28

493 28 4
                                    

"Shannie,gising."

"Nasaan si Krystal?Nandyan siya kanina?"tinapik-tapik na pala ako ni Ken sa balikat hindi ko man lang naramdaman.

"Krystal?Walang Krystal dito.Bakit ka natutulog nang gising?"tumingin ako sa babaeng inalalayan ko kanina at nakatanggal na ang belo nito.Hindi nga si Krystal kundi isang matandang babae nga.Bakit ganito nakikita ko?!Bakit si Krystal?

"Nakita ko si Krystal kanina...Hindi pwedeng hallucination lang si Krystal."niyakap ako ni Ken.Naramdam ko tuloy kung gaano ako wala sa sarili.

"Shh...actually kanina pa walang tao dito bukod sa aleng 'yon.Kalma ka lang ha.Magpahinga ka."he kissed me on my head before going to my room.Nang nagkalakas na ako para gumalaw ay lumapit ako doon sa ale.Totoo pa lang matandang babae ang nalapitan ko kanina.

"Kanina pa kita inaantay na makausap ka ija."bago pa ako magsalita ay naunahan agad ako!Hinawakan niya ako sa kamay at parang may kung ano na dumaloy sa katawan ko.Boom gising.

"Andyan lang siya palagi.Malapit na siyang dumating.Mag-iingat kayo ng pamilya mo ha."kasabay ng pagsasalita niya ang pagtingin niya rin sa palad ko.Manghuhula ba siya?O mali-mali lang siya.Hindi naman ako naniniwala sa ganito pero si Inay,naniniwala siya roon.Lagi siyang nagpapatingin doon sa mga kabaro namin dati.Tinutukoy kaya niya si Krystal?Kung ganoon,handa ako sa kanya.Kung buhay ang nawala,buhay rin dapat ang maging kapalit.

"Opo,nay.Kayo rin po.Mag-iingat din po kayo."ngumiti ito bago nagpasalamat at umalis.Parang bumigat ang pakiramdam ko pagkaalis niya.Itulog ko na lang siguro.

Bukod sa amin nina Ken at Kuya Pau, may mga katulong din kami dito kaya sigurado ako na kahit hating gabi ay babantayan nila si Kai.Pagkapasok ko sa kwarto,uminit.Sobrang init.

"Oh,eto naman nakahubad lang ako eh.Gusto mo maghubo na rin ako?"tinaas-taas pa ni Ken ang mga kilay niya.Kahit nag-iinit na ang katawan ko hindi ko maramdaman ang sarili ko.Hindi ko maramdaman ang gusto niyang iparating.

"Mukha ba akong sabik na sabik sayo?"tinignan ko siya diretso sa mata.Imbis na sumagot lalo pa siyang nakipagtitigan nang matagal.Aba siya pa may ganang magagalit ngayon?Sino bang nauna?

"Hindi pero ako,oo." Nakakainis.Sumunggab agad ng halik!Napakabastos na lalaking 'to.Gusto ko lang naman ng katahimikan,bakit gusto na ako anakan?!

"Doon kay Krys pwede." inis siya eh.Nagsalubong ang kilay niya bago nagsuot ng damit.Nakahiga rin sa wakas pero may asungot na katabi na nakadagan pa ang braso sa mga bewang ko.

"I wanna kill her,damn it."kahit ako rin.Gusto ko siya rin ang kapalit ng buhay ni Kai dahil siya naman ang may pakana nito pero mali.Mali ang pumatay at gumanti.

"Kahit anong mangyari, 'wag kang gagawa ng kahit ano ha.Huwag mong dungisan 'yang pangalan mo.Legal tayong lalaban."tumango siya sa sinabi ko.Kahit papaano mapapanatag ako na hindi siya gagawa ng hindi kaaya-aya.

Lumipas ang ilang araw ay naging maganda naman ang daloy ng burol ni Kai.Nag-aayos na ako ng mga gamit niya na isasama sa libing niya ngayon.Hindi ko na naman maiwasan na maging emosyonal dahil ito na ang huling araw na makakasama namin siya.Magiging bukas sa publiko ang libing niya dahil gusto ni Ken.Para naman daw may babalikan siyang mga ala-ala.

Sa sobrang daming taong pumunta,hindi ko na alam kung sino ang nandito para makiramay o makipag-meet and greet sa mga artistang pumunta.Buti na lang may securities na magbabantay sa amin.

"Hahanapin natin si Krystal mamaya ha,love."napatingin tuloy ako sa paligid dahil pwede siyang pumunta dito.Mas marami ang fans na nandito.Karamihan fans ni Ken.

"Sige."nag-umpisa na ang misa at mabilis din naman natapos.Si Ken na ang pinagbigay ko ng huling mensahe sa mga nakiramay.Gusto kong umiyak pero walang nalabas na luha sa mga mata ko.Si Ken ang panay-iyak.

Dumating kami sa sementeryo kung saan si Kai ililibing.Mas marami pa ang nag-aabang.Parang nakikita ko si Kai na umiiling dahil ang daming tao at takot na takot.

Sa huling silip namin kay Kai ay parang masaya naman ang mukha niya.Isang anghel na agad kinuha.Alam kong purpose and Diyos kung bakit siya kinuha agad sa amin.Masakit pero tatanggapin.

"Yumuko kayong lahat!"pagkalubog kay Kai ay isang malakas na putok ng baril ang nambulabog sa amin.Tinakpan ako ni Ken gamit ang mga braso niya kaya hindi ko makita ang paligid.

"Sino 'yon?!"

"Si Krystal po!"paulit-ulit na umugong sa tenga ko ang pangalan ni Krystal.Ito na ba ang ganti niya sa ginawa ko???

"Tanginang babae 'yan."sobrang dami nang nagpapanic sa putok ng baril na 'yon.Ang dami pa namang tao.Kumalas ako sa braso ni Ken at hinanap si Krystal.

Malayo pa lang kitang-kita ko na ang skirt niyang pulang-pula at black shades.May mga kasama pa siyang bortang mga lalaki.May bitbit pa siyang puting panyo habang naglalakad papunta sa amin.Kita ko kung paano sumasalubong ang mga kilay at takot sa mga mata ng mga nandito.

"Dear Shannie,Condolence."

"I'll kill you,Krystal!This is all your fault!"biglang sumungab ng suntok si Ken pero napigilan ko at napigilan ng mga lalaki ni Krystal.

"Yes,I know.I'll never regret killing your son...You deserve that because you're a cheater."akala mong nanonood sa sinehan ang mga tao dito lalo na ang fans.Nag-iinit na rin ang kamay ko na sabunutan siya.Nakakainis pa sa mata ang pulang-pula niyang damit.

"Hala!Si Krystal pala dahilan non!"may sumigaw na isang fan kaya napalingon kaming lahat.Gulo na naman 'to....

"Find that kiddo,shoot her."lalo tuloy nagkagulo.Nagtakbuhan na ang iba.Pinapaalis na sa venue ang ibang artista dito.Kami rin naman pinapaalis pero hindi namin pwedeng iwanan si Krystal dito pero bigla siyang umalis.

"Love,umalis ka na.Pupuntahan ko si Krystal."

"Tanga ka ba?Baka patayin ka niya!"

"Babalik ako,umalis na kayo."mukhang wala na akong magagawa dahil tumatakbo na siya papunta kay Krystal.

"Ma'am tara na po."umalis na ako habang nakatingin pa rin kay Ken.Sana walang masaman gawin si Krystal o si Ken.Walang mamatay.

"Magtiwala ka kay Ken.Alam niyang ginagawa niya."niyakap ako nang mahigpit nina Josh,Stell,Jah at Kuya.Natatakot na kasi ako...Ayoko namang sundan ng kahit sino si Kai.Si Khloe naman iyak na rin ng iyak.Baka ma-trauma si Khloe.

Habang naka-stay kami sa van ay unti-unti nang tumatahimik ang paligid.Sisilip sana ako sa labas nang biglang...sunod-sunod na putok ng baril ang sumira sa katahimikan...

"Hindi pwede...Ken!"

A Life Before Fame (DRUNK Sequel)Where stories live. Discover now