinahanda ko na ang aking sarili. Mga tatlong oras na lang, gaganapin na ang selebrasyon ng kaarawan ko. As much as I hate being surrounded with numerous people around me, pero sige lang. I-enjoy ko na lang kumbaga.Kaarawan ko din naman ngayon, e.

“Bagay sa’yo ang teal…” Nakangiting sabi ni Ate sa akin habang inaayos ang postura ko. Sinabihan niya din ako na bagay sa akin ang retro bump kong hairstyle. Natatawa na lang ako sa kanya dahil panay ang puri niya sa akin ngayon.

“Salamat naman. Bagay din sa’yo ang teal, Ate. Tara, baba na tayo.” Kinuha niya ang kamay ko’t umalis na kami ng silid ko.

***************

Lahat sila nakatingin sa akin. Ang iba, pumapalakpak.

Tuwang-tuwa ako nang makita ko sina Kelly, Faith, at Kelsey sa hindi kalayuan. Ang mga kaibigan ko simula pa noon; ang mga taong naging sandalan ko noong ako’y malungkot.

Ang ibang mga bisita ay hindi gaanong pamilyar sa akin. Baka si Ate o sina Mama at Papa ang nagpapunta sa kanila dito. Lahat sila’y tuwang-tuwa din nang makita ako.

Pagkaupo’t-pagkaupo ko sa isang malaking couch kung saan nakapalibot sa akin ang kulay bughaw na mga rosas, biglang may pumunta sa entablado. Mga pumunta, sa makatuwid.

Napangiti ako nang makita ko sina Flyder at ang mga kasama niya sa banda na naka-tux. Parang retro din ang bihis nila katulad ng konsepto ng party ko.

Ang ibang mga tao, partikular na sina Faith at Kelsey, ay naghiyawan pagkakita nila sa kanila. Nagtataka lang ako dahil nakita ko si Kelly na parang may sinasabi at biglang yumuko. Ano kaya ang problema niya? Akala ko pa naman masaya na siya dahil nakita niya na din sa wakas ang mga idolo niya.

Nahihiya lang siya siguro.

“Para sa pinakamagandang babae sa gabing ‘to ang kanta namin. Happy Birthday, Mia!” Nakatingin siya sa akin. Ang mga mata niyang sobrang lalim kung tumitig, nakakapanghina. Alam ko namang hindi niya ako maiibigan kahit kailan kaya sapat na itong magkaibigan lang kaming dalawa. Sa ganitong paraan, hindi ako umaasa.

You're a falling star, you're the get away car.
You're the line in the sand when I go too far.
You're the swimming pool, on an August day.
And you're the perfect thing to say.

And you play it coy but it's kinda cute.
Ah, when you smile at me you know exactly what you do.
Baby don't pretend that you don't know it's true.
'cause you can see it when I look at you.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon