"Thank you for today pero pwede friends muna?Closure na lang."after namin kumain bumalik na kami sa building at pumunta ng rooftop.Hindi namin alam kung bakit walang tao sa building pero okay na rin.
"May friends bang magka-holding hands?Nakasandal ang ulo ng isa sa balikat ng isa at hinahayaan lang halikan ang ulo nito?May friends bang nagsusubuan ng french fries at chicken?May friends nagyayakapan ng minutes at nagtititigan ng ilang seconds?May friends bang nagtatawagan ng love?"pagdedetalye ni Ken.
"Oo,tayo.Bitiwan mo nga ako."kumawala ako sa pagkakahawak niya.
"I'm glad that you came back into my arms again."
"I came back for work not to have a fling.Sinubukan ko lang naman pero hindi ko naman alam na ikaw yung kausap ko.Marami ka pang dapat ikwento."sabi ko sa kanya.
"Yeah.Marami nga.I'm excited to tell you everything nung nawala ka at ngayon nandito ka na.I can catch up with you again as a friend.We're getting there again okay?"tumango na lang ako sa sinabi niya.
Tama ba itong ginagawa ko?Hindi na ako makapag-isip ng matino.Ginusto ko rin naman na makasama siya pero parang may mali talaga dito.I can feel his sincerity to me.Gusto niya pa rin ako after all.
"Ayaw mo ba talagang magkaanak pa?"tanong ko sa kanya.
"Ayaw ko muna ngayon,bata pa tayo Shann.We need to explore every inch of our body before having kids--Oo nga pala,we already did it."tumawa pa ang gago.Ako pilit lang dahil sa kanya na mismo nanggaling na ayaw pa niya magkaanak.Gumilid na naman ang mga luha sa mata ko.
"Thank you talaga.Baba muna ako."
"Sama na ako."sabay kaming bumaba ng rooftop nang tahimik.
Kanina lang ay walang tao,ngayon halos mapuno na ulit ang loob kaya napatingin kami sa isa't isa at nagtataka kung bakit sobra naman ang rami ng tao ngayon.
"Ate,anong meron?"tanong ko sa babaeng nasa harapan ko.Nakahawak lang sa magkabilang balikat ko.
"Dumating na siya!Si Miss Krystal Lee.Ang ganda talaga niya."Krystal Lee?Sino naman yon?
"Kilala mo yun?"tinignan ko si Ken sa likod at nag-umpisang magtagis ang bagang niya.
"My greatest nightmare.Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito,ate?"
"Ah a-ano,mag-stay na siya dito para maging artist na lang sa Pinas."ipinikit na lang ni Ken ang mga mata niya at huminga nang malalim?Anong meron?Wala akong ma-gets?
Iniwan ko muna si Ken na nakapikit lang doon at pumunta sa harapan para makita yung Krystal nang maayos.Matangkad siya,long-legged at charming.Singkit and may magandang ngiti.Matangos ang ilong at maganda ang buhok.May bangs rin siya na mataas sa kilay pero bagay naman sa kanya.Kamukha niya si Taeyeon ng Girl's Generation.
Puno ng pagbati ang sumasalubong sa kanya at bumabati rin naman siya pabalik.She's a nice person.Meron kasing hindi namamansin pero siya,genuine ang pagbati niya pabalik sa iba.
"Where's daddy?"tinuro ni Ate Arianne ang office ni Sir Xander at pumasok.So anak siya ni Sir Xander.Bakit sinasabi ni Ken na siya ang greatest nightmare niya?Akala ko noon ang maubusan ng balat ng pritong manok ang kinatatakot niya,babae na rin pala.
Pumasok ako sa training room at nadatnang nagsasayaw ang apat.Wala na naman si Ken as usual.
"Bakit ang ingay sa labas,Shann?"tanong ni Josh na umiinom na ng tubig dahil kakatapos lang sumayaw.
"Dumating si Miss Krystal Lee."naibuga ni Josh ang iniinom niya.Ganoon rin si Jah,Sejun at Stell na nakabalik na rin pala agad.
"Anong ginagawa ng babaeng 'yon dito?"same reaction from Ken
"Ewan ko.She's nice.Ngumiti pa siya sa akin."sabi ko.
"Kung alam mo lang Shann,kakalbuhin mo siya."sabi ni Justin.
"'Wag niyo nga ikwento.Hayaan niyo siya na maka-discover para worth it."sabi naman ni Kuya.Parang tanga talaga.
"Eh nasaan si Ken?Magkasama kayo kanina diba?"tanong ni Stell.Tumango ako at sinagot rin naman agad siya.
"Magkasama kami kanina.Nang dumating si Krystal,lumayo ako at iniwan siya."
"Bakit mo iniwan!Bakuran mo na ang gago.Hanapin mo bilis!"tinulak ako ni Josh palabas.Eh ano naman kung iwan ko siya?
Hinanap ko rin naman agad si Ken.Tinignan ko siya sa pwesto namin kanina pero wala na siya roon.Tinanong ko na ang mga tao dito at ang sabi nila ay nasa office si Ken kaya pumunta ako doon at isinandal ang tenga sa pintuan.Masamang makisali sa ibang usapan pero bakit ko ginawa?Para malaman kung anong nangyayari sa loob.
"Did you miss me Babe?I know you missed me so much."
"Yeah.I missed you too but please let go of me.May naghihintay sa akin sa labas."
"I don't care.I'm your girl and I'm sure we will work together.Daddy,please tell the media that Korea's IT girl,Krystal Lee just landed in the Philippines and please held a conference for me with your other artist.I can't wait to tell everyone about our relationship for 3 years Ken.I love you so much."
Mukhang may makakalbo nga ako.
-short ud:)))5 days before first day of class for 2021ㅠㅠ
YOU ARE READING
A Life Before Fame (DRUNK Sequel)
Fanfiction[COMPLETE] DRUNK SEQUEL Shannie believed there was a lifetime waiting for her children. Ken is now the biggest idol in the Philippines. They formed a life before his fame.