CHAPTER 31

1.3K 9 1
                                    

KELLY

February 14. Araw ng mga puso. Ako? Heto at nakanganga lang sa classroom namin habang ang mga kaklase ko ay naglalampungan sa harap ko. May mga nagsusubuan ng Nova, nagpapa-cute sa isa’t-isa, si Yosef ay pinipisil-pisil pa ang mga dede ni Caren. Hindi ba aware si Sir Madrid na baka mamaga ang mga ano niya at parang tuwang-tuwa pa siya sa nakikita niya? Mga lalaki nga naman.

Bilang ako lang nga siguro ang walang kaharutan dito sa amin, nawalan na ako ng gana na makinig pa sa lesson ni Sir at nag-excuse na lang ako sa klase niya para gumamit ng banyo . . . dala-dala ang bag ko.

Dumeretso na ako sa gate at nag-abang ng taxi; pupunta na lang ako sa Starbucks para may sweetness naman akong matanggap ngayong araw. Yung Ed kasi, kung sino man siya, hindi man lang nag-text o tumawag sa akin simula pa kaninang umaga. Nag-e-exist pa kaya siya sa mundong ibabaw?

Pagkababa nang pagkababa ko ng taxi, tumawid na agad ako ng kalsada kahit pula pa lang ang signal ng traffic lights. Bumilis ang tibok ng puso ko nang may marinig akong sumita sa akin. Doon na ako sa kabilang kalsada nang makita ko kung sino ito . . . at mas lalo pa akong kinabahan.

May mga dalawang pulis na nakatingin sa akin ng sobrang sama habang sila’y papalapit kung saan ako. Ang kanilang mga mata, parang nag-aapoy na kahit anong oras man ay gusto nila akong lamunin ng buo. Ako nama’y naninigas lang, hindi alam kung ano dapat ang gagawin sa nangyayari. Nininerbyos akong tumakbo at baka makagawa pa ako ng eksena dito sa kalsada. Ayoko ring gumapang kasi hindi ako aso, hindi ba?

“Miss, kailangan mong pumunta sa presinto ngayon,” sabi ng isang pulis. Napanganga ako sa sinabi niyang sobrang nakakabobo.

“Presinto? Sa pagje-jaywalking?”

Sumagot ang mas mataba sa kanilang dalawa. Para siyang goonie na wrestler kung titignan. “Oo. At dahil doon, pwede ka ba naming aanyahang sumama sa amin sa presinto?”

Ano ito, joke?

“Parang hindi tama ito, a. May tama po ba kayo, mga pare?”

“Hindi. Halika na, Miss, at nag-aabang na ang taxi sa atin.”

“Taxi?! Sigurado kayong dalawa?!” tanong ko sa kanilang dalawa at tumango-tango naman sila kaagad sa akin bilang sagot. Nahihiwagaan ako sa nangyayari ngayon. Actually hindi lang ako ang nahihiwagaan kung hindi ay ang ibang mga tao rin dito. May lola pang tumuro sa dalawang ito at nagsabi ng, “Pisting mga yawa!” Totoo naman ang matanda kaya hindi na ako nag-react pa.

***************

“Mga manong, pulis ba talaga kayo?”

Tumingin sa akin ng masama ang isang lalaki na siya namang ikinayuko ko na lang sa dahilang natatakot akong baka saktan niya ako.

“Alam niyong dalawa, ha, wala kayong mapapala sa akin. Bata pa ako, e. Sixteen pa lang ako at jaywalking lang naman ang kasalanan ko. Baka mamaya eh bibigyan niyo pa ako ng death penalty diyan.”

“Aba matindi ang tama ng babaeng ito, a.” Nagtawanan silang dalawa na siya namang ikina-irap ko.

“Pwede bang tumawag sa yaya ko?” tanong ko.

“Pwede naman.” Doon at kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko.

**************

“Hello, Ma’am?” Ang ingay-ingay ng nasa paligid ni Uripona na para bang may malaking okasyon sa bahay ko.

“Teka, bakit parang andaming tao diyan sa bahay, ha?”

Nabingi ako sa pananahimik niya ng ilang saglit bago siya nagsalita uli. “Ay, Ma’am, nanonood po ako ng tv.”

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon