CHAPTER 14

2.1K 22 0
                                    

MIA

Kanina pa ako dito na nakaupo sa McDonald's. Sabi daw kasi niya, pupunta siya dito para makapag-lunch kami. Seven to one na at hindi pa din siya dumadating.

Hindi na rin akong nag-abala pa na magtext sa kanya. Alam ko naman na alam niya na andito na ako. At baka busy din kasi siya dahil malapit na ang una nilang album. Ang saya lang dahil unti-unti na silang nakikilala ng mga tao.

Dahil sa pagyayamot, naisipan kong libangin ang sarili ko sa pagti-Twitter. Kahit na malimit ko lang itong binubuksan at hindi ako pala-post ay libangan ko pa rin naman ang pagbabasa ng mga nakakatawang quotes ng isang account na fina-follow ko dito. Pero laking gulat ko nang may makita akong tweet na galing sa mga taong hindi ko gaanong kilala maliban sa mga mukha.

@redvelvetlover Ate, pahingi po ng fansign sa kaibigan mong si Flyder. Tnx.

Ang swerte naman ni @redvelvetlover at close sila ni @danonymousbastard. Sana ako rin.

Mahinhin na malandi siguro itong si @redvelvetlover at palagi ko siyang nakikita kasama si @danonymousbastard.

Napatigil ago sandali sa pagbabasa sa mga mentions ko. Ang sakit ng huling tweet, ha? Baka gan'on nga ang tingin nila sa akin. Mabuti na lang at hindi pa alam ng karamihan na may relasyon talaga kaming dalawa dahil kung oo, malamang mas lalong magagalit ang mga tao sa akin.

Hindi ko namalayan na malapit na pala akong umiyak. Hindi pa nakatulong na nakita ko sa di kalayuan si Flyder na papalapit sa kinauupuan ko.

"O,bakit ang lungkot ng mukha mo?" Tanong niya sa akin. Nakita kong dala-dala niya ang box ng paborito kong cupcakes pero hindi pa din mawawala ang galit ko sa nabasa ko. Pinilit ko na lang ang sarili ko na ngumiti at iniba ang usapan.

"Ah. Ikaw kasi, e! Pinaghintay mo ako dito ng kaytagal-tagal. Ano 'yan? Red velvets?" Tanong ko sabay turo sa box na nakapatong sa mesa namin.

"Uhm, nagtanong ka pa!" Sagot niya naman sa akin bago siya bumitaw ng napakalakas na tawa. Ang mga mata niyang mabibilog ay biglang naglaho sandali; nakakatuwang tignan lang.

Nagpasalamat na lang ako't tinanong ko siya kung bakit siya natagalan sa pagpunta dito, at ang sagot niya lang sa akin ay may ginawa raw siya sandali. Hindi ko na lang pa pinalawak ang usapan dahil alam ko namang importante iyon lalong-lalo na na hectic ang schedule niya. Mabuti nga at pinaunlakan niya pa ako sa gusto kong kumain dito.
Napansin ko rin na medyo namamaga ang mga mata niya. Sa puyat kaya?

Hindi kami gaanong tumagal sa McDonald's dahil may aasikasuhin pa daw si Flyder. Hinatid niya ako pauwi at nagloko pa tungkol sa binigay niyang stuffed toy sa akin na "anak" daw namin. Ang sabi niya, baka raw sumama ang loob ni Gus kasi hindi ko siya sinama. Sabi pa niya, hindi daw niya nakita ang Daddy niyang cute. Winagwag ko lang ang ulo ko sa bigla-biglaan niyang pagiging topakin.

**********

FLYDER

Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon, sobra. Kagabi pa ako tuliro ng kakaisip sa mga nangyayari. Kasalanan ko naman kasi ito lahat ,e.

"May narinig akong mga bali-balita. Flyder, tapatin mo nga ako—may relasyon ba kayo ni Mia?!"

Hindi ako makasagot sa tanong sa akin ni Natalie. Namanhid ang buong katawan ko't muntik ko nang mabitawan ang bitbit kong bag.

"Bakit hindi ka makasagot,ha?!" Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napansin ko na lang na nababasa na ang magkagilid kong mga mata dahil sa luha.

"Natalie,sorry. Mahal ko si Mia..."

Hindi ko na maiwasang mapaluha. Ang duwag ko! Kung inayos ko na lang sana ito dati pa, eh 'di sana'y hindi magkakaganito ang nangyayari.

Sa kabila ng paglabo ng aking paningin dahil sa mga luha na bumubuo dito, nakikita kong umiiyak din si Natalie. Alam kong masakit sa parte niya na niloko ko siya. Ang isa pang ikinababahala ko ay paano kapag nalaman din ni Mia ang lahat-lahat? Paano na kami?

"Flyder, alam kong hindi akong naging mabuting girlfriend para sa'yo, pero bakit? Dahil ba na mas mabait siya kesa sa akin? Dahil ba na palagi siyang nand'yan sa tabi mo habang tayo'y patago kung magkita? Ang sakit!"

Humagulgol na siya. Nagtangka akong puntahan siya para yakapin at humingi ng tawad pero tinaboy niya ako. "Huwag kang lumapit sa akin," sabi niya.

"Natalie, sorry. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan. Ang gago ko, oo, alam ko! Pero kasalanan bang magmahal? Hindi ikaw ang problema; ako ang may sala."

Tumalikod siya't yumuko. "Itigil na lang natin itong relasyon natin. Alam kong mahal niyo ang isa't-isa at kaya ng babaeng 'yon tapatan ang meron tayo dati. Pasensya na kung nagiging ganito ako. Meron din naman akong kasalanan. Kalimutan na lang natin itong meron tayo, pwede? Masaya ka na naman,e." Yun ang huli niyang sinabi bago siya umalis. Hindi ako umimik sa mga sinabi niya. Wala akong karapatan para magsalita pa, sa totoo lang. Kahihiyan lang ang mayroon ako sa oras na ito.

Habang papauwi kasa-kasama si San Miguel sa kaliwang kamay ko't ang manibela sa kanan, narinig kong umungol ang cell phone ko. Hininto ko ang pagda-drive at kinuha ito sa bulsa ko.

"Oh, Kirst, ba't ka napatawag?"

"Si Natalie..."

Biglang nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang pangalan niya. Alam kong hindi maganda ang ihahatid ni Kirst sa akin na balita.

"Ano ang nangyari kay Natalie?!"

"Nabangga ang sasakyang minamaneho niya sa isang puno."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kirst.

"Nasaan siya ngayon?!?" Dali-dali kong sinabi.

"Andito kami sa St. Luke's. Hintayin ka namin dito ni Ed sa labas..."

Hindi ko na pinatapos pa ang sinabi ni Kirst at binilisan ko na ang pagtakbo ng sasakyan ko.

***********

Hindi na ako nakatulog pa dahil sa nangyari. Andito ako sa labas ng ospital kasa-kasama sina Kirst at Ed na nakaupo. Si Ed, kanina pa nagyoyosi't nag-aaway na naman sila ni Kirst dahil sa usok na binubuga niya na napupunta sa amin. Ako nama'y eto, maraming iniisip. Nakakasakit sa ulo ang mga pangyayari.

Si Natalie. Si Mia. Ang katarantaduhan ko. Marami na akong nagawa at ito na siguro ang simula ng karma ko.

"Anong oras na, Ed?" Dahil nakatuon ang atensyon niya sa mga babaeng naka-shorts, siniko ko pa siya para matauhan siya't matanong ko ulit.

"Ah! Hindi ko alam," sagot niya sa akin at tumingin ulit sa mga babaeng nakatalikod.

"Twelve na." Biglang sabi ni Kirst sa akin.

Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko't nagpaalam na sa kanilang dalawa. Si Mia, baka kanina pa naghihintay sa akin sa McDonald's.

"Teka! Naiwan mo ang cupcake-shits mo sa sasakyan ni Kirst. Kunin ko, wait lang." Sambit ni Ed bago siya tumakbo't kinuha na nga ang pinabili ko sa kanya kanina.

**********

Pagpunta ko sa McDo, nakita kong parang maluha-luha siya. Alam na din kaya niya ang nangyari?

Pinilit kong ngumiti't kamustahin siya. Tinanong ko din siya kung bakit parang hindi maitimpla ang mukha niya, naghihintay ng sagot na iba sa iniisip ko.

"Ah. Ikaw kasi, e! Pinaghintay mo ako dito ng kaytagal-tagal. Ano 'yan? Red velvets?"

Phew! Bigla akong nabuhayan sa sinagot niya. Pero alam kong sa lalong madaling panahon, malalaman din niya ang lahat-lahat. Ang ikinababahala ko ay baka hindi niya kakayanin ito't mas grabe pa ang kanyang gagawin kay Natalie. Ako ang unang boyfriend niya, at malapit na lang, ako din ang magiging ugat ng una niyang heartbreak. Hindi ko kakayanin na masaktan si Mia, ang babaeng mahal na mahal ko. Pero ako din naman ang utak ng lahat ng ito. Kailangan kong tanggapin na magagalit at magagalit talaga siya.

Manloloko, iyan ako ngayon. Dahil sa isang pagkakamali. Pagkakamaling umibig sa isang tao kung kailan meron akong relasyon sa isa pa. Isa nga akong bastardo, kung iisipin.


His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon