CHAPTER 1

10K 74 17
                                    

MIA

Nakapuso pa rin ang buhok ko habang nakaharap sa salamin ng aking kwarto. Pinilit kong ngumiti at i-ayos ang kulay rosas kong palda para makapag-almusal na. Unang araw ng klase, at ayokong ma-late.

“Nakahanda na po ang pagkain niyo, Miss Mia!” Sigaw ni Natalia, kasambahay namin. Tinuturing ko na siya bilang pangalawang nanay dahil siya lang naman ang kasa-kasama ko dito palagi. Si Mama’t Papa? Busy sa kanilang mga trabaho. Meron kasi kaming fashion boutique sa Taiwan kaya kadalasan lang sila umuuwi dito. Si Ate Mandy naman, ang tinuturing kong best friend, ay busy din sa kanyang pinapasukang unibersidad.

“Opo, papunta na ako diyan.” Sagot ko sabay ngiti ng papilit. Likas na sa akin ang maging ganito. Ang maging mahiyain at hindi pala-salita. Siguro dahil ito sa kinalakihan kong wala medyong kausap at gayun na din sa pangungutya ng mga kaklase ko sa akin dahil sa hindi ako katangkaran at pagiging palabasa ng mga librong nakikita nilang isang malaking sagabal.

Pagkatapos kong kumain ay hinatid na ako ni Kuya Bok, driver namin, sa bago kong paaralan. Napagalak ako ng nakita ko kung gaano kaganda ng mga tanawin. Pambihira, ang kulay dalandan na mga dahon sa matataas na puno ay parang sumasayaw sa hangin habang nahuhulog; ang mga upuang metal na punong-puno ng mga matitingkad na mga kulay ay nakakapamighani ng looban; at isa pa, ang mga estudyante dito ay pawang makikinis at walang halong galos sa katawan. Perpekto ang eskwelahang ito, ‘yan ang sa tingin ko.

Bumaba na ako ng sasakyan namin at pumunta sa inassign na room para sa akin. “Room 29, Asuncion building.” Pagbabasa ko sa papel na nakasulat sa form ko. Habang naglalakad, may nakabangga akong lalaki sa at nahulog ang libro kong sinulat ng paborito kong manunulat, si John Green. “Ay miss, pasensya!” Gulat na sabi ng lalaki habang kinukuha ang libro kong nakahandusay sa sementong daanan. Medyo nalungkot ako kasi parang nalukot ang huling pahina ng libro, halata sa hitsura nito.

 “Ah, okay lang!” Sagot ko sa lalaki at tumingin sa kanya. Lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko ang mukha niya, pero hindi ko alam kung bakit. Dahil ba ito sa mga mata niyang naiiba? Sa buhok niyang naiiba? O sa dating niyang angas na… naiiba?

“Miss?” Napaghalataan niya siguro na kanina pa ako nakatulala sa kanya kaya sinita niya ako. Bumalik sa realidad ang isip ko’t umalis na lang para hanapin ulit ang kwarto ng una kong subject.

Sa paglalakad, iniisip ko pa din ang histura niya. Ano ba ‘tong nararamdaman ko at bakit ako nagkakaganito?

**********

Nagulat ang lahat ng nalaman nilang anak ako ni Meg Martinez. Alam na alam nila kung sino si Mama, na siya ang dating nanalo sa Miss Universe. Ngayon, sikat pa din siya, pero pinili niyang hindi maugnay sa mga nakakasilaw na mga camera at sa maingay na industriya ng pagiging bituin.

Babalik na sana ako sa upuan ko ng biglang may sumita sa akin.

Ang lalaking nakabangga ko kanina.

Binigyan ko siya ng kwestyon na pagmumukha, at pinalitan niya naman ito ng ngiting parang aso. Inialis ko na lang ang mga mata ko sa kanya at tuluyan nang ini-ugnay ang katawan ko sa khaking silya na nakalaan para sa akin.

Habang nagtuturo ang guro, sinisitsitan ako ng lalaking medyo mahaba ang buhok na parang Arabo ang mga mata. Hindi ko siya kilala kaya hindi ko alam kung paano siya ilalarawan ng maayos o sabihin man lang ang una niyang pangalan.

“Ha?” Mahina kong sabi sa kanya, umaasang hindi mapansin ng guro naming patuloy na nagsusulat sa pisara.

“Naiwan mo,” sagot niya habang inaabot ang ginawa kong bookmark para sa libro ko. Bigla akong napangiti. Ngiting seryoso at walang bahid ng pagpipilit. “Salamat.” Sagot ko sa kanya bago ako tumalikod at nakinig ulit sa guro namin.

**********

“Kumusta ang klase natin?” Pagtatanong ni Aling Natalia sa akin. Sinagot ko naman siya ng totoo, na naging mabuti naman ang unang araw ko sa klase namin. Sinabihan ko din siya ng detalye kung paano bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita ko ang lalaking mukhang Arabo. Ngumiti na lang siya’t sinagutan ako ng, “Baka nagkaka-crush ka na!” Namula naman ako. Ito pala ang feeling ng magka-crush? Hindi ko kasi naranasan ito simula pa noon. Nakakatawa lang kasi ang ibang mga kasabayan ko may mga nobyo na, samantalang ako, wala.

Third year high school pa lang ako ngayon. Lumipat ako ng paaralang pinapasukan dahil marami nang nangungutya sa akin gaya nga ng sabi ko. Sana this year hindi na ulit mangyari ang nangyari noon. Sana.

Pagkatapos kong maghapunan ay pumunta na ako sa taas para maligo. Gusto ko ring mawala ang pawis na humahalik sa katawan ko. Isang sterilized na tubig at body soap lang at okay na ako.

Habang naliligo ay tumawag ang kaibigan ko, isa ko pang kaibigan na maasahan, na si Kelly. “O, hi!” Pambunggad kong sabi habang nilalagay ang phone ko sa kaliwa kong tenga. “Friend! Sabi raw ng friend ng classmate ng friend ko, classmate mo daw si Flyder, ang gitarista ng bandang Walrus!” Dinig na dinig ko ang tili niya sa kabilang linya na nakakabingi. Sino si Flyder? At ano ang Walrus? Pasensya pero hindi ako gaanong mahilig sa mga sikat na mga tao.

“Totoo, friend? Eh di mabuti ‘yun. Pero sorry kasi hindi ko pa gaanong kabisado ang mga classmate ko. Baka bukas makikilala ko na din siya.” Sagot ko sa kanya. Napahinga na lang siya’t naging malamig sa akin. Eto talagang si Kelly at masyadong moody. “Pero friend, sana kung makita mo siya, bigyan mo ako ng autograph niya ah?” Pagsusumamo niya ulit. Ngumiti na lang ako at nagsabing pipilitin ko.

Hay! Nagagayak na akong makita siya ulit. Ang lalaking, uhm, maangas ang dating?

**********

May pinagkakaguluhan sa hallway dito sa amin. Masyadong matao kaya hindi ko makita kung ano o sino ito. Ang nasusulyapan ko lang ay ang mga babae’t mga lalaki na parang babae kung kumilos na naghihiyawan at tumatalon sa saya. Baka may artista? Ewan.

Dumeretso na lamang ako sa classroom ko’t nilagay ang bag ko sa upuan ko at lumabas muna sandali para tignan ang luntiang mga damo sa likuran ng campus. Sa bagay, tatlo pa lang naman kami ang nandito at fifteen minutes pa naman bago mag-umpisa ang klase namin.

Habang nakatunganga sa blangkong espasyo, may sumundot sa akin, sa likuran ko. Ini-ikot ko naman ang ulo ko papunta sa taong ‘yon at bumilis ulit ang pintig ng puso ko.

Siya. Ang lalaking mukhang maangas.

Tumawa siya sa akin at ang malalaki niyang mga mata ay biglang nawala. “Sabi na nga bang matutulala ka na naman sa akin, e.” Sabi niya, ang kamay niya’y nilalagay niya pa sa bibig niya.

Narcissistic.

“Hindi, a! Nagulat lang ako.” Sagot ko naman sa kanya. “O, bakit nakatawa ka pa din?” Tanong ko na may halong pagkwe-kwestyon sa mukha ko.

“Kasi halatang nagsisinungaling ka.” Sagot niya naman. Nag-sigh lang ako at tumalikod ulit. “Alam mo, kung wala kang mapag-tripan, pumunta ka na lang sa upuan mo at magbasa ng libro.”

Hindi pa man ako nakapagtapos ng sasabihin ko pero pumunta na siya sa gilid ko’t iniusog ang upuan na nasa gilid ko para samahan ako sa pagtititig sa luntiang pastura na nakabalot sa likod ng paaralan namin. “Ang ganda, ano?” Sabi niya.

“Oo nga. Ang ganda.” Sagot ko naman, nakangiti.

“Sa sobrang ganda, ang sarap niyang halikan.” Nagsalubong ang dalawang kilay ko at tumingin sa kanya.

“Ha?” Hindi ko siya maintindihan.

“Nah! Nevermind.” Sagot niya na lang sa akin… at umalis na.

Bago pa man siya pumunta sa upuan niya, narinig kong may sinabi siya ng mahina.

“Sana lahat ng babae kagaya mo.”

Ngayon nahihiwagaan na ako. Epekto ata ito ng pagkakahumaling ko sa kanya kaya ganito ang mga iniisip ko.  

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon