"Wala na." Isa-isa kong tinawagan ang mga kakilala ko.Nag-umpisa ako kay Kuya Pau bago kay Ate Maris.Gustong-gusto tuloy niya umuwi dito para abutan si Kai.Sina Stell,Jah at Josh,biglang sumugod dito at niyakap si Ken nang mahigpit.Ganoon din sila sa akin.
Hanggang ngayon ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko na wala na ang anak ko.Hindi ko alam paano mamumuhay ng ilang taon nang wala siya.Lagi kong mararamdaman na may kulang sa akin.
"Dre,hindi 'yon pwede eh.Wala pang buwan nang magkasama kami."patuloy sa paghikbi si Ken habang kinakausap ng apat.Hinayaan muna nila ako sa loob kasama si Khloe.Walang kaalam-alam na ang kakambal niya,wala na.
"Mommy,why Daddy crying?And you crying din."pinunasan niya ang mga mukha ko gamit ang maliliit niyang kamay.Nararamdaman ko pa rin ang presensya ni Kai.
Sobrang bata niya pa para mamatay.Sobrang bata niya pa para madamay sa gulo naming tatlo nina Ken at Krystal.Hindi dapat siya nandito kung palagi akong nasa tabi niya.Hindi sana umiiyak si Ken nang malubha ngayon kung nakasama niya ng matagal silang dalawa.Hindi sana ganito kasakit kung hindi kami kinain ng pride.Sana ako na lang.Hindi 'to pwede pero wala na akong magagawa.
"Khloe, I love you so much. Don't leave me,okay?"
"I love Mommy,Daddy and Kai!Wake up,Kai~"pilit niyang niyugyog si Kai kahit hindi niya maabot.Mainit-init pa rin naman ang katawan niya pero namumutla na rin siya.Ngumiti sa akin ang anak ko kaya pinilit ko ring ngumiti at niyakap siya.
"Kai won't wake up because he's permanently sleeping." Bata pa rin si Khloe para maulila sa kapatid.Alam kong hindi niya pa gets 'yon dahil tumango-tango siya at walang reaksyon na nakatingin sa kakambal niya.Maya-maya pa ay dumating na ang mga doktor na mag-aayos papunta sa morgue.
Paglabas namin ni Khloe ay dumagsa ang mga tao sa pasilyo ng kwarto ni Kai.Mga nurse na malayong nakatingin sa amin.Hindi ko alam kung nandito sila para makiramay o nandito sila dahil nandito ang SB19.Bahala na.
"Ikaw!Kasalanan mo 'to eh.Kung sinabi mo kasi agad na may anak tayo edi sana nakasama ko pa sila nang matagal."bigla akong sinigawan ni Ken.Tinakpan ko ang tenga ni Khloe.
"Ken,bakit ako?!Akala ko ba tanggap mo naman?Bakit ako sinisisi mo bakit siya nawala?Ken,mas masakit dahil ako yung nanay!Wala nang mas sasakit pa doon.Kung ako lang naman sisisihin mo,sana ako na lang ang namatay nang magkasama kayo ng mga anak mo!Napasakit mo magsalita--"
"Wala kang kwentang ina." biglang nag-alisan ang mga tao sa pasilyo bukod sa amin nina Kuya Pau na pumipigil kay Ken.Si Justin na pumipigil sa akin.Si Stell ay hinila na si Khloe palayo na rin sa amin.
Sinampal ko siya.
"Gago ka pala eh!Bawiin mo sinabi mo."sinuntok ni Sejun si Ken na mukhang gulat pa sa ginawa ni Kuya.
"Ano ba 'yan tumigil na nga kayo!Sa tingin niyo matutuwa si Kai na nagsisisihan kayo kung bakit siya namatay?Nakuha niyo pang mag-away sa ganitong sitwasyon.Paano matatahimik 'yang anak niyo?"umawat na si Justin sa pagitan namin bago umalis si Ken.Sinundan siya ni Kuya.
"Justin,bakit naman ganoon?Ako ba pumatay sa anak ko?Walang may gusto sa nangyari."napayakap na lang ako kay Justin.Sobrang bigat ng nararamdaman ko.Halo-halong galit,poot,sakit,kapighatian.
"Nadala lang 'yon.Huwag mo siyang isipin ha.Wala na siya sa huwistyo para mag-isip ng mga ibibitiw niyang salita.Magiging okay rin ang lahat.Usap kayo mamaya.Sure ako pagsasabihan din yon ni Sejun." tama si Justin.Nadadala lang si Ken ng bugso ng damdamin.Ako rin.Ayoko pa mamatay pero nasabi ko yon kanina.Mali ako doon.Ayokong ibigay ang buhay ko dahil kailangan kong lumaban.Pagsubok lang 'to.
"Matatapos din ang lahat ng problema, 'di ba Jah?" Tumango siya bilang sagot.
Nailipat na si Kai sa pinagkakatiwalaan na purinaria ng ospital.Napagpasyahan naming magiging private ang burial ni Kai para iwas gulo, iwas media at kahit konting privacy man lang.Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikita ni Ken.Hindi ko alam kung nasaan siya dahil ako ang nag-aayos.Kahit pribado ang magiging burol ng anak ko,bumuhos ang pakikiramay ng fans at supporters sa amin.Hindi ko naman mapasalamatan lahat dahil bawal daw magpasalamat ayon sa pamahiin.
Umuwi kami sa bahay nang tahimik at inaantay ang labi ng anak ko.Walang nagtatangkang lumapit kahit isa sa akin.Tinignan ko tuloy ang sarili ko sa cellphone ko.Mukha na akong zombie.
Pumasok ako ng kwarto para mag-ayos ng sarili.Hindi matutuwa si Kai na sasalubungin ko siya ng ganito ang itsura ko.Habang nag-aayos nakita ko ang huling binasang libro ni Ken sa mga anak niya, You're my boo.
"Shann,pwede ka bang makausap?" Hindi ko na kailangan lumingon para makita kung sino ang pumasok sa kwarto ko.
"Oo naman,bakit hindi?Pumasok ka." Tuluyan na ngang pumasok si Ken at isinira ang pinto.Kahit na may sama ako ng loob sa kanya sa mga sinabi niya, para akong nanghihina kapag nandyan ang presensya niya.Kung ang Diyos ay nagpapatawad,ako pa kaya na tao lang.Nagtabi kami sa kama at walang nagtangkang magsalita.Maya-maya pa ay hinawakan ni Ken ang kamay ko.Nanginginig at nanlalamig pa siya.
"I'm sorry kanina.Nadala lang ako.I'm sorry."umiiyak na naman siya.Gamit ang isa ko pang kamay,inangat ko ang mukha niya para makita ang gwapo niyang mukha.Namamaga at namumula na ang mga mata nito.Bumitaw ako sa kanya para punasan ang mukha niyang nanlalagkit na rin.
"It's okay.Wala 'yon...Huwag ka na ngang umiyak.Ang pangit mo na eh."
"Ano ba,Shann!"pagbibiro ko.Nahampas tuloy ako.Pinunasan niya ang luha niya.
"Akala ko hindi mo na ako mapapatawad.Hindi ko naman ginusto 'yon.Nadala lang talaga."
"Okay lang.Pagkaalis mo,napatawad na agad kita.Jah told me that you're just carried away.Wala na tayong magagawa doon."sumandal ako sa kanya.I felt safe.
"I love you."
"I love you too."nilapit niya ang mukha niya sa akin.Nakabukas na ang bibig ko para sagutin ang halik niya pero may isang umepal!
"Anak niyo nasa labas na.Next time na lang kayo mag-kiss."bitter kuya Paulo enters the scene.
Mabilis na inayos ang burol ni Kai.Sobrang gwapo niya pero hindi ko pa rin maiwasan na ilang araw na lang ay hindi ko na ulit siya makikita at makakasama.Sabay kaming tumingin ni Ken at this time,nakangiti na siya.Hindi naman siguro ibig sabihin non na masaya siyang nawalan kami ng anak.Masaya siguro siya dahil nagkaayos na rin kami.
Ilang araw ang lumipas sa burol ni Kai ay dumadating ang mga kakilala namin.Ang ilang fans ay nagpahatid na lang ng abuloy o kung ano-ano pa.Bakit naman kami tatanggi,kailangan din namin 'yon at naappreciate namin.Marami ang nagulat na may anak nga raw kami tapos nawala pa agad.Halos pare-parehas lang sila ng naging reaksyon tungkol sa amin.Ang mga taga-probinsya, pumunta pa dito para tignan ang anak ni Ken.Si Ate Maris, video call na lang tuloy.Umiiyak din.
"H-hello po.Uhm,gusto niyo po bang kumain muna?Mukhang kanina pa po kasi kayo nandito sa labas namin." Habang nasa labas kasi ako kanina at kausap ang mga schoolmates namin ni Ken dati, may babaeng naka-itim na belo na kanina pa nakaupo sa gilid.Hindi naman siya umiimik pero sumama siya papasok sa akin.Hinayaan ko siyang iaassist ng mga katulong na namin dito.Naiwan tuloy si Ken sa labas.
"Love, who's that?Kilala mo ba?"
"Actually,hindi pero baka nagugutom siya kaya binigyan ko ng makakain."
"Kai would be proud of you if he's here."bola ni Ken.Pinagmamasdan ko sa malayo yung babaeng tinulungan ko.Nakain naman siya nang tahimik sa gilid pero habang tumatagal ang pagtingin ko sa kanya iba ang nararamdaman ko.
"Bakit siya may Iphone?!"bago niya pa kunin ang mamahalin niyang cellphone ay luminga-linga pa ito sa paligid.Dali-dali akong pumunta sa kanya at tinanggal ang belo niyang humaharang sa mukha niya.Nanigas na lang ang katawan ko.
"Miss me?"anong ginagawa ni Krystal dito?!
YOU ARE READING
A Life Before Fame (DRUNK Sequel)
Fanfiction[COMPLETE] DRUNK SEQUEL Shannie believed there was a lifetime waiting for her children. Ken is now the biggest idol in the Philippines. They formed a life before his fame.