"Mommy where are we going?I don't want to leave my friends here."
"We're going home baby.You want to meet daddy right?"tumango na lang ang anak kong babae.
"Mommy,let's go!I can't wait to ride an airplane!"excited namam na sabi ni Kai,anak kong lalaki.
Handa na ang lahat.
Pinapunta agad ako dito ni kuya Paulo nang malaman naming buntis ako.Gusto ko din naman kaya pumayag na lang ako na dito ipagbuntis ang kambal ko,si Kai at Khloe.Nagmana sa tatay si Kai at si Khloe sa akin.Hindi ko alam kung matutuwa ako sa pagbalik ko o gugulo ba ang buhay namin pagdatin namin.Inalagaan ako ni Ate Maris dito.Wala din siyang naging nobyo,mahal niya pa rin si kuya after 4 years.Nang maglabor ako sumunod si kuya dito.He really changed a lot.To his hair style,fashion taste,body shape but his attitude,he's still the same Kuya I've met.
Inalagaan nila ako,naging magkaibigan na lang sila ni Ate.They're very comfortable to each other.Ganoon din kaya ako kapag nakita ko siya?Ayoko naman din lumaki ang anak ko ng walang kinikilalang ama.
"Shann,are you ready to face the reality?Let's go."bumuntong hininga na lang ako habang hawak-hawak ko ang mga anak ko papaalis sa bahay na tinuluyan namin ng apat na taon.
"Mommy,I'm scared.What if this plane crash?What will happened to us?"I kissed the top of her head.
"We're safe baby.Don't think about it okay?"yumakap na lang siya sa akin.
Buti na lang si Kai,matapang siya.Hindi ko siya masyadong poproblemahin dito sa eroplano.He's excited to land in the PH pero binabantayan ko pa rin siya at baka mawala.Matagal-tagal ang byahe namin kaya napagpasyahan na lang namin na magpahinga muna.
"Good day passengers.Pacific Airline welcomes you to Manila."
"Babies wake up.We're here to Manila."paggising ko sa kanila.
"Really?Yey!I want to meet daddy na."
"Same Khloe but I want to sleep more!"
Gustong-gusto na nila makita yung daddy nila.Yung daddy nila,mukhang hindi.
Bumaba agad kami ng eroplano dala-dala ang mga bagahe namin.Buti na lang nasunod lang sa amin ni Ate Maris ang mga anak ko.Hindi sumasakit ang ulo ko sa kanila pwera na lang kapag naglalaro,tinutulungan naman ako ni Ate.
We booked grab to reach our home.My children was amazed in their new environment but they keep complaining that its hot here.Wala akong magagawa don,mainit talaga dito eh.
Bagong buhay.Bagong kabanata.
Ganoon pa rin naman pala ang bahay namin.Yung mga halaman lang ang lumago.
"Mommy,is daddy inside?"tanong ni Khloe.She kept questioning me where is her daddy.
"He's on work,baby.Soon you will meet him."buti na lang nakakapagtimpi pa ang anak ko.Sorry baby for hiding him to both of you.Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Kuya na kumakain mag-isa.
"Ang aga pa Ste---What?!Bakit hindi man lang kayo nagpasundo sa akin?Welcome back!"tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako ganoon siya kay Ate.Medyo awkward pa pero nandoon pa rin ang excitement.
"Kayo na ba si Kai at Khloe?I'm your Tito,remember me?I missed you so much."
"Tito Pau!"niyakap ng dalawa si Kuya bago niya ito binuhat.
"Surprise ba tawag doon?Dito na kami,hindi na kami aalis."lumaki lalo ang ngiti niya.
"That's good to know Shann pero paano pala ang trabaho mo doon?"
"I resigned already.Architect pa rin naman ako,doon nga lang sa Australia."
"We'll talk later.Igala ko lang to sa bahay 'tong anak mo."hindi pa ako nakakasagot ay lumabas agad si Kuya para igala si Kai at Khloe.
"He seems so excited to meet his niece huh.He acted like their real father to those kiddos.Ikaw,kailan mo balak sabihin?It's your chance girl."tanong sa akin ni Ate Maris bago siya dumiretso sa kwarto nila ni Kuya.
Hindi,hindi ko alam kung paano,saan at kailan ko sasabihin sa kanya.Ayokong malaman niya dahil yung career niya,ngayon pa nakikilala na sila internationally.They're starting to dominate the world especially here in the Philippines.Sobrang dami na nang nagmamahal sa kanila.I regret leaving him without knowing he's already a dad to my 4 year old babies pero ayokong masira din ang tinatahak niyang buhay ngayon.
Masaya na siya,ayoko na siya guluhin at ayoko ng maging parte ng buhay niya ulit.
YOU ARE READING
A Life Before Fame (DRUNK Sequel)
Fanfiction[COMPLETE] DRUNK SEQUEL Shannie believed there was a lifetime waiting for her children. Ken is now the biggest idol in the Philippines. They formed a life before his fame.