"Ano Josh?HAHAHA buti nga away na naman kayo ni Ken mo."pang-aasar ni Kuya kay Josh.
"Hayaan mo siya.Sa rooftop lang yon,papalamig.Landi din no?Ilang taon na pero affected pa rin.Tignan niyo tong si Shann,nakuha pang mag-hi.Weak ba naman ng bata natin."dagdag ni Josh.
"Sigurado ka bang gusto mo na talaga dito?Bukod kasi sa gagawin mo,tutulungan mo din ang staffs at para mabantayan kaming lima."sabi ni Kuya.Tumango ako at nanatili na lang kaming tahimik.Walang umiimik mula nang lumabas si Ken sa training room nila.
"Ano bang ganap niyo ngayon?8 pa lang pero andito na tayo?Start na tayo."
"Ganado ah.Puntahan mo nga si Ken doon sa taas.Magpapractice kami eh.Samahan kita."yaya ni Stell kaya sumunod na lang ako.Boss ko na rin pala sila.
Umakyat kami papunta rooftop kung nasaan daw si Ken.Affected pa rin kaya siya?Masyado naman ata siyang nagpaapekto.
"Kaya mo yan."sabi ni Stell bago tinapik ang balikat ko.
"Bakit niyo ko pinupush sa kanya?Hindi ba bawal kayong ma-link sa mga babae?"
"Naging moody yan nang mawala ka sa kanya unlike before pero nababalance na niya.Ewan ko lang ulit ngayon.Kaya mo yan para kang lalaban sa boss level ng Kingdom Rush."naisingit niya pa yon.
Nadatnan ko si Ken na nasayaw mag-isa.Basang-basa agad ang damit sa pawis.Nilabas ko ang panyo ko dahil gusto ko syang punasan.Kahit ibang sa ibang members magiging ganito din siguro ako.Hindi lang sa kanya.
"Pinapatawag ka na sa baba."mabilis kong sabi kaya tumigil siya sa pagsayaw at binabawi ang hininga.
"What?"
"Sabi ko pinapatawag ka na sa --"
"What are you doing here?Bakit ka pa bumalik?"tanong niya.Grabe.Ayaw niya ba akong makita?Sa bagay,hindi naman siya anh ipinunta ko dito kundi trabahao.
"Trabaho.Architect Shann Mercado."
"Okay sabi mo eh."bago niya ako iniwan na parang wala lang talaga.
"Hoy!Ano kamusta?Nakangiti ang manok kanina."umakyat na din si Stell dito sa rooftop.
"Nakangiti?Haha ang sama ng ugali niya.Tara na bumaba na tayo."hinila ko na siya pababa.
"Stell?!Saan ba kayo galing?1 pm call time niyo doon sa show anong oras na?At kayo bakit hindi pa rin kayo nag-aayos?Bilis-bilis ang kilos guys."pagbaba namin nadatnan namin yung kasabay naming babae na naninigaw sa mga staff at members.
"Ikaw si Shannie diba?Patulong naman ako sa wardrobe ng boys,pumili ka.Kailangan ko kasing mauna sa venue nila.Sorry ha babye!"hindi pa ako nakakatanggi nakaalis na siya.Wala akong alam sa fashion!?
"Ano daw susuotin natin?Asan si Ate Arianne?"tanong ni Kuya.Wth wala akong alam dito!
"Inutusan niya ako.Wala naman akong alam sa fashion niyo!Alin ba damit suotin dito?Eto ba?Eto?"pinagpares-pares ko na lang ang makita ko.Sinubukan ni Stell ang damit na ipinares ko.
"Hindi ka pa marunong niyan?Tignan mo nga suot ko.Ang ganda."napangiti naman ako sa sinabi niya kaya hinantay na ako ng tatlo na mamili ng susuotin nila.
Naubos yung damit?!Teka si Ken wala pa--naghahanap siya ng damit niya dahil nalingon-lingon siya kaya lumabas agad ako para magtanong sa staffs ng extrang damit nila.Kinuha ko agad ang white sleeve polo bagay sa kanya at camouflage cargo pants.Sa tingin ko naman bagay sa kanya kaya itinakbo ko sa training room ang damit niya.Pagdating ko sa loob may damit na siya.Nakapagpalit na sila.
"Saan galing yan?Meron pa pala doon?Oh yun Ken suotin mo na!"sabi ni Josh kay Ken.Kinuha niya naman agad yon sa kamay ko nang may kasamang galit ata.Nadala ako eh.
"Sana maregular ka dito no?Gawin kitang personal assistant."pagbibiro ni Stell.Inirapan ko siya.
Lumabas si Ken sa dressing room at sinuot niya nya ang damit na bigay ko.Bagay na bagay sa kanya.Sana hindi sila mapahiya.
"Okay lang ba?"tanong niya habang kunwaring nagmomodel.Tumango ako dahil syempre ako kumuha non!Saksakin ko siya kapag sinabi niyang pangit.
"Picturan mo ko."naglabas siya ng cellphone at inabot sa akin.Akala ko ako talaga pero buti na lang nakuha ni Stell yung phone ni Ken.
"Need niyo pa ba magmake up?"tumango sila sa tanong ko kaya kinuha ko yung palette sa cabinet nila gaya ng turo ni Kuya.Bahala na si batman.
"Tulungan kita?Ako na kay Jah at sa sarili ko.Ikaw na sa natira."
"Sabotahe ba yan Stell?Mas maganda ka pa magmake up sa akin."wala na akong nagawa dahil inumpisahan na niya kay Jah ang minimal make ups nila.
Ilang minuto lang natapos ko na yung dalawa at ipinares ko ang make up nila sa colors ng damit.Final client,Ken.Panay ang cellphone kasi at walang gana.Lahat kaming nandito nagmamadali tapos siya cellphone!
"Ayoko ng makapal yun lang."sabi niya bago siya umupo sa harap ko.Inumpisahan ko nang gawin ang dapat kong gawin.Silang apat nagpapractice na.Awkward pero kailangan ko tong gawin para sa anak ko.
"Lip balm na.Ikaw na ba maglalagay?"umiling siya.Aba?Ako pa?Yung dalawa sila na daw.Ano sobrang tamad naman.
"Tamad,lip balm na nga lang hindi pa marunong."bulong ko sa sarili ko.
"Lagyan mo na lang kasi ako hindi yung bubulong ka pa dyan."narinig niya yon?!Imbis na mahiya ako lalo lang ako nagngitngit sa galit.
Hinawakan ko siya sa mukha at sunod-sunod na ipinadulas sa bibig niya ang lip balm.Nananatili pa rin siyang naka-poker face.Isa na lang sapakin ko to.
"May galit ka ba sa akin?"
"Same question Ken."
"Sino ka ba para ganunin na lang ako?Sure ka trabaho yan?Pambubulas yan.Ako na nga maglalagay.Ayusan mo trabaho mo ha."tumayo siya at seryosong inayos ang kumayat na lip balm sa kanya bago umalis sa harap ko.
Sino na nga ba ako sa kanya?Medyo masakit ah.Hindi naman siya ganon kahit dati sa ibang tao.
Umalis na sila at ako na lang ang naiwan sa training room.Bumuhos ang luha ko pagkasara na pagkasara ng pinto.Paano niya tatanggapin yung dalawa kung ako hindi niya ako matanggap ulit.Ano bang ginawa ko?Ginusto naman namin pareho na maghiwalay.
Hindi ko na namalayan na ilang minuto na ako umiiyak nang may mag-abot sa akin ng panyo.Yung panyo ko bigla na lang nawala dahil sa ginawa ko.
"Tahan ka na.Okay lang yan."Stell
YOU ARE READING
A Life Before Fame (DRUNK Sequel)
Fanfiction[COMPLETE] DRUNK SEQUEL Shannie believed there was a lifetime waiting for her children. Ken is now the biggest idol in the Philippines. They formed a life before his fame.