CHAPTER 12

2.2K 16 0
                                    

MIA

Hindi ako mapakali nang malaman kong October 4 na pala ngayon. Isang buwan na kaming magkasintahan ni Flyder. Kahit na oo, hindi alam ng lahat maliban sa mga kabanda niya at kena Faith at Kelly, pero patunay pa din na sa isang buwan, hindi nawala ang closure namin kung gaano namin kagusto ang isa’t-isa.

Tulad ng dati, pumunta ako sa aming tagpuan. Sa isang malaking puno na kulay dalandan ang mga bulaklak matatanaw ang sikat ng araw galing sa itaas. Nakaksilaw at ang ganda sa mga mata.

Sa hindi kalayuan, sa berdeng damuhan, doon ko nakitang naglalakad si Flyder sa akin. Mas nakakasilaw ang ngiting binibigay niya sa akin. Ang gwapo niya talaga’t ang bango kung titignan.

“Ang ganda mo sa suot mo ngayon,a.” Panimula niyang sabi. Ngumiti ako’t sumagot na ang gwapo din niya ngayon.

Tinignan niya ang mga dala kong pagkain. May binake ako…o kami ni Aling Natalia…na chocolate cookies at isang pitsel ng lemonade na dinagdagan ng cucumber. “Ayos ba?” Natatawa kong tanong sa kanya.

“Ayos na ayos.” Walang kaano-ano man, hinawakan niya ang pisngi ko’t hinatak ako papalapit sa kanya. Para siyang si James Dean ng Pilipinas sa angas na  dala niya dahil sa sinusuot niyang leather na jacket.

Plano niyang halikan ako sa labi, pero inunahan ko na siya sa intensyon niya. “Huwag! Kumain muna tayo, Flyder.” Sabi ko sa kanya na siya namang kinasama ng mukha niya. Para siyang may nakain na mapait.

“Alam mo, Flyder, hindi ko inasahang ang katulad mo ay iibig sa katulad kong walang masyadong imik na tao.” Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Ngumiti siya sa akin at kinapa ang ulo ko.

“Ano ka ba? ‘Yon nga ang nagustuhan ko sa’yo, e. Wala akong nakilalang babae na katulad mo. You’re one in a million.” Kumindat siya tapos sa akin.

Hindi ko alam na ang isang Flyder na kilala sa eskwelahan namin ay cheesy din pala minsan.

“Ikaw? Ano ba ang nagustuhan mo sa akin, maliban sa ang hot, hot ko?” Natatawa niyang tanong sa akin. Ang mga malalaki niyang mata ay hindi ko na makita.

Napaisip ako. Ano nga ba? Siguro dahil may kakaibang angas siyang taglay na hindi ko nakita sa ibang mga lalaki? Gan’on nga ba?

“Siguro dahil sa taglay mong dating na mala-Batman. ‘Yong misteryo mo ba.” Sa seryoso kong sagot sa kanya, naisipan niya pang tumawa kaya hinampas ko siya sa kanyang balikat.

Dahil sa wala nang dating ang aming usapan, naisipan kong humiga sa lap niya. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, ‘yon nung hindi nag-flash ang camera niya. “Ih! Idelete mo ‘yan.” Sabi ko sa kanya. Nakaupo na ako ngayon at kinukuha ang camera niya sa mga kamay niya.

“’Yoko.” Sabi niya sa akin. “Eto na lang para hindi ka magalit, o. Kunin mo ang nasa loob ng bag ko.”

Matapos kong buksan ang bag niya, nagulat ako nang makita kong may isang stuffed toy na chibi na kamukhang-kamukha niya. May hawak pang gitara na kulay pula.

“Hala! Ang cute. Para kanino ‘to?” Tanong ko sa kanya na siya namang kinasama ng tingin niya sa akin. “Seryoso, tinatanong pa ba ‘yan, Mia?”

Do’n ko nalamang para sa akin pala ito. Namula ang mga pisngi ko dahil sa regalo niya.

“Ang cute naman at may stuffed toy na ako na kuhang-kuha ang boyfriend ko.” Nakangiti kong sabi sa kanya habang yakap-yakap ang regalo niya.

“Huh? Hindi ako ‘yan, a.”

Kumunot ang noo ko bigla. “Eh, sino siya?”

“Anak natin. Call him Gus, like the guy you’re obsessing about.” Tapos kumindat naman siya sa akin.

***********

KELLY

Kelly, pwede ko bang ligawan ang kaibigan mo?

Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ko nang marinig ko ‘yon. Medyo gumuho ang mundo ko; medyo naiinis ako sa kanya; medyo naiihi ako; medyo naje-jebs ako.

Huh? Sige, sige. Sino ba ‘yang kaibigan ko na gusto mong ligawan?

Sa kabila ng lahat-lahat, nagkunwari pa din akong walang alam. Na walang nararamdaman sa mga sinabi niya sa akin. Tae! Akala ko the feeling is mutual? Feeler lang nga siguro ako talaga.

Si Faith.Pwede mo ba akong tulungan para maging kami na as soon as possible?

Kumindat pa siya sa akin.

Okay, Ed. Tutulungan kita.

Kumindat din ako pabalik sa kanya kahit na gusto ko nang umiyak. Naiinis na talaga ako. Kahit na oo, nilibre niya ako ng dalawang slices ng pizza na tag-P50 sa stall dito sa gilid ng supermarket. Niyakap niya ako bigla.

Maraming salamat, Kelly. Hulog ng langit ka talaga sa akin.

Hulog ng langit nga ako sa kanya pero parang sinuka naman siya ng empyerno sa akin sa oras na ‘to. Aba, aba! Kahit fretti, nasasaktan din, ano?

Lumayas na ako ng mall matapos kong magsabi na magsi-CR lang ako sandali sa kanya. Lecheng araw na ito.

Dahil sa pagkamuhi, napag-isipan kong maglakad papuntang mall hanggang sa bahay dahil malapit din naman ito sa amin e. Mga 1.024345 kilometers lang.

Lutang na lutang na naman ako. Hays, bakit ba kasi si Faith instead of this fretti existence?

Biglang tumugtog ang Waka-waka ni Shakira at dahil dun ay napasayaw ako kahit na hindi ko naman gusto ang sumayaw.

Tsamina mina e e
Waka Waka eh eh
Tsamina mina zangalewa
Anawa a a
Tsamina mina eh eh…

“Ay,shit!” Bigla akong nahulog sa kanal sa gilid ng daanan. Mukha ko pa ang unang tumama kaya ang pangit-pangit ko nang tignan. Mukha na akong taong-burak; mukha na akong si Nardong Tae!

Umiyak-iyak lang ako sa at nanalangin sa poong Maykapal na kung pwede ay bigyan niya ako ng teleporting na superpower para anytime nasa bahay na ako, pero hindi eh.

Mga 10:566534 minutes na akong nakahandusay dito sa mabahong kanal pero wala pa ding nangyayari. “I want my mom!!!” Pagsisigaw ko.

Biglang may dumating na lalaki out of nowhere. Ang amo-amo ng mukha niya. Mukha siyang disente sa suot niyang plaid na polo. “Miss, can I help you?” Tanong niya sa akin.

Bigla akong tumayo at initaas ang dalawang kamay ko’t tumalikod sa kanya para makaalis na ako sa maamoy na lugar na ito. Hindi tumagal at nasilayan ko na din ang magandang mundo ng Makati.

“Maraming, maraming, maraming salamat sa’yo.” Sabi ko sa kanya.

“You’re welcome,” sagot niya sa akin. “Hatid na kita?”

“Uhm, hindi ba nakakahiya? Knowing na ang baho-baho ko’t mukha akong taong tibi?” Tumawa siya sa akin at sumagot ng hindi. Ay, ang gentlemanly niya.

“Sige, sakay na sa likod ko.” Sabi niya sabay abot ng helmet sa akin. Oo, sa kabila ng pagiging maamo niyang tignan, hindi ko din maiwasang makita ang maangas niyang side.

Dahil sa wala akong choice e sumakay naman ako sa likuran niya. First time ko itong gagawin kaya ninenerbyos ako.

“Let’s go?”

“Yeah!” Sagot ko naman.

At simula n’on, sigurado na akong wala na akong boses bukas.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon