CHAPTER 15

1.8K 14 0
                                    

FLYDER

Nang makapunta ulit ako sa ospital kung saan andun si Natalie, nakita ko si Ma’am Bethany. Nagkatitigan kami nang panandalian bago ako bumitaw dahil alam kong magagalit siya sa maaaring sabihin ni Natalie sa kanya, na marahil ako ang dahilan kung bakit siya naaksidente. Ang hindi ko inakala ay pupunta siya sa akin para bigyan ako ng yakap.

“Mabuti na lang talaga at maayos na ang lagay niya. Galos, pasa, at kaunting mga sugat sa katawan lang ang natamo niya, sa awa ng Diyos.” Ang sayang pinapakita niya sa kanyang mukha ay halatang natural at nakakaganang tignan. Ayokong masira ang sayang nadadama niya kaya binigyan ko na lang siya ng isang sinserong ngiti at sumagot ng, “Mabuti naman po.”

Tinanong ko din siya kung sino ang bumabantay kay Natalie. Nagulat ako sa sagot niya sa akin. “Kasama niya d’on ang boyfriend niya.”

Boyfriend niya? Tanong ko sa sarili ko. Hindi nagtagal ay may natandaan akong pangyayari at ginawa ko itong teorya sa sarili ko.

Nagpaaalam ako kay Ma’am Bethany na pupuntahan ko si Natalie at kinapkap niya naman ang likod ko’t tumango siya.

Habang papalapit nang papalapit sa kwarto kung saan siya ngayon, parang hindi mapakali ang isip ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Natalie kapag nakita niya ako. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya, pero kahit ako ay hindi mapakali kung ako lang ba ang hindi tapat sa aming dalawa. Boyfriend? Kailan lang?!

Pagkapunta ko sa kwarto niya, nakita ko agad siyang nakikipag-usap sa lalaking may parteng banyaga kung titignan sa kulay kanyang balat. Naudlot ang kanilang pag-uusap nang makita ako ni Natalie. Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay biglang nag-iba. Hindi niya alam kung saan siya titingin. Halatang kabado siya sa kanyang gawi.

“Flyder…” Maikli niyang panimula. Napatigil siya nang ilang sandali’t dinugtungan ang gusto niyang ipahatig sa akin sa hindi katagalan. “Meet Austin,my boyfriend.”

Nagkadikit ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. Tama nga ang lahat ng kutob ko noon pa man. Tinuhog niya kaming dalawa at parang ang dali lang sa kanyang gawin iyon. Mahusay siya. Mas mahusay pa sa akin.

Hindi na ako umimik pa’t ano ba naman ang dahilan eh pareho naman kaming dalawa ang mga naglolokohan. Kahit na masakit, oo, dahil pinagmukha niya akong tanga, pero hindi ko na siya mahal pa. Si Mia ang buong buhay ko ngayon, at malakas ang loob ko na totoo ang sinabi ko.

“Nice. Hi, mate! I’m Flyder, Natalie’s friend.” Inisulong ko ang kaliwang kamay ko sa lalaking ito, naghihintay ng sa kanya.

“Nice. Natalie told me how good you are as a singer. You are the same guy from Walrus, right?” Tanong niya. Tinaas ko na lamang ang kilay ko bilang sa pagsang-ayon sa kanya.

“Oh, siya, alis na ako, guys. Marami pa akong dapat aasikasuhin ngayong araw. Natalie, pagaling ka, ha? And you, young man! Please take care of her because she’s as fragile as a pristine Russian doll.” Sabi ko sa kanila bago ako tumalikod.

“Ha ha! Okay, bro!” Sagot ng lalaki sa akin. Initaas ko ang thumb ko sa kanila’t umalis ng room ni Nat.

Para nga siyang Russian doll dahil pareho silang maraming anyo, gusto kong sabihin kanina. Natawa lang ako sa ideyang nagtagal kaming dalawa na puro panloloko lang ang ginagawa sa isa’t-isa. Hanep!

**********

MIA

Dahil sa insomnia na bumabagabag sa akin ngayong gabi, naisipan kong buksan ang Facebook ko sa laptop ko para tignan ang bagong mga aktibidad ng mga kaibigan ko. Pumukaw ng atensyon ko bigla ang post ni Kelly.

May mga bagay na dapat itago para hindi ka nakakasakit ng mga tao. Mabuti nang ikaw ang dumamdam kesa sila. Mas mainam na manahimik ka na lang kesa na pag-aalalahin mo pa sila. – Kelly Ganda, Author of “Ang Pretty Ko Talaga (Ang Magreklamo ay Papalhitan Ko ng Libag)
(Free FB post from Glub unlisurf)

Kailan pa nang maging malalim si Kelly, hala? Pero sa totoo lang, natamaan ako sa sinulat niya. Mabuti na nga na ikaw lang ang nakakaalam ng ibang mga bagay, bulong ko sa sarili ko.

Kalahating oras din ang ginugol ko sa pagfe-Facebook at hindi pa rin ako inaantok. Gusto kong tawagan si Flyder pero nahihiya ako. Hindi siya nagte-text sa akin simula pa kahapon. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya o anupaman, pero parang may iba sa kanya ngayon.

Pagkapatong na pagkapatong ko sa cell phone ko sa mesang nasa gilid ng hinihigaan ko ay nag-buzz agad ito. Napangiti ako nang makita kong galing ito sa kanya.

From Flyder: Alam kong tulog ka na. I love you.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang text message niya. Ganito nga talaga kung masyado kang masaya, na may saysay ang mga tibok ng puso mo dahil alam mong parehas kayo ng nararamdaman ng ugat nito.

To Flyder: I love you, too. Good night.

Ipinatay ko na ang cell phone ko’t tumingin ako sa kisame. Kahit sa isang beses lang, natutunan ko ding magmahal, sabi ko sa sarili ko nang nakangiti. Ang saya pala, grabe.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon