CHAPTER 27

1.9K 13 0
                                    

MIA

Limang araw na ang nakalipas nang magpaalam ako kay Ate Mandy na kung pwede ay pupunta ako sa probinsya ni Flyder para magbakasyon kagaya ng gusto nitong mangyari. Kahit na ayaw niya noong una at pahirapan pa bago siya um-oo sa gusto ko, naging maganda naman ang kinalabasan at sumang-ayon siya dito. Sinabi niya rin na hindi niya raw ito ibabalita kina mama at papa sa Taiwan na siya namang kinatuwa ko. Kahit kailan, maaasahan ko talaga si Ate Mandy.

Ngayon ang tamang araw para makapag-bakasyon na kaming dalawa dahil linggo ng santo ng unibersidad namin at walang pasok. Wala ring gig kina Flyder na pupuntahan sa linggong ito, sabi niya sa akin, kaya maayos na talaga ang lahat.

Inayos ko na ang lahat ng mga damit na susuotin ko sa dalawang gabi at tatlong araw na pamamalagi namin sa Aklan. Isinama ko na rin si Gus sa inimpake ko para kay Flyder kasi alam kong magtatampo ‘yun kapag hindi niya nakita ang stuffed toy na binigay niya sa akin ilang buwan na ang nakalipas.

Sa pagbaba ko ng hagdan, narinig ko agad ang boses niya’t tinignan ko sa labas kung siya nga iyon; hindi ako nagkamali’t nakita kong nag-uusap sila ni Kuya Bok.

“Stud!” Sinabi ko habang papalapit sa kanya.

“First time mong sinabi ‘yun sa akin, a. Hi, sugar!” Tinignan ko ang ekspresyon ng mukha ni Kuya Bok at nakita kong parang matatawa siya na ewan. Nahiya tuloy ako sa sarili ko dahil doon.

************

Si Kuya Bok na ang naghatid sa amin sa airport kanina, at napansin kong close talaga silang dalawa ni Flyder. Parang lahat ng pwedeng pag-usapan ay ginagawa na nilang topiko. Ako naman ay nagbabasa na lang ng librong binili ko kahapon sa dakong gilid na parte ng sasakyan namin.

Sa bawat segundo ng paglipad ng eroplano na aming sinasakyan, nakasandal lang ang ulo ni Flyder sa balikat ko. Hindi ko pinapahalatang kinikilig ako sa mumunting gawi niya kahit na pulang-pula na ang mga pisngi ko. Nanatili akong nakatingin sa kalawakan, tinitignan ang mga ulap na nasa gilid ko lang. Dati-rati, ang akala ko, parang cotton ang tekstura ng ulap, pero nagbago ‘yon nang nakasakay ako ng eroplano noong mga bata pa ako. Minsan talaga, may mga bagay-bagay na iba ang pagkaunawa natin sa katotohanan. Katulad ko, na akala ko’y lalayuan ako ni Flyder nang malaman niyang may sakit ako, pero iba nga talaga siya.

Nang makarating na kami sa Kalibo, ginising ko siya’t tumayo na kami para makababa. Sa paghahanap ng sundo namin, tinignan ko ang paligid. Ibang-iba ang Manila dito. Kahit ang aroma, ibang-iba.

“Flynn!” May narinig akong boses ng lalaki na tumatawag kay Flyder kaya naghanap-hanap ako sa paligid kung sino ‘yun at nakita ko ang kapatid niyang si Ford.

“Ford!” Lumapit kaming dalawa sa kanya’t niyakap siya ni Flyder. Kitang-kita ko sa mga mata ni Flyder ang kasiyahan.

Sinabi sa amin ni Ford na masakit daw ang likod ng mama niya kaya hindi siya nakapunta rito sa airport para sunduin ang panganay niya. Si Flyder, kinamot na lang ang likod ng ulo niya’t ngumiti. Manhid na kaya si Flyder sa pinaggagagawa ng nanay niya sa kanya? Ewan ko, pero sana hindi kasi nanay niya pa rin yun kahit papaano.

Bago kami umuwi sa bahay ni Flyder, andito muna kami sa isang mall sa kanila para bumili ng mga gamit ni Ford. Kahit anong bagay na mapupusuan ni Ford ay kinukuha ni Flyder. Mahal na mahal niya talaga ang kapatid niya kahit na minsan lang sila nagkikita’t nag-uusap. Kumain din kaming tatlo sa isang sikat na seafood restaurant dito sa kanila. Ngayon lang ako nakatikim ng hito sa talaan ng buhay ko, at ang sarap-sarap pala nito!

Napansin ko ring parang aso kung kumain si Flyder. Nakakamay pa siya habang kumakain kaya ang ganda niyang tignan. Kinuha ko ang isang kapirasong ng kanin sa gilid ng bibig niya’t ngumiti. “Baka mabilaukan ka,” sabi ko sa kanya.

His Unofficial Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon