6

512 26 0
                                    

@archibe : hindi naman ako busy...meet up when :(((

Limang araw agad ang lumipas nang sabihin niyang ayaw niya ng anak pero kinakausap ko pa rin naman siya.Hindi din naman magtatagal malalaman niyang ako 'yon at iiwan niya rin ako.Hindi raw siya busy pero kinakausap niya ako habang nasa gym sila.Lagi na akong nakabuntot sa kanila.Taga dala ng gamit,utusan,kaibigan.Mas naaasikaso ko pa nga sila kaysa sa mga anak ko.

@yourqueen : tara when??

Tumigil ulit sa pagpush-up si Ken para reply-an ako.Ngumiti pa ang gago.Tignan ko lang kung makangiti ka ulit kapag nagmeet up na tayo.

@archibe : lunch date???kahit fast food lang.

@yourqueen : date??ang funny mo >< sige!!See you Chi

Bahagya na lang akong napatawa nang kumunot ang noo ni Ken at itinago ang phone.

"Alis lang ako ha.Kain lang ako sa labas."mabilis na inayos ni Ken ang mga gamit niya at nagpunas ng pawis.Paano ako aalis?

"Saan ka pupunta?Akala ko sabay tayo?"sabi ni Josh na patuloy pa rin sa pagbuhat ng kanyang sarili.

"Kikitain ko future ko."sagot naman ni Ken at dire-diretsong lumabas.

Sana nga ako na lang ang future mo.

Mukhang na-gets agad ni Kuya kaya inutusan niya akong lumabas.Kilala niya talaga ako.Nagpunta ako sa pinakamalapit na CR at inayos ang sarili.Ang tapang ko naman ngayon para harapin siya.

@archibe : I'm here!!Nag-order na rin ako hehe

Hindi ko alam kung bakit ako biglang napangiti.I hope magustuhan ko yung order niya.
Ni-replyan ko naman agad siya.

@yourqueen : I'm on my way!

Malapit na ako sa isang fast food chain at kita ko na rin siya dahil nasa tabi siya ng salamin.Umorder na nga siya ng food namin.Matagal ba akong nag-ayos at parang ambilis naman ata.

@yourqueen : I'm here :)))

Binuksan ko ang pinto ng fast food chain kaya halos napalingon ang lahat sa akin.Wala kasing guard eh kaya ako ang nagbukas.Sa lahat ba naman ng lumingon si Ken lang ang hindi,late na siguro niya nabasa.Nag-angat tingin lang siya at inayos ang upo.

"Oh bakit mag-isa ka lang dito?"lumapit ako sa kanya at umupo sa upuang katapat niya.Kumunot ang noo nito.

"May inaantay kasi ako.Andito na raw siya pero sa tingin ko malapit pa lang siya."sagot niya at pabalik-balik na ang tingin sa phone at labas.Manhid talaga.Tumango na lang ako at kinuha ang phone ko.

@yourqueen : andito na nga ako

@archibe : what?nasaan ka?

@yourqueen : sa tapat mo

Sabay kaming nag-angat ng tingin at tinitigan ang mata ng isa't-isa.Walang bumibitaw hanggang marinig namin ang kulo ng tyan ni Ken.Tumawa siya nang mahina bago inalis ang tingin sa akin.

"Kailan ka pa natuto makipag-flirt sa hindi mo kilala?Bakit hindi mo agad sinabi na ikaw yon?Ang buhay nga naman parang life.Tutusukin kita eh."inilapit pa niya sa akin ang tinidor niya.Hindi naman scary.

"Kapag ba sinabi ko na ako 'yon,kakausapin mo pa rin ba ako?At tsaka hindi ko naman alam eh until you spilled the tea to Stell."tanong ko sa kanya.

"Oo naman,bakit naman kita hindi kakausapin?"my heart jumped for a second.

"Don't act like you're an angel.Sinigawan mo ko nang lagyan kita ng lip balm."sagot ko bago sumubo ng fries.

"Well,I'm sorry I didn't mean to do that.Wala lang ako sa mood."nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang ipinahalata at patuloy na lang kumain habang nakatitig kami sa isa't isa.

"Oh I forgot na magpakilala,I'm Shannie and you are?"tinigil ko muna ang pagkain ko kaya ganoon din siya.

"Accept this first."kumuha siya ng isang piraso ng fries na may kaunting ketchup at inilapit niya iyon sa bibig ko.Kinuha ko iyon gamit ang bibig.Sinubuan niya ako ng fries without malice.

"I'm Ken and you can call me anything you want.Rising Artist ako rito sa Pilipinas.I create songs and our group achieved unexpected awards and recognitions."napatigil ako sa pagnguya nang ma-realize ang sinabi niya.Oo nga pala,sikat siya.Bakit siya pumayag pumunta sa isang public place with her fling which is me?

"Can I call you love?"malandi kong tanong sa pagpapakilala niya.

"Okay love,"nagtakip pa ito ng bibig bago magsalita ulit.

"Sounds familiar but it doesn't matter.Bringing back the memories we had?"inirapan ko na lang siya imbis na halungkatin pa ang meron sa amin.Naputol ang pagkain namin nang may lumapit na dalawang babae.Sure ako na fan dahil nagtutulakan pa sila na lumapit sa amin.

"Kuya,kuya excuse me po!Ikaw si SB19 Ken 'di ba?Pwede po magpa-picture?"tumingin muna siya sa akin at tsaka tumango sa mga babaeng ready na ang phone.

"Just don't post pics agad.1 week before you post it on your socmeds please?Thank you."sabi ko at agad naman tumango ang mga babae.

Ito na ba yung reyalidad na hindi ko pwedeng solohin ang pagmamahal niya?Kailangan may kahati ako palagi?Dati oras lang ang kahati ko, ngayon pati mga babae na.

"Thank you Kuya!Enjoy eating po.See you soon SB19!"kinikilig na sabi ng isang babae.Hindi pa sila nakakalayo sa amin ay nagbulungan agad ito.

"Sungit naman non si Ate.Gusto ko na i-post eh!Sino ba yon?Ngayon ko pa lang nakita yon.Kairita,send ko na lang sa GC."

"Ano ka ba!Okay lang 'yon baka kasi staff siya..... or baka girlfriend niya?"

"Girl shunga ka ba?!Bawal sila mag-girlfriend.Naku,kapag talaga nagka-girl friend kahit isa sa kanila baka masakal ko.Asawa ako no!Tsaka kung may girlfriend si Ken maraming masasaktan don eh alam naman natin mahal na mahal nila tayo.Ayoko pa sila magkaroon ng ka-good morning hanggang good night.A'tin na bahala sa future nila."

Hindi ko pa nauubos ang pagkain ko pero nawalan agad ako ng gana.Oo na,bawal na sila magkaroon ng girlfriend ngayon.Nakalimutan ko pala na pinapalayo ako ng boss ko.We should stop this relationship.Hindi pa rin tapos kumain si Ken at in-eenjoy niya ang pagkain.Sana all na-enjoy.

"Hmmm,let's go.We need to work.It's already 1 pm."kinakabahan kong sabi sa kanya.Tumango naman agad siya at inubos na lang ang drinks niya.Ako iniwan ko na lang yung pagkain ko.Nakakapanghinayang pero parang sayang lang din kasi hindi naman ako masisiyahan.

"Halos hindi ka kumain.Teka--"

"Sige na,tara na."hatak-hatak ko na siya sa braso palabas ng fast food chain.Kita ko pa rin sa paligid ang pagtingin ng dalawang babae kanina sa amin.Sa tingin ko nga kinuhanan pa kami ng picture na hila-hila ko siya palabas.



Hila ko pa rin si Ken nang makita ko si Stell sa malayo na may kausap na babae.Nakatalikod ang babae kaya hindi ko naman makita kung sino.Kakitaan din siguro ni Stell.

"Teka lang!Kanina pa tayo naglalakad.Bakit ba bigla tayong umalis?"ramdam ko ang pagkairita niya sa ginawa ko.


"Hindi na safe.We should stop acting like this--"




"Dahil lang may nagpa-picture sa akin?Galit ka na non?Nawalan ka ng gana kumain dahil don?Aish.Tara na,you need to eat--"


"I rather die than to hear those opinions again.Last na yon."sagot ko.Iyon na lang ang naisip ko.Eh ayaw ko na talaga marinig nakakairita sila.Hindi nila pwede kontrolin ang idolo nila.


"Someone's jealous sa fan.Just ignore them,love.Lagi naman silang ganon sa amin.Huwag lang silang magsalita ng masama sayo."nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.Wow ha.


"Bakit 'love' tawag mo?Joke lang yun.Hindi rin ako nagseselos.Its just because part siya ng work namin.Ang protektahan kayo at tsaka tayo ba?"tanong ko sa kanya.Umiling ito.

"Hindi ako nagbibiro.Kahit naman dati pinoprotektahan mo ako.I can feel that its not because of work and you're also jealous.Kung tayo ba?We're getting there.Wait for me like what I've said,4 years ago almost five.Tara na,nagutom ulit ako."kumindat siya at nauna nang maglakad sa akin papunta naman sa ibang kainan.

A Life Before Fame (DRUNK Sequel)Where stories live. Discover now