CHAPTER 7

2.6K 22 1
                                    

MIA

 

Ang liwanag na mula sa bintana ng kwarto ni Flyder ay nakakasilaw. Umaga na pala. Kailangan ko na bang umuwi sa amin? Pero masakit pa ang likuran ko.

Umupo ako’t binaling ang atensyon ko sa mga likhang guhit ni Flyder sa dingding. Ang ganda. Hindi lang talaga siya magaling sa isang dimensyon ng sining kung hindi ay may iba pa. Mas lalo akong nahuhumaling sa kanya.

Tama na nga, bulong ng aking konsensya. Bakit ba kasi ako nagiging ganito sa kanya’t alam ko namang hindi gano’n ang nararamdaman niya sa akin.

Nang hindi katagalan ay bumukas ang pintuan. Ang lakas ng alindog niya sa akin maski na naka-sando lang siya at boxers. Ang kanyang ngiti, langit kung pagmamasdan.

“Good morning, Mia,” panimula niya. “Dinalhan kita ng isang masarap ns masarap na sopas, o. Ako may gawa niyan.” Ipinatong niya tapos ang tray sa gilid ng higaan ko.  

“Salamat.” Banggit ko’t kinuha ito. Napangisi na lang ako ng malaman kong ang niluto niya ay katulad ng kay Natalia. Kung hindi ako nagkakamali, Knorr soup ito.

Ang kaninang nakangiting si Flyder ay napalitan ng mukhang pagtataka. “Ano’ng nakakatawa, Mia?” Tanong niya sa akin.

“Ah, wala. May naalala lang ako, Flynn.” Sagot ko sa kanya. Mas naging kakaiba ang timpla ng kanyang mukha dahil tinawag ko siya sa kanyang tunay na pangalan…sa unang beses.

“Uhm, ang labo! Sige, labas lang muna ako’t gagawa ng panibagong kanta. Do’n lang ako sa hardin kung kailangan mo ako.” Sumenyas ako ng oo habang hinihigop ang sabaw na ginawa niya.

“…At natawagan mo na ba o na-text si Tita Talia? Baka akalain no’n, napa’no ka na.” Sabi sa sa akin bago niya itinaas ang kanyang hintuturo at inigalaw ito ng paurong-sulong.

“Sige, aaminin ko, ngayon lang ako nagsinungaling sa kahit sino. Sinabi ko kagabi na may proyekto tayo sa Araling Pan at kailangan kong matulog dito.” Kinagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi dahil sa ginawa ‘kong alam ‘kong taliwas sa gusto kong maganap. Pero alam ko naming mas papagalitan ako kapag nalaman nilang may nanakit sa akin sa eskwelahan namin, e.

Ngumiti na lang siya’t isinara ang pinto.

Ang ngiting ‘yan.

***********

Tanghali na’t hindi pa din ako nakauwi sa amin. Masakit pa din ang katawan ko, sa totoo lang. Magtatanong si Aling Natalia nito sa akin kapag makita niya ang pasa sa batok ko sa malamang. Ayokong magiging issue pa sa pamilya namin ito.

“Wala kang gig, photo shoot, mall show, o recording ngayon?”  Tanong ko kay Flyder na naghahanap ng ingredients sa kanyang susunod na lulutuin. Kataka-taka lang kasi parang hindi siya busy ngayon.

“Uhm, wala, e. Bukas, grabe na ang schedule ko. Meron kaming photo shoot para sa isang tween magazine. Meron din kaming video shoot para cover namin sa kanta ni Justin Bieber na “Be Alright”.

“Oh.” Iyon lang talaga ang nasabi ko. Ang mga mata niya kasi kapag nakatitig sa akin, medyo nakakasira ng atensyon.

Eto siya’t dala-dala ang mga ingredients ng lulutuin namin. Teka, parang hindi ata kami magluluto kung hindi ay magbe-bake. May flour, beetroot, butter, at cocoa kasi akong nakikita sa tupperware na dala-dala niya.

“Want to go bake with me?” Sabi niya bago siya kumindat.

“Sige ba.” Nakangisi kong sabi.

***********

Unang beses kong mag-bake ng paborito kong dessert, ang red velvet cupcake. Alam na alam talaga ni Flyder ang mga gusto ko!

Pagkatapos naming mag-bake ay tinikman ko kaagad ito. “Hmmm…” Hindi ko maiwasang mapapikit sa sobrang sarap ng ginawa naming dalawa. Napatawa na lang siya sa ikinilos ko. “Ang cute mo.” Sabi niya.

Pareho kaming natigilan sa ginagawa namin. Nagkatinginan na lamang kami at tumawa pagkatapos. Basta ako, hindi ko sasabihing may flour ang kanyang ilong.

Ano pa kaya ang ibang talento ng lalaking ito?

***********

FLYDER

Hinatid ko na si Mia papauwi sa kanila. Medyo masakit pa daw ang katawan niya pero kaya niya naming lumakad ng maayos kaya sa bahay niya na lang daw siya magpapagaling, ‘yan ang sabi niya sa akin.

Pagkatapos kong pumasok ng bahay, naka-receive ako ng text galing kay Kirst. Si Ed daw, nadamay sa isang malaking gulo sa Pasay at nasa ospital ngayon. “Ano na NAMAN ba ang ginawa niya kaninang umaga?” Pagtatanong ko. Maski siya, hindi alam ang sagot kaya naghanda na ako’t umalis na ng bahay para puntahan siya.

*********

09:00 a.m. , August 18, 2014

KELLY

Ang init-init naman ngayon, sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa Mall of Asia. Oo, naglalakad ako ngayon. Poorita lang kasi ako, e. Poorita na, NBSB pa.

Alam kong hindi safe ang gumala ng mag-isa. Maraming  mga snatchers, kawatan, mandurugas, hoodlums, lowlives, thugs, at gangsters ang gumagala dito sa dinadaanan ko. At… at…

Leche na!

“Hoy! Ang bag ko!”

Sinubukan kong tumakbo pero hindi ko na kaya pang mahabol ang lalaking nang-snatch ng bag ko. Oh my gosh, ang pera ko!!!

Iiyak na sana ako pero sa di kalayuan ay nakita ko si Manong Mandurugas na naharangan ng lalaking medyo mahaba ang buhok. Hindi naman siya hoodlum katulad ng isa base sa kanilang pananamit. Hello, may hoodlum bang in-fashion?

Sandali lang at parang kilala ko siya, a.

“Ibalik mo ‘yang bag ng babae, kung hindi, baka ‘yang kinatatayuan mo ang maging libingan mo.” Sabi ni Ed sa lalaking nakatalikod sa akin. Ang bag ko, ayun at nasa kamay pa din niya. Ako naman dito ay napapa-ooh at aah na lang sa mga nagaganap. Ang harot lang, ha ha!

Ang lalaking ngayon ay nahaharangan na ng maraming tao ay ibinigay ang bag kay Ed. Ang mga ibang tao, gusto siyang tapunan ng matitigas na bagay dahil sa kanyang ginawa.

Tumakbo na papalayo ang mandurugas at hindi ko na nakita pa ang anino niya. Si Ed naman, inialsa ang bag na hawak-hawak niya.

“Sino ang may ari ng bag na ito?” Tanong niya sa madla. Tinaas ko naman ang kamay ko para kunin ang bag ko sa kanya. Kung noon ay iba ang perspekto ko sa kanya,  ngayon ay nag-iba ulit. Ang mga magaganda talaga, iba-iba ang mood. Charaught!

“Kelly?” Gulat niyang tanong nang papunta na siya sa akin. Ang eksenang ‘to, parang nakita ko na ‘to sa isang TV commercial, e.

Ibinigay na niya ang bag niya sa akin at nagpasalamat na ako sa kanya. Sabay na kaming pumunta sa MoA dahil may bibilhin din daw siya. Nang tinanong ko siya kung ano ‘yon, ang sagot niya ay, “Condom.” Tapos dinagdagan na lang niya ng, “joke lang” para hindi siya magmukhang pervert. Naku, naku.

Malapit na sana kami ng MoA ng may mga lalaking humarang sa amin. Ang mga mukha nila, hindi ko ma-explain. Kung tatanungin mo ako kung ano ang rate ng mga mukha nila from one to ten, malamang negative seven ang isasagot ko.

Without a word, binugbog nila si Ed. Napatakbo na lang ako’t humanap ng tulong sa mga ibang tao…na nakatingin lang sa kanila the whole time. Mabuti na lang at may naglakas-loob na awatin ang gulo. Si Lola Kaka Germanotta daw, ‘yan ang pagpapakilala niya sa sarili niya sa gitna ng gulo. Salamat naman at tumigil silang lahat sa ginagawa nila.

 Nang nilapitan ko si Ed na nakahandusay sa kalsada, nakita kong dumudugo ang ilong niya. “Ed! Ed!” Pag-iiyak ko. Mas lalo akong nabahala no’ng sumagot siya ng, “Nakikita ko na! Nakikita ko na ang puting ilaw…”

Ano kaya ang ibig sabihin no’n? Mamamatay na ba siya?

“Tulong! Tulong! Tumawag kayo ng ambulansya, dali!” Mangiyak-ngiyak kong sabi sa lahat ng mga taong nakapalibot sa amin.

 

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon