8

519 30 6
                                    

"Mommy!I miss you."yakap ako ng dalawang anak ko.Miss na miss ko na rin sila.Parang ilang araw lang,miss ko na agad sila.Mas madalas ko pang kasama ang mga katrabaho ko.

"I miss you more babies.Let's watch TV na lang okay?Mommy's tired."physically and emotionaly.

Umupo na kami sa sofa.Kumuha ng snacks at nanood nga lang ng TV.Kahit hindi ko gusto ang pinapanood ko,gusto ko na rin para sa anak ko.Tuwang-tuwa sila habang pinapanood ang cartoons.Si Ate Maris lumabas kasama ang manliligaw niya.Mukhang masaya na siya palagi hindi gaya ng dati na parang masaya lang siya kapag nakatingin kami.Gusto ko rin maging masaya nang maluwag sa loob ko.

Malapit na rin magpasko kaya iniisip ko na rin kung anong gagawin ng mga anak ko dito.Kakain,mamamasyal,maglalaro buong araw--'yon na ang nakagawian namin sa ibang bansa.

Someone knocked the door at ako na lang ang nagbukas.Busy ang mga anak ko.Nag-aagawan pa ng remote.

"Can I come in?Andyan ba sila?"tumango ako sa tanong ni Justin.

"Akala ko may conference kayo?Bakit ka nandito?"

"Si Sejun at Ken lang isinama nila.Ikaw?Akala ko ikaw mag-aassist?Isang linggo ka na hindi pumapasok ah."

"Kailangan ko makasama anak ko kahit ngayon lang ulit.Pasok ka."hinubad pa ni Jah ang kanyang sapatos.Nakamedyas siya na Batman.Isip bata pa rin.

"Kai,Khloe,--Kuya Jah is here."napalingon agad ang dalawa sa gawi namin kaya napatakbo ang dalawa palapit sa amin at kinuha agad ang dala nitong mga laruan at pagkain.Spoiled na spoiled ang mga anak ko.

"Thank you Kuya Jah!Love you po!"hinalikan ng dalawa sa magkabilang pisngi si Justin bago kami iniwan sa sofa.Dumiretso ang kambal sa kwarto dala ang pasalubon ni Jah.

"Cartoons?Akala ko ayaw mo niyan?"

"Baka ayawan ako ng anak ko kapag hindi ko pinanood."kinuha niya ang remote at inilipat iyon sa korean channel.Saktong-sakto naman na mag-uumpisa na pala ang conference at live pala siya sa TV.

"Panoorin na lang natin kung paano magsinungaling asawa mo."tuwang-tuwa pa ang gago.

"Saksak niya pa sa baga niya si Ken."kumain na lang din ako ng popcorn para panoorin kung paano lumunok ng apoy si Kuya at Ken.

Nag-umpisa nang lumabas ang artist.Nauna si Kuya at Ken at sumunod si Krystal.She look stunning in her light red dress.Hindi na ako magsisinungaling na talo niya talaga ako pagdating sa itsura.Sabagay,ilang taon akong nawala.Pwedeng paltan na lang talaga.

"Ang umiyak manlilibre."

"Ako iiyak?Jah tatampalin na kita ng tambo."

Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ang conference.Ipinakita ng camera kung gaano karaming media ang dumalo.Sumunod rin si Mr Xander katabi ni Krystal.Ganyan kasikat si Krystal na sinamahan pa ng SB19.Sikat pala siya,bakit hindi ko man lang nabalitaan noon pa?









"Please give around of applause to our very famous personalities Ms.Krystal Lee together with SB19  Sejun and Ken.We are glad that you came here and will answer controversies especially Ms.Krystal.We are live at korean channel to broadcast what is happening now.Media,you can now ask the famous personalities and their CEO,Mr.Xander Lee."

Nag-umpisa na ang tanungan tungkol sa careers nila lalo na kay Krystal.She looks very natural in answering questions.Magaling talaga siyang aktres ha.Nagtatanong rin ang media sa dalawang lalaki at sa manager tungkol sa iba pang isyu gaya ng fake news,rules at ang palaki nang palaki nilang pamilya.

"I want to take this opportunity also to announce that our group will have a free concert exclusive in the Philippines next year.Marami kaming pasabog na pinaghahandaan para magkaroon ng concert here.Thanks to our managers and fans na patuloy na sumusuporta sa amin."

"May concert kayo ah.Bongga"sabi ko kay Jah na nakakunot na naman ang noo sa sinasabi ni Kuya Pau.

"Akala ko joke lang 'yun.Gusto namin pero totoo na pala 'yon.Pagod na naman ako."nakakaawa na rin sila.Sa sobrang sikat,hindi na nila mabigyan ng oras ang sarili nila.Kahit ang pamilya ni Kuya Pau ganoon rin ang sinasabi sa akin.Minsan na lang makadalaw si Kuya doon.

"I don't know why no one is asking about this but my question for you Ms.Krystal is,do you have a relationship?You're so pretty--I mean you're too pretty to be no boyfriend since birth."humiyaw ang media.Sa lakas,narinig pa rin ito kahit nasa likod sila ng kamera.May patakip-takip pa ng mukha si Krystal na kunwari'y hindi inaasahan ang tanong nito.Tinignan ko ang reaksyon ni Kuya at Ken at nakangiti lang ito.Si Mr.Xander ay ganoon rin.I already know the answer.

"Actually,I'm in a relationship for 3 years and counting and I think this is also a good opportunity to reveal my boyfriend for 3 years."mahinhing sabi nito na ikinataas ng kilay ko.

"May karelasyon na pala yang babaeng yan.Buti na lang at tinantanan din niya si Ken."hindi ko na lang pinansin ang presensya ni Jah dahil gusto ko tutukan kung paano sasabihin ni Krystal at Ken ang kanilang relasyon.


"Who is it Ms.Krystal?May we know who is it?"tanong ng baklang nagtanong rin sa kanya kanina.Tumatawa ng nakayuko si Krystal bago humugot ng hininga para sagutin ito.

"I'm in a relationship.....with Ken.That's why he's here also."lalong naglapit si Ken at Krystal na tumatawa nang mahinhin.Nakasubsob ang mukha ni Krystal sa balikat ni Ken.Isinandal lang ni Ken ang ulo niya sa babae.

"What the--Kailan pa sila si Ken?Gago pala yan!Tignan mo si Ken--"

"Jah enough--I already knew about it.

"Ano?Saan?Sino?Bakit?Sa paanong paraan?"

"Haha funny mo.Narinig ko sila sa office."

"Tsismosa ka na rin pala.Ngayon ko lang nalaman.Ano?Masakit?"sabi nito habang pinapanood ako kung paano mainis.

"Ikaw,tatampalin na talaga kita ng tambo.Nakakainis lang na kung kailan kami okay na,may iba na pala siya.We're getting there,we're getting there pa siya nalalaman tapos may girlfriend pa siya.Eto pa matindi,tinago niya pa sa inyo.Akala ko bro code ang bawal magjowa?Ken niyo nasiraan na ulo."

"Akala ko rin bawal,pwede na pala.Eh kung tayo na lang kaya?"ngumisi pa ito.

"Ikaw ba nakabuntis sakin?"

"Hindi pero ako yung tumatayong tatay."tinaas pa nito ang dalawang kilay nito.Hinagisan ko siya ng unan at tumawa lang kami.

"Pero pre seryoso,sana hindi ka ganyan kung ipinaglaban kita.Sayang huhu."

"Sana nga pero hindi eh.Ayaw ko na sayo."

"Sama na talaga ugali mo.Kakalbuhin kita eh.Labyu!"niyakap na lang niya ako.Alam naman namin kung hanggang saan lang kami,bestfriends.Hanggang doon na lang talaga.

"Papasok na ako bukas.May kakalbuhin din ako eh."nagulat pa ito sa sinabi ko at malakas na tumawa.

"Ako na bahala sayo."buti na lang talaga andyan si Justin para damayan ako.Nawawala rin yung pangungulila.

Kailangan kong bawiin kung ano ang akin.

HAPPY NEW YEAR!!!I LOVE YOU ALL.I'm happy that I got 16 followers ㅠㅠ thank u for making my 2020 happy ㅠㅠ

A Life Before Fame (DRUNK Sequel)Where stories live. Discover now