21

529 31 10
                                    

"Akin na nga 'yang cellphone ko!"akala ko nagbibiro lang si Ken at naguguluhan lang ako sa mga naririnig ko.Nakita ko ang mga anak ko sa phone at mukhang confused.Lumayo muna ako kay Ken.

"Where's your yaya Kai Skyler?"binigay naman agad niya ang phone kay Yaya.

"Ma'am sorry po.Ang kulit po kasi nila eh.Dalawang araw na raw po kayong hindi nauwi.Pasensya na po kayo ah."takot na takot ang mukha ni Ate.Kahit gustuhin kong magalit,hindi ko magawa.Siya yung nagbabantay sa kanila tapos nahahayaan niyang hawakan yung cellphone.

"Wala po yun.Pakisabi na lang po sa kanila,mamaya na tumawag kasi,"hinabol pala ako ni Ken.Lagi na lang good timing.Eto na yon,Shann.You can do it.Kabahan ka lang sa sasabihin.

"Kakausapin ko lang ang tatay ng mga anak ko."pinatay ko na ang tawag.Ano Ken?Wala ka man lang sasabihin?Gusto kong magsalita.Hindi ko magawa.Baka masaktan lang ako sa katotohanang ayaw niya magkaroon ng anak.Naglakad na lang ako habang nakatingin sa sahig.Ayaw kong tignan ang reaksyon ni Ken.Kanina ang kapal-kapal ng mukha ko,ngayon asan ka na kakapalan? Bago pa ako makalagpas sa kanya ay hinawakan niya ako sa braso nang sobrang higpit.Nasasaktan ako.

Nasasaktan ako na kung kailan ka na masaya sa iba, tsaka mo malalaman ang lahat

Huwag mo na sana akong bigyan ng motibo, kung hindi mo naman ako kayang panindigan

"All this time,akala ko si Ate Maris.Nabuhay na naman ba ako sa maling akala Shannie?Please tell me that it was a joke."patagal nang patagal,pahigpit nang pahigpit.Nasasakal na ako.

Nasasakal na ako na laging itago ang mga anak natin

Gusto ka lang naman nila makilala

Pero nagawa kong itago

para sa sarili ko?Tama ba?

"Bakit naman ako magbibiro sa ganyang kaselang sistwasyon Ken?Mag-isip ka nga.Bitiwan mo na ako.Nasasaktan ako."

"Nasasaktan din ako!Hindi sa pisikal pero dito."tinuro niya ang puso niya.'Wag kang iiyak Shannie.Ginusto mo yan.

"I'm sorry."

"Sorry?Almost 5 years akong nagdusa at hindi natahimik dahil sayo.Akala mo ba masaya ako?Hindi,dahil wala ka namang alam sa akin noong mga panahon na 'yon,"hindi ko na napigilan maiyak.Hindi ko naman ineexpect na ganito pala kasakit.

"D-dahil busy ka,m-mag-alaga ng a-anak natin.ANAK NATIN HINDI ANAK MO!"sigaw pa ni Ken.

"Bakit hindi mo agad sinabi?Pwedeng-pwede ako umalis sa grupo para sayo.Para alagaan ka,para alagaan kayo ng mga anak natin.Ganoon kita kamahal."

"Paano si Krystal?Ang career mo?Ang mga taong nakapaligid sayo?Anong--"

"Bago mo sana isipin ang iba, sana isipin mo rin ang sarili mo,"napaupo na lang siya habang nakapatong ang ulo sa tuhod.

"Ken,ayaw mo magkaanak 'di ba?

"Ayaw kong magkaanak sa iba dahil sinabi kong ikaw ang gusto kong maging nanay ng mga anak ko una pa lang.Limot ka na ba?Handa kitang panagutan kung nabuntis kita ng araw ng aniversarry natin.Tinanong mo sa akin yan tapos ngayon nabuntis ka na,nanganak ka na,lumaki na sila hindi mo sinabi?"nagbibihis ako habang umiiyak.

Natatandaan ko naman yon eh pero kung sinabi ko ba sa kanya matatamasa niya lahat ng natatamasa niya ngayon?All eyes was on him na ngayon.He finally got his dreams and the attention he wanted.Iyon ang gusto ng nanay niya na ginusto niya rin pero hindi niya rin ba naaalala na nangako kaming tutuparin ang pangarap namin.

"Sorry,ang tanga ko."

"Tanga ka talaga!Pinahirapan mo sarili mo Shann.Naaawa ako sayo...."tama ka Ken.Isa nga akong tanga.Kinuha ko ulit ang phone ko at pinakita ang picture ni Kai at Khloe habang nakain ng ice cream.

"Kai Skyler and Khloe Scarlette,kambal sila.Sinunod ko yung pangalan nila sa initials natin,Ken and Shannie,"tumigil na siya sa pag-iyak at kinuha ang phone ko para tignan sila.Nakatulala lang siya habang tinitignan ang iba pang pictures nila.

"Hinahanap ba nila ako?Look at them Shann,Kai...Khloe...Our kids."hindi na ako tumingin pa dahil baka biglang manapak si Ken.Natawa na lang ako dahil akala ko magiging mahirap ang lahat ng pagdadaanan para matanggap niya kaming tatlo.Masakit lang pala.

"Araw-araw ka nilang hinahanap sa akin.Sinasabi ko na nasa trabaho ka at busy kaya hindi ka nila nakikita.I don't even show pictures of you because...hindi ka nila tatantanan.Smart kids like you and they really look like you noong nanganak ako sa kanila."kwento ko.Bakit ba napakwento na ako?In the first place ang habol ko lang naman ngayon ay makilala ni Ken ang mga anak namin,bakit ako nakatabi na sa kanya ngayon at nakasandal sa balikat niya?!

"Araw-araw tapos hindi ka man lang nakonsensya?Bata pa sila.Kailangan nila ako pero pinagkait mo sila sa akin and I blame you for that.I hate you so much right now but it fade away because I love you.I still love you.Mahal na mahal,walang nagbago."

"Akala ko ako ang tanga,ikaw din pala.Ken,hindi tayo pwede,"tumayo na tuloy ako.Ano ba namang klaseng joke yon.May girlfriend tapos lalandiin ako nang nalaman na may anak na kami?Haha.Nagkaanak lang kami.Nagkakakamali lang siya.Akala niya mahal niya ako pero si Krystal talaga yon.Ang mga anak ko na ang mahal niya hindi ako.Tama.

"You mean you love Kai and Khloe?Hindi mo ako mahal Ken,confused ka lang.Si Krystal yon.Tigil na shabu ha."

"I love you three.Si Kai,si Khloe,Ikaw.Dati ikaw lang,ngayon may plus na.Si Krystal?Don't fucking mind her.We're just friends and our relationship was all fake.Sinasabihan pa niya nga akong yuck.We're just closed friends.Don't be jealous,love."

"Jealous?Mama mo jealous.Napakamoody mo."
Kanina galit na galit,tapos iiyak,tapos tatawa at magbibiro na nagseselos ako?Eh ano naman kung mahal na niya si Krystal diba?I don't care kahit maghalikan pa sila.Subukan niya lang makipaghalikan,tatadyakan siya ng mga anak ko.

"Ako lang dapat halikan mo.Tadyakan ko kayo ni Krystal kapag naghalikan kayo tapos nauwi sa se-"

"May sinasabi ka ba dyan?Halikan kita?"itong siraulo kong ulo tumango naman bigla.Para akong asong ulol na sumusunod sa amo ko.Hinalikan niya nga ako sa labi.Bakit sobrang bilis ng mga nangyayari ngayon?Okay na ba ang lahat?Sigurado ba siyang tanggap na niya kami?Mahal niya pa rin ba niya talaga ako?kasi ako,oo.Mahal ko pa rin pala.

"Mag-ayos ka na may pupuntahan tayo,love."iyon na pala ang ginagawa ni Ken.Nag-aayos na ng gamit niya.

"Saan ba tayo pupunta pa?"

"Pupuntahin natin ang mga anak natin.Uuwi na tayo."







Finally, daddy is coming home.

A Life Before Fame (DRUNK Sequel)Where stories live. Discover now