11

516 27 3
                                    

"Ah I mean pamilya,tayo nina kuya,lumayo ka nga!"kairita silang dalawa.May side na naniniwala ako kay Ken pero bakit niya gagawin yon 'di ba?Bakit siya pumayag na maging sila agad kung 'ako' raw ang gusto niya.Nakakagulo siya ng isip!


"Anong--Shann!Bakit ganyan ang buhok mo?Mapula rin ang pisngi mo?Anong nangyari dito Ken?"hawak ni Ken si Krystal at dumating naman si Stell na late na sa aksyon.Seryosong nakatingin si Stell kay Ken at ganoon din si Ken.Ano ba!Ako lang 'to.






"Sinampal ako ng babaeng 'yan pero hayaan mo na.Lumayas na tayo dito.Matuklaw ka pa eh."inayos ko ang buhok ko habang ganoon pa rin ang tensyon sa pagitan namin.





"Dre 'yang girlfriend mo ah,nananakit ng trabahador natin at ikaw naman,pasalamat ka at babae ka.Hindi ako napatol sa babae."lumabas na lang kami ni Stell nang hindi sumagot ang dalawa.Sobrang bait talaga ni Stell.Sa totoo lang wala ka nang hihilingin pa sa kanya mula nang makilala ko siya,pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko.





"Kausapin natin si Sir--"






"'Wag na,anak niya yon kaya kakampihan niya yon kahit mali.Pangit talaga ugali ng babaeng 'yon!Trainee pa lang kami nilalandi niya si Ken.Kayo pa non kaya si Ken,dedma lang sa babaeng 'yon.Pinapasa nga kay Josh eh.Willing naman si Josh pero ayaw ni Krystal.Tapos akalain mo yun,nawala lang kayo naging sila?Kapal din ni dre.Ewan ko ba at naging sila pala for the last 3 years tapos may ka-chat pa sa dating app.Kawawa naman 'yung ka-chat niya."






"Kawawa ako."nilabas ko ang phone ko at ipinakit ang convo namin.Gulat na naman siya syempre.





"Hala--om--naiintindihan ko na yung nangyari!Binato mo yung phone mo dahil sinabi ni Ken na ayaw niya pa magkaanak tapos pumunta ka non sa CR para i-chat si Ken na huwag muna kayo mag-meet?"tumango ako at sinapo niya ang noo niya sa pagiging stupid niya.





Mabilis natapos ang araw at nakauwi na rin.Nakasabay ko si Kuya Pau pauwi na mukhang stressed na stressed na sa papalapit nilang mini-children's party sa bahay.Excited na nga ang kambal dahil makakakilala daw sila ng mga bagong friends.Nang sinabi pala ni Kuya na siya ang mag-aasikaso,siya pala talaga.Kaunting tulong lang ang tinutulong ng company.Unfair naman ata 'yon kasi ang alam ng fans full support ang company sa boys kaya naman tinutulungan ko rin siya.







"Kailangan na nating bumili ng party hats,balloons,banners,budget para sa food,pa-reserve ng chairs--"






"'Hingi ka tulong kay Tita Grace.Akala ko ba may catering service sila?"nagliwanag ang mata niya at agad kumuha ng phone.Wala si Ate Maris dahil napapadalas na ang pagsama niya sa suitor niya.Hindi raw siya muna uuwi ngayon pero nabantayan naman niya ang kambal.Hindi pa nga namin nakikita ni Kuya eh pero hindi naman siya nagko-complain tungkol doon.Nawalan na talaga sila ng oras sa isa't-isa.







"Oo nga si Mama!Ang talino mo talaga kaya ako'y sayo."binigyan niya pa ako ng fist bomb.Nakalimutan ba niya talaga 'yon?Nagcha-chat naman kami ni Ate Alex,sila kaya?Lumabas ito para makipag-usap nanh maayos kay Tita.






Pinuntahan ko ang mga anak ko na natutulog na yakap-yakap ang bolster pillow nila.Hindi rin sila nakakatulog nang ganon.Buti nga mabilis nasanay na walang bed time stories at hindi nagtatanong tungkol sa tatay nila.Nakakaawa na talaga ang mga anak ko.Ilang linggo na lang ang natitira sa akin para sabihin kay Ken na may anak kami.Pagkakataon na sana ang kanina pero naunahan ako ng kaba.Baka sa halip na isang sampal lang ang matanggap ko,maging dalawa pa.






"Sorry,wala pa si daddy.Sobrang busy ni Daddy niyo.Sana matanggap niya kayo.I love you."hinalikan ko sila sa mga ulo nila.Nakatali pa ang buhok ni Khloe kaya tinanggal ko.Inayos ko rin ang nagkalat na story books sa gilid ng kama ko.Natuto kaya silang magbasa habang wala ako?Ang daming tanong agad ang pumuno sakin nang magtrabaho ulit ako.Hindi ko na naman nagampanan ang pagiging nanay ko.







A Life Before Fame (DRUNK Sequel)Where stories live. Discover now