CHAPTER 33

1.2K 6 0
                                    

FLYDER

Bago pa man kami makapunta sa studio ng Channel 35 ni Mia, kumain muna kami sa fast food chain na palagi naming tinatambayan dati noong high school pa lang kaming dalawa. Andito ako’t nakaupo sa harap niya, kumakain ng apple pie at pancake. Siya nama’y nakatingin lang sa akin at nakangiti.

Naa-alala ko noong una kaming magkita. Kahit na sabihin nang cliché ang simula ng lahat para sa amin, hinding-hindi ko ito ikinahihiya. Bawat istorya ng pag-ibig na katulad sa amin ay may kanya-kanyang pangyayari . . . mga pangyayaring naiiba sa lahat.

Ang banggaan namin sa hallway, ang libro niyang dati-rati ay pinag-uusapan talaga ng karamihang mga estudyante sa amin, at ang kanyang maamong ngiti. Lahat nang iyon ay nakabaon pa rin sa akin isip na parang isang litratong nakapaskil na sa loob ng aking utak.

Sinubukan ko siyang subuan pero ayaw niya talagang kumain. Ang mga tao sa paligid-ligid ay nakatingin na sa aming dalawa. Yung iba ay nagbubulungan pa.

“Okay lang iyan, Mia,” sabi ko sa kanya.

Matapos naming kumain ay umalis na kami kaagad para sa dadaluhan kong interview. Kahit na medyo nininerbyos na ako dahil sa mga pwedeng itanong sa akin ng host ay pinipilit kong maging mahinahon. Matagal-tagal na rin ako sa industriyang ito at napag-alaman ko na ang sining ng pakapalan ng mukha sa publiko.

****************

“Good day, Mister Flynn,” bati sa akin ng babaeng host na sikat sa kanyang matapang na personalidad.

“Good day, Miss Alice.” Ngumiti ako sa kanya at nag-wave sa mga tao na tinatawag ang pangalan ko.

“Kumusta ka na ngayon?” Ito talaga ang tanong na kahit kailan ay hindi nawawala sa isang interview. “Mabuti naman ako ngayon,” sagot ko sa kanya. Ito rin ang kadalasan na sagot ko sa ganitong tanong o anumang malapit-lapit dito.

“Let’s talk about your book, ‘My Unofficial Girlfriend’. Dahil sa librong iyon ay nagbago ang pananaw ng mga tao sa relasyon ninyo ng dati mong kasintahan na si Mia Martinez. Masaya ka ba na kahit papaano ay napa-iba mo ang turing ng mga tao sa mga kagaya niya?”

“Kagaya niya na?” Medyo hindi maganda ang pagtugma niya ng tamang salita sa kanyang tanong kaya umiba ang timpla ko panandalian. Siya nama’y ngumiti lang na parang nagsasabi na nagkamali nga siya. “Pero oo, masayang-masaya ako na dahil sa libro ko ay nakilala niyong lahat ang taong pinakamamahal ko.”

“Mabuti naman kung gan’on. From being a vocalist to a writer, grabe talaga ang pag-iba ng iyong career. Ano ang nag-push sa’yo para maging isang manunulat?”

“Siya. Si Mia. Hindi niya ako literal na sinabihan na magsulat, pero dahil nga na gusto kong ipakita sa mga tao kung ano ang meron kami noon, ginawan ko siya ng libro.”

“…At ang husay mong magsulat, Flynn,” sabi niya. Napangiti ako dahil do’n. “Umiyak talaga ako sa mga huling pahina ng libro mo.”

“Well everyone gets their own tragedy. Ako nga lang, medyo napaaga. But I’m happy. Mia is alive.”

Napakunot ang noo ni Alice sa sinabi ko’t nagsalita ulit siya. “Mia is what?”

“Mia is alive. That’s how I wish she is. Basically, pitong taon na siyang wala dito kasama nating lahat, pero conceptually, hindi siya nawala sa piling ko. Buhay si Mia.” Ngumiti ako habang binibigkas ko ang mga sinasabi ko kay Alice, pero sa loob-looban ko, may kirot pa rin akong nararamdaman. Kahit na picture lang ni Mia ang dala-dala ko kahit saan, nararamdaman ko pa rin na andito lang si Mia na nagbabantay sa akin.

“Aw! Pag-ibig nga naman. I’m gonna cry na!” Sabi niya habang siya’y nagpa-pout ng kanyang bibig. “Eh ‘di umiyak po kayo,” gusto kong sabihin sa kanya.

“Moving on, hindi ba sa huling parte ng libro mo, sinulat mo na sinabihan ni Mia yung Ate niya na kapag siya raw ay mamatay ay dapat maging masaya kayo kaya ginusto niyang ilagay ang ibang parte ng kanyang abo sa fireworks at sa kanyang birthday ay ipaputok ninyo ang mg ito sa ere?”

“Tama.” Limitado lang ang sinagot ko dahil sa ayokong ma-spoil ang mga taong hindi pa nakapagbasa ng libro ko. Totoo nga ang sinabi ni Alice. Bago mamaalam si Mia sa amin ay humiling siya kay Ate Mandy na kung sana raw ay sa araw ng birthday niya ay iparamdam niya sa amin na huwag dapat kaming maging malungkot. Ang kanyang ideya? Gawing panangkap ng fireworks ang ibang bahagi ng kanyang abo. Kahit na mamamatay na siya, kami pa rin talaga ang ini-isip niya. Pambihirang babae talaga si Mia.

“Sinulat mo rin sa libro mo na noong una ay hindi ka pa tanggap ni Miss Megan Martinez na maging boyfriend ng kanyang anak. Bakit kaya sa tingin mo?”

“Ayaw niyang may closure si Mia sa mga tao siguro,” sagot ko.

“Pero okay na kayo ngayon?” pahabol niyang tanong.

“Oo naman. Si Miss Meg, mabait na babae. Isa siyang mabuting tao, at doon siguro namana ni Mia ang kanyang pagiging mahinhin.” Ngumiti si Alice sa sinabi ko. “Mabait nga siyang tao. Nasa Taiwan pa rin ba siya?”

“Opo.”

Marami pa kaming pinag-usapan ni Alice, pero no’ng ikatlong break ay sinabihan ko na siya na kung puwede ay dalian niya ang ang interview dahil may pupuntahan pa akong importanteng okasyon. Sumang-ayon naman siya sa akin. Kahit off-screen ay ang daldal pa rin niya talaga.

***********

10:30 nang matapos na ang interview. Kahit na maraming gustong magpapirma ng kanilang kopya ng libro ko ay sinabihan ko na lamang sila na mag-oorganize na lang ako ng book signing at ia-announce ko na lang ito sa aking website. Mabuti at um-oo naman sila kasi alam daw nila kung ano ang meron sa araw na ito. Nagpasalamat ako sa kanila’t pumunta na sa parking lot ng Channel 35 para hanapin ang sasakyan ko.

“Hello?”

“Matagal ka pa ba, pogi?”

Si Ed.

“Andiyan na nga at papunta na. One hour and thirty minutes, I swear!”

“Okay.” In-end niya na ang pagtawag niya sa akin. Ako naman, heto’t hinahanap ang susi ng aking sasakyan sa maliit kong bag. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng lahat, masayag-masaya sila ni Kelly sa kanilang relasyon . . . kahit na palagi silang nagbabangayang dalawa.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon