CHAPTER 28

1.4K 12 0
                                    

MIA

“Nakakaawa!”

“You mean, nakakahawa!”

Pinapalibutan nila ako— ng tatlong babaeng grabe kung makatingin sa akin kanina na para bang meron akong matinding kasalanan sa kanila o kanino man sa lugar na ito. Wala si Flyder sa tabi ko’t ako lang dito mag-isa sa swing na gulong na nakatali sa punong mangga sa labas ng bahay nila.

“Uhm,” hindi ko sila tinignan pa. Nakayuko lang ako at naghihintay na kahit ilang minuto lang ay pupunta rito si Flyder para mawala na silang tatlo sa harapan ko.

“Nakakahawa nga. Bakit kung sino pa ang marumi, siya pa ang ginusto ni Flyder? Ni Flynn na dati pa lang ay marami nang nahuhumaling?”

Ako nga ang pinaparinggan nilang tatlo. Tumayo ako sa kinauupuan ko’t nagsimulang maglakad, pero nasa pangatlong hakbang pa lang ako nang itulak na ako ng isang babaeng naka-kulay white na sleeveless at may mga kolorete pa sa mukha na makikita kapag nasisikatan ng araw.

Dahil doon, napaupo ako sa lupa. Tinignan ko ang kamay ko at may kaunting sugat ito. Kahit na naiinis na ay hindi pa rin ako kumibo. Nakatingin lang talaga ako sa mga paa nilang tatlo at walang sinasabi na kung ano. Ano ba ang panlaban ko sa kanila? Sila may alas na sa akin, ako nama’y wala.

Inilapit ng isang babae, yung nakadilaw, ang kanyang mukha sa akin at bumulong ng mahina sa tenga ko. “Layuan mo na si Flyder kung ayaw mong malaman ng lahat ng mga tao sa Pilipinas ang sikreto mo.”

Doon. Doon ko naisip ang lahat-lahat. Ano nga ba ang mas matimbang? Ang sarili kong kaligayahan o kaligayahan at kaginhawaan ni Flyder?

Tumango-tango ako bilang sagot ko sa mga babaeng ito.

 “Oo. Payag na ako sa gusto ninyong mangyari.”

*****************

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay ay pumunta agad ako sa kwarto ko para umiyak. Kung ano ang ikinaganda ng unang dalawang araw ko roon sa Aklan kay gan’on naman ang ikinalungkot ko sa pangatlo. Ayoko siyang mawala, pero ayokong masira ang pangalan niya at pangalan ng mga magulang ko kapag nalaman ng mga tao ang sakit ko. Mas mabuti pa nga sigurong isusuko ko na lang ang kaligayahan ko alang-alang sa kanila, tutal eh gan’on din naman ako dati pa eh.

Narinig kong nag-ring ang phone ko, at kinuha ko ito sa mesa na katabi ng kama ko. Si Flyder, nagtext.

From Flyder: Punta ka bukas sa The Fort ng 4PM, pwede?

Hindi ko siya nireplyan. Pinatay ko na lang ang cell phone ko at nagsimulang ipikit ang mga mata ko para matulog.

Bahala na bukas, sabi ko sa sarili ko.

*************

5 missed calls. Lima. At baka maya-maya ay magva-vibrate na naman ang cell phone ko dahil sa kakulitan niya.

“Hay,” umirap ako. Wala naming nakakita, e. “Pupunta na nga lang ako.”

Bago pa ako umalis—o kami ni Kuya Bok—ay tinext ko muna si Kelly na kung pwede ay samahan niya ako sa The Fort kung saan magpe-perform ang Walrus.

“Ayoko.” Gan’on lang talaga ang reply niya. Nag-away ba sila ng boyfriend niya at bakit parang hindi na sila nag-uusap ngayon? O baka malala pa doon? Huwag naman sana.

Nang makapunta na ako sa Fort, sa kanilang tutugtugan, ay nakita agad ako ni Flyder kahit na maraming mga tao ang nakapaligid sa paligid ko. Inunahan pa ako ng mga babaeng grabe ang tili nang makita nila si Flyder. Si Flyder naman eh nakisakay na lang sa gusto nilang magpakuha ng litrato at magpapirma kahit na alam kong naiirita siya kapag may mga bagay na ganito. Naalala ko lang kasi ang sabi niyang The Anonymous Bastard daw ang codename niya sa kanilang tatlo. Weird.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon