CHAPTER 2

4.1K 37 5
                                    

FLYDER

Sana lahat ng babae katulad niya. Katulad niyang walang alam sa nangyayari; katulad niyang hindi alam kung sino ako.

Gusto ko nga normal at payak na buhay, pero sa panahon ngayon, malabo nang mangyari ‘yon. Pagkatapos kong mag-aral dito, pupunta pa ako ng studio para magrehearse sa upcoming album namin. Our first. Gusto ko mang umayaw dahil medyo hindi na kaya ng katawan ko, pinipilit ko pa din alang-alang sa passion ko, at ‘yon ay ang pagkanta.

Natapos na ang klase at nakita ko na sa parking lot ang napakagandang anak ng manager ko, si Natalie. “Hi!” Sabi niya nang nakangiti. Dahil sa buhok niyang nakapuso, nakikita ko ang buong mukha niyang sobrang kinis at wala ni ano mang galos. Alagang-alaga siya ni Miss Bethany talaga.

“Halika na!” Wika ko habangg pinulupot ang kamay ko sa tagiliran niya, naghihintay ng halik galing sa kanya.

Bingo at nakakuha nga ako. . . sa cheeks nga lang.

Dalawang linggo pa lang simula ng maging kami ni Natalie. Ang kanyang kasimplehan at pagiging likas na mabait ang nag-udyok sa akin para ligawan siya. Hindi din naging madali ang lahat. Simula sa pagbibigay sa kanya ng paborito niyang chocolate cake galing sa Coffee Break araw-araw hanggang sa paggagawa ng mga assignment niya, lahat ‘yon ay ginawa ko. Mabuti naman at nasuklian din ang lahat-lahat ng ‘yon ng matamis niyang oo.

“Let’s go?” Anyaya niya sa akin. Hanggang ngayon ay nakangiti pa din. That smile!

“Let’s go!” At binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan ko para makaupo na siya.

Kani-kanina lang, habang nakatingin ako kasama ng babaeng baguhan sa eskwelahan namin, nakita ko si Nat na naglalakad. Hindi ko maiwasang mapangiti at sumambit na gusto ko siyang halikan. Mabuti naman at hindi big deal sa katabi ko ang sinabi ko. Hindi pa kasi alam ng ibang mga tao na may girlfriend ako ngayon.

Member pala ako ng bagong banda…BANDA…na Walrus. Tatlo kami ang nandoon: Si Kirst na medyo nakakatanda na sa amin ng ilang taon, si Ed na habulin ng mga babae, at ako. Ako ang bokalista kaya mas marami akong mga tagahanga. Hindi naman sa pagmamalaki, pero ‘yon ang totoo.

Hindi ko din gustong sumikat talaga. Tulad nga ng sinabi ko, gusto kong maging unknown at mabuhay ng payak. Pero aanhin ko ba naman ‘yon kung ang pangarap ko ay kumanta talaga, kaya sa ano pa’t kasabay ng pangarap ko na kumanta ay maging ganito. Ang mabuhay sa maraming mga taong tumatabi sa akin para magpakuha ng litrato.

Dahil din sa pagiging anonymity seeker ko kaya’t tinatawag ako nina Ed at Kirst na The Anonymous Bastard. . . which I find appealing naman. May kanya-kanya din silang tawag sa kanilang mga sarili. Si Kirst ay piniling maging The Nocturnal Prince dahil sa may sakit siyang insomnia. Si Ed naman, piniling matawag na The Ladies’ Man. Hayaan niyo na siya, ginusto niyang matawag na habulin ng babae eh. Pagbigyan na natin. Hehe!

Nang makarating na kami sa studio ay binigyan ako ng high-five ni Ed. “Hey, bro!” Sabi niya. Si Kirst, ayun at kinakausap sa phone ang girlfriend niyang hindi namin alam kung ano ang trip. Minsan masayang kasama, minsan naman nagiging wet blanket.

Inend niya na ang call at nag-umpisang sumimangot. “O,ano’ng nanyari, bro?” Lumapit kami sa kanya’t hinawakan ang likod niya.

“Break na kami ni Camilla.” Sagot niya, at nagsimulang ngumiti pero halatang malungkot talaga siya.

