CHAPTER 18

1.7K 19 0
                                    

MIA

Isang kasinungalingan na naman ang dinahilan ko kay Aling Natalia sa pagpunta ko dito sa BGC para sa gaganaping mini-concert ng Walrus. Gusto daw kasi ni Flyder na makita ako habang siya ay nasa stage na kumakanta’t nag-gigitara.

Alas kwatro, andito kami ni Kelly sa damuhan at nakikipag-siksikan kasama ng mga babae’t mga lalaki na nakikipaghigyawan sa tugtog sa taas. Isang punk rock ang kanta, at kahit si Kelly ay todo ang pagyugyog ng kanyang ulo dahil sa magandang musikang ito. Nang tinanong ko si Kelly kung alam ba niya ang kanta, ang sagot niya lang sa akin ay hindi daw. Tinanong ko rin siya kung ano na ba ang meron sa kanila ni Ed at kahit saan, nakikita ko silang magkasama talaga.

“May boyfriend na ako, Mia! Si Ed? Friend ko lang siya.” Tinignan ko ng maigi ang mukha niya. Hindi nga siya nagsisinungaling. Alam ko ang bawat kilos ng kaibigan kong ito kaya halata na hindi nga siya gumagawa ng kwento. Nagulat ako syempre sa kanyang sinabi na may boyfriend na siya. Boyfriend? Pero hindi naman niya ako sinabihan dati na may nanliligaw sa kanya, ah! Pero ano nga ba ako’t isang kaibigan din lang niya. At katulad ko, may pribadong buhay din naman itong si Kelly kaya na-isip kong okay lang kung maglihim din siya.

“Eh ikaw, Mia? Kumusta na ba kayo ni Flyder?” Mabilisan niyang tanong sa akin. Sa kabila ng nagsisipag-lakasang mga tunog, nananaig pa rin talaga ang boses niya kaya rinig na rinig ko ang bawat salitang kanyang binibigkas.

“Okay naman kami.” Mailap kong sagot sa kanya. Ibinaling na lang niya ang atensyon niya sa stage pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko.

Hindi rin nagtagal at kena Flyder na ang sentro ng lahat. Kakarating lang nila sa entablado pero ang sigawan ng mga babae ay ang lakas nang pakinggan. “Siya ang sinasabi kong cute na guy sa Myx.” Rinig kong sabi ng babae sa katabi niya sa harapan namin kaya napangiti na lang ako. Ibang klase talaga ‘tong angas ni Flyder. Ang swerte ko nga sa kanya.

“Ang kantang ito ay nasa album namin na Rugged Romance! Out na siya in two weeks, guys! Suportahan niyo po, please!” Pagsusumamo niya sa mga tao sa harapan nila. Ang mga tao naman ay agad-agad na sumagot ng, “Of course!”

Sa totoong salita, napakinggan ko na ang buong album niya noong isang araw pa. May paborito akong kanta doon, ang “Bago Mahuli ang Lahat”. Kuhang-kuha ng kanta ang gusto kong gawin, eh. Bago mahuli ang lahat, kailangan…

“…at isang patikim po itong kanta naming ngayon hapon sa inyo kung ano ang nasa loob ng album namin. Enjoy!” At yun na nga’t kinindatan niya na naman ang mga tao katulad ng lagi niyang ginagawa bago siya kumakanta sa harap ng madla.

Hindi ka makatulog
Dinig mo ang ulan
Kung pwede lang ulitin
Ba’t 'di mo simulan
Hindi mo ba naisip
Na babalik din siya
Kung pwede lang ulitin
Ba’t 'di mo simulan

Tuwang-tuwa ako nang marinig ko ang unang parte ng kanta. Tugmang-tugma sa ini-isip kong bagay ang kinanta nila ngayong hapon.

Ang hindi mo nasabi
Kalilimutan mo rin
Kung ‘di rin pwedeng ulitin
Wala ring mararating

Woah, woah
Bago mahuli ang lahat
Sa bilang ng tatlo o apat
Sundan mo, sundan mo
Puntahan mo na siya
Bago mahuli ang lahat
Woah, woah
Bago mahuli ang lahat
Sa bilang ng tatlo o apat
Sundan mo, sundan mo
Puntahan mo na siya
Bago mahuli ang lahat...

Ang lamig ng boses ni Flyder. Nakikita ko pang sa akin lang siya nakatitig kani-kanina pa. Ngumiti ako sa kanya’t ini-alsa ang dalawa kong hintuturo para malaman niyang hanga ako sa kanya’t sa pagkanta niya.

Ang lahat...

Woah, woah
Bago mahuli ang lahat
Sa bilang ng tatlo o apat
Sundan mo, sundan mo
Puntahan mo na siya

Natapos na rin ang pagkanta niya’t todo ang higyawan ng mga tao dito, mapa-babae man o lalaki. Ang akala namin ni Kelly na tapos na ay hindi pa pala nung nagsimulang magsalita si Flyder.

“Hanapin niyo ang babaeng naka-floral pink na damit na may kasamang babaeng maputi na naka-yellow…”

Agad na nagsi-tinginan ang mga tao sa magkabilang sulok ng field. Ang iba, ayun at agad akong nakita. Tulala pa rin ako sa mabilis na pangyayaring ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pati na rin si Kelly.

Dumating sa puntong lahat na sila’y nakatingin na sa akin. Pulang-pula at mainit na mainit na ang mga pisngi ko dahil dito.

“Siya nga ‘yan. Kaya ko kinanta itong Bago Mahuli ang Lahat, kasi gusto kong malaman niyo… at lalong-lalo ka na Mia…na bago mahuli ang lahat, gusto kong malaman mo na ikaw lang ang babaeng mahal ko.”

Napanganga ako sa sinabi niya. Ang mga tao’y nagsimula na akong kutyain ng mga “Yiiih!” nila. Si Kelly ay ganun rin sa akin.

Pinapunta din ako ni Flyder sa stage at sa isang iglap, ang babaeng akala ay ikinahihiya siya ng mahal niya ay ang parehong babae na siguro’y pinakamasaya na sa buong Pilipinas.

Ako.

“I want you to meet my girlfriend, Mia!” Lakas-loob na sabi ni Flyder habang hawak-hawak ang tagiliran ko. Totoo ba ito o isang panaginip lang? Kung isang panaginip lang ito, ayoko na talagang magising.

“Kiss! Kiss!” Sabay na sigawan ng mga tao sa amin. Nagulat na lang ako nang hatakin ako ni Flyder, pinaharap sa kanya, at pinagtagpo ang mga labi naming dalawa…sa maraming mga tao.

 

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon