"Oo naman.Tutulungan kita."hinawakan niya ang kamay ko.Para akong kinuryente sa ginawa niya.
"Thank you so much!I love you."
Mahal ko rin ang mahal mo,Krystal.Paano yon?"Ken!Ken!Happy Birthday.I have a gift for you."lumapit si Ken sa amin.Kahit kinakausap siya ni Krystal,sa akin siya nakatingin.Hindi ko rin tuloy maiwasan na mapatingin sa kanya.Ayoko.Ayokong malayo ka sa amin.
"Kinakausap ka ni Krystal,Ken.Huwag sa akin ang tingin ha.Sige,mag-usap muna kayo."nakita ko kung paano gumuhit sa mata ni Krystal ang saya at kung paano gumuhit sa mukha ni Ken ang pagtataka.Hinayaan ko na sila bago ako pumunta kay Kuya Paulo.Alam kong matutulungan niya ako sa panibagong sitwasyon naming tatlo.
"Hindi 'yon pwede.Mas kailangan nina Kai at Khloe si Ken kaysa kay Krystal.Ano magpapaubaya ka na naman?Gusto mo bang gawing katorse ang trece martires?"lumabas muna kami sa malapit at pribadong coffee shop na nasa baba lang ng building.Bawal ang fans dito at tanging ang mga nasa building na ito ang pwedeng pumasok.Kahit ganoon nakikita ng mga tao sa labas kung sino ang nasa loob kaya may mga nakatingin sa amin.Malamang fan yon.
"Kuya sabi ko tutulungan ko siya.Ayokong makasakit ng dahil lang sa lalaki."
"Shann,sa larong ito.Ikaw na ang panalo.Ikaw ang gusto.Ikaw ang may anak.Ikaw ang kasama.Ikaw ang mahal.Nakuha mo na rin ang grand prize mo,si Ken.Ang bonus na kasal,wala pa dahil sa trabaho namin.Sinong nanalo ang magsasayang ng mga pinaghirapan niya para lang sa isang favor na sisira ng lahat ng 'yon?Ikaw lang.Huwag kang tanga ulit ha.Saka si Kai at Khloe,huwag mong hayaang lumayo na naman si Ken sa kanila.Ang pamilya ang pinakamagandang kayamanan sa lahat.Sila ang kasiyahan mo.Huwag mo namang ibigay sa iba ang walang katumbas na saya."
"Ang laro namang iyon ay tayo lang ang nakakaalam.Walang may alam bukod sa atin.Unfair ang laro kung tayo lang ang nakikinabang."
"Hayaan mo na lang kasi si Ken na sabihin kung anong meron sa inyo para tigilan na talaga siya ni Krystal.Kaso,si Krystal.I know her.She will do everything just to achieve and get what she wants.Another monster will ruin someone's life and that someone doesn't know what to do.Kawawa naman siya.Sana maging tama yung desisyon niya." Pertaining to me.Kahit hindi sabihin ni Kuya kung sinong pinapatamaan niya,alam ko namang ako 'yon.Hindi na masama ang ugali ni Krystal pero mukhang babalik ulit si Krystal noong unang pagkikita namin kung may balak si Ken na sabihin ang sa amin.
Inubos na lang namin ang kape namin bago bumalik sa party para sa live nila.Kasama ko si Krystal na nasa likod ng kamera.Sinunod nila ang agenda for the live bago mag-thank you message si Ken.Huwag na huwag siyang magkamali ng mga sasabihin.
"...and then I want to use this opportunity to tell everyone about us as a group."Kuya Paulo tapped Ken's thigh before looking at me.Kinabahan ako bigla.
"We are now open for relationship and I just want to say that I found the one."napatingin ako sa views ng live nila.Umabot bigla ng 100k views.Halos hindi ko na marinig ang paligid dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.Nang tignan ko si Krystal ay masaya siyang nakatingin kay Ken.May pinagusapan kaya sila?Sila na kaya talaga?
"I-I already have my own family...I have two kids already."parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa naririnig ko.Hindi ko alam kung titingin pa ako sa paligid ko pero mukhang hindi na dahil rinig ko kung paano sila nag-react.Kahit ayokong gawin tumingin ako sa reaksyon ng nasa paligid ko.Si Ate Arianne,mukhang hindi na nagulat.Si Josh,Stell,Justin and Kuya,nakatingin lang sila sa ibaba.Ang ibang staffs napatakip na lang ng bibig at si Krystal,sa akin na pala nakatingin.Kainin mo na ako lupa.Now na.
"And their mother...I love her.I really love her and this day,I want to make clear things out.My relationship to Ms.Krystall Lee was all fake.W-we're just a very good friends.All rumors are now answered and if you think who's my children's mother is....you know...you're all right.Sana tanggapin niyo pa rin ako."
Tapos ang problema ko.Pati buhay ko tapos na.
"You deceived me!!!"biglang sumigaw sa gilid ko si Krystal.I ended the live bago pa masunog ang building dahil sa galit ni Krystal.Isang malakas na sabunot at sampal ang sinalubong ko.Bigla na lang akong natumba at nanginginig ang kalamnan ko.
"You're a slut!You're a flirt ass bitch!Worse than animal!You deceived me!I will kill you mother--"
"Krystal stop!Don't you dare do it again to Shannie!Just accept the fact we will not be together because I have my family!I don't love you.I really don't and will never love you the way I love my wife."dinuro ni Ken si Krystal bago ako niyakap.Walang nagsasalita at hagulhol lang ang mga naririnig ko.Tinitignan ko ang staffs at mukhang hindi pa nagsi-sink in sa utak nila ang mga nangyari.Kahit ako rin eh.Tawagin akong wife sa harap ng mga taong pinagtaguan namin.
"You will pay for this Shannie.You will pay."hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak bago umalis si Krystal sa loob ng training room.Monster is coming....Huwag na huwag niya lang subukang gawin ang pinaka ayaw ko,ang idamay ang mga anak ko sa gulo namin.
"Problem solved Shann!"
"Kuya naman eh!Kaya ka iniiwan!"napatawa tuloy sina Stell at inaasar si Kuya.Bugnuting kuya.Kahit walang nakakatawa doon,parang natatawa na rin ako kasi dahil sa kanilang lima,siya na lang ang walang babaeng hinahabol.Balita ko ikakasal na si Ate Maris doon sa manliligaw niya.
"Okay ka lang?Masakit ba?Teka,aawayin ko lang si Krys--"
"Ikaw.Mag-usap tayo.Tayo lang.Sa rooftop."biglang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko kay Ken.
"Bakit?Bakit mo sinabi agad-agad?Ken kaya nga nagawa kong itago para hindi masira ang career mo tapos sasabihin mo naman agad-agad.Ngayon,ano nang gagawin mo kay Krystal?Sinaktan mo siya Ken.Nahulog na siya sayo.Humihingi siya ng tulong sa akin para maging kayo na.Gusto ka na niya.Napakainsensitive mo."ang ganda-ganda ng paligid.Sunset na tapos sumabay pa 'tong moment na 'to.
"Hindi ko siya mahal."
"Tapos,'yun lang?Rason mo ba 'yon?Dahil lang hindi mo siya mahal?Napaka-insensitive mo nga."
"No one pushed me to say all of this in public.Ang gusto ko lang naman,malaman ng lahat na mayroon na akong kayo.Na masaya na ako sa inyo.Na tanggapin nila ako kahit pamilyado na ako.Ipinagsisigawan ko kayo sa buong mundo.Proud ako sa inyo at ganoon ko kayo kamahal.Saka kahit masira pa ang career ko wala na akong pake--"
"Ken naman!Nag-iisip ka pa ba?!Sinisira mo ang buhay mo Ken.Kaya naman nating mabuhay nang tahimik,hindi na kailangan malaman ng iba na mayroon pa ring tayo." Nakatingin lang si Ken sa malayo.Tumatama sa mga brown niyang mata ang sinag ng araw.Lumilingid na rin sa mga mata niya ang mga luhang babagsak na.
"Ang hirap magtago na lang palagi.Deserve niyo namang ipagmalaki,bakit ayaw mo?Lagi na lang akong nahaharangan ng lintik na career na 'to dahil para hindi ko magawa ang mga gusto ko.Gusto ko na rin naman mamuhay nang tahimik.Yung kagaya ng dati.Yung ang poproblemahin lang natin ay kung paano tayo magse-celebrate ng monthsarry natin.Gusto ko rin naman mamuhay ng normal gaya niyo na hindi kailangan pagtakpan ang sarili para sa iba.Hindi ko naman ikakamatay kung mawawala ako sa grupo.Ang ikakamatay ko,kapag nawala pa ulit kayo sa akin."wala akong masabi sa pinagsasabi ni Ken.Para kaming nag-iinuman dito at nag-uusap paano namin itataguyod ang pamilya namin.Tumulo rin ang luha ni Ken.Hinawakan niya ako sa kamay bago niya ako niyakap nang mahigpit.Sobrang higpit.
"Magtiwala ka lang sa 'kin.Sa akin lang.Matatapos din 'to.Mahal na mahal kita."
"Magtitiwala na naman ako pero last na 'to.May tiwala ako sayo."ilang minuto kaming nanitili lang sa ganoong posisyon bago bumukas nang malakas ang pinto sa rooftop.Niluwa noon si Stell at sumigaw sa amin si Kuya Paulo.
"Shannie!Ken!Yung mga bata nawala sa bahay."
YOU ARE READING
A Life Before Fame (DRUNK Sequel)
Fanfiction[COMPLETE] DRUNK SEQUEL Shannie believed there was a lifetime waiting for her children. Ken is now the biggest idol in the Philippines. They formed a life before his fame.