“Psh! Bro, kung ako sa’yo, huwag mo na lang muna damdamin ‘yan. Inom tayo mamaya?” Pag-aaya pa niya. Tumawa na lang ng mahina si Kirst at nagsabi ng, “Tss!” Pero sa huli, nag-nod naman siya. Tinap na lang ni Ed ang likod niya’t pumunta na kami sa loob ng recording room.

*********

Isang linggo na rin simula ng pagbukas ng klase. Ganun pa din naman ang rotasyon ng araw ko. Ang kakaiba lang, ang babaeng newbie ay nagiging malapit na talaga sa akin. Alam ko na din pala ang pangalan niya.

Mia.

Sobrang ikli, pero sobrang memorable. At sakto sa pagmumukha niya ang pangalan niya. Ang kanyang pagiging mahiyain talaga’t pagiging wallflower ang nagugustuhan ko.

Naiiba talaga siya.

“O, saan ka magla-lunch, Mia?” Tanong ko sa kanya. Tinaas niya na lamang ang kanyang dalawang balikat at kinagat ang bibig niya. “Hindi ko alam eh. Kahit saan?” Sagot niya sa akin. Hinila ko na lang siya at nagsimulang pumunta sa parking lot para mas mabilis kaming makarating sa malapit na mall. Ite-treat ko siya dahil siya lang ang natural na tao kung kumausap sa akin sa campus. . . at sana huwag niya namang bigyan ng anumang malisya ang gagawin ko. Sa kahulihan, may girlfriend pa din naman ako at mahal na mahal ko ‘yon.

“Bakit sila nakatingin sa atin? Sa akin? At lalong-lalo na sa’yo?” Pagtatanong niya. Ngumiti na lang ako’t nagkibit-balikat gaya ng palagi niyang ginagawa.

Wala talaga siyang alam sa mga nangyayari.

Isang lasagna at iced tea ang inorder niya dito sa fine resto na kinakainan namin. Ako naman? Eto’t mashed potato at roasted turkey ang trip. Gutom, e. Hehe! Nagtanong siya sa akin kung bakit daw ako palaging tinitignan ng tao, pero eto ako’t nagkibit-balikat ulit sa kanya.

Nga pala, hinding-hindi niya nga siguro ako makikilala dahil kahit na pangalan ko, I mean ang screen name ko, hindi ko sinasabi sa kanya. Salamat naman at walang tumatawag sa akin ng Flyder sa school. . . for now.

Flynn Alexander Perez ang buong pangalan ko, at Flynn ang tawag ni Mia sa akin. Teka, wala bang radyo sa bahay nila? Joke lang. Hehe! Pero kahit na naïve ‘to, trip ko pa ding kaibiganin ‘to.

Pagkabalik namin sa school ay nakita ko si Natalie na nakatingin sa amin. Eek! Hindi ko pa pala nasabi sa kanya si Mia. Lagot ako nito.

I texted her after naming pumasok ng Chemistry Lab. Lahat ng classes, kasama ko si Mia kaya malabong hindi ko siya makikita araw-araw.

To Natalie: Babe, kaibigan ko lang ‘yong kanina na kasama ko. Don’t worry, IKAW lang talaga ang andito sa loob ng puso ko.

Cheesy, I know. Ha! Pero ganun din naman dapat pag in-love, hindi ba? Nagiging cheesy tayo?

Tinignan ko si Mia at nahuli ko siyang minamasdan ang mukha ko. Binigyan ko siya ng, “What?” na look pero nagsmile na lang siya’t sinuot ang lab gown niya.

“Okay, class! Now do Lab number 1…” Shit! Hindi pa pala ako nakasuot ng gown ko.

“Wait, ma’am!”Sabi ko sa teacher namin at nagsimula na akong humalukay ng bag ko.

“Hey! I know who you are!” Sagot ng teacher. And then there it is, lahat na sila nakatingin sa akin. Ang ibang mga babae nagsma-smile pa sa akin. Si Mia? Ayun at nakadikit ang dalawang kilay niya. Guess this’s going to be a long day, eh! Tss!

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon