22

544 31 16
                                    

"What?"

Nakarating agad kami ni Ken ng Manila at uuwi sana sa amin pero pinapunta agad si Ken ni Sir Xander kaya ako dumiretso na lang.Sumalubong sa akin sina Kai at Khloe nang nakangiti.

"Mommy!Where's daddy??"wala na naman ang tatay nila dahil sa trabaho nito.Nangako na naman ako ng wala sa oras.

"He's at work but I'll promise na.Sure na daddy's coming home tonight okay?"nagtatalon na naman sila at halatang excited.Kumain agad ako ng hinanda ni Yaya para makapagpahinga na din pero kahit gaano ko katagal ipikit ang mata ko,pumapasok sa isip ko si Ken.

I'm still confused about our relationship.Ngayon nalaman na niya na may anak kami,ngayong nalaman ko rin na peke pala talaga ang relasyon ni Ken at Krystal,okay na ba kami?Kami na ulit?Bukod ba sa pagiging artista at sikat niya,wala ng hadlang?

Akala ko si Ken ang tumawag sa akin nang patulog na ako,si Josh pala.Mukhang may problema na naman 'to dahil ganoon naman siya.Kapag may problema,takbo sa akin.

"Shann,samahan mo ako.May papatayin lang."

"Tarantado.Natutulog ako eh.Ano bang meron?"bigla na lang si Josh humikbi.

"R-remember Kian?He ruined everything in us.Yung ex ko."hindi ko naman kilala ang ex niya pero nabanggit na niya noon si Kian.Sa pagkakantanda ko, bestfriend nila.

"Pinagmukha niya kaming tanga ni Kath kaya turuan mo naman ako.Anong magandang gawin sa gagong 'yon."

"Una,kumalma ka muna.Pangalawa, hanapin mo si Kian to answer your questions.Pangatlo,bahala ka na kung anong gusto mong gawin pero 'wag na 'wag kang gagawa ng ikakasira mo ha.Kaya niyo nung Kath."binaba agad ni Josh ang tawag.Maya-maya ay nagring ulit ang phone ko.

"Naubos load ko letche moment ko na 'yon eh.Tangina ng Kian na 'yon.Tinago niya si Kath sa akin sa Iloilo.Naghihirap siya kay Kian...Kailangan kong bumalik sa Iloilo para kunin kung ano ang akin."

"Go.I hope you will get her from the devil."ako na nagpatay ng tawag.Nasakit na ang mata ko kaya natulog na lang ako.Paggising ko gabi na kaya kumain na naman ako mag-isa.Wala pa rin si Ken kahit nagising ako na may text siyang pupunta siya dito kasama ni Kuya Pau.Kahit gusto-gusto kong kumain pa,tinirhan ko na lang silang dalawa ng pagkain.Pinaliguan ko agad si Kai at Khloe at sinabi kong dadating na ang tatay nila.

"Mommy,how to make a baby???I want little sister na."nawala lang ako ng ilang araw,iyon na agad nasa isip ni Khloe?!

"No!I want baby brother,mommy."iiyak pa si Kai.

"When you're big na,you will know how to make a baby okay?Focus on studies,Khloe Scarlette."muntik na akong madulas sa sunod na sinabi ng anak ko.

"Mommy and Daddy kissed that's why we are here, Khloe."kabata-bata,kakalat-kalat!Sinamaan ko sila ng tingin.Bawal pa sa kanila ang mga bagay na 'yon bakit nila nalalaman?!

"So if we kissed each other,you and I will have a--"

"Daddy's here!"napasigaw na tuloy ako sa mga naririnig ko buti na lang nawala agad ang atensyon nila doon nang dumating si Ken at Kuya.

Akala ko sa mga sine lang makikita yung mga naiiyak na tatay matapos mawalay sa anak,sa totoong buhay din pala.Walang pakialam na hinagis ni Ken ang mga gamit niya at niyakap ang dalawa.Naiyak na rin sina Kai at Khloe.Naiiyak na rin tuloy ako.

"Why you always work daddy??"lalo pang lumakas ang iyak nila.

"Sorry 'nak.Daddy's here na always ha."tumingin pa sa akin si Ken at ngumiti.Hindi ko na napigilan maluha.Kumalas sa yakap si Ken at yumakap sa akin.Yung dalawang anak ko tuwang-tuwa habang si Kuya,nakakunot na ang noo.

"Thank you so much for giving me the best gift ever in my life.I owe you a lot for your sacrifices.I promise that I won't let you go this time and take care of our kids.Dito ka na lang sa akin,'wag mo na ako papalayuin."lalo pang humigpit ang yakap niya.

Ganoon din ako,Ken.Gusto na kitang ipagdamot.

Mukhang nakalimutan na agad ako ng mga anak ko dahil lagi silang natabi sa tatay nila.Kapag tinatawag ko lilingon lang tapos babalik kay Ken.Parang nagsisi ako ha.

"Time to sleep na Kai,Khloe."may diin na sa boses ko.Alam na nila yon na kapag ganoon na ako magsalita,galit na ako.

"Daddy sleep with us please??"tumango naman agad si Ken.Naisip ko tuloy kung saan siya tutulog?Tatlo na kami sa kama tapos dadagdag pa siya?!Dumiretso na lang ako sa loob ng kwarto para ihanda ang pagtutulugan namin.May comforter pa pala rito,siguro iyon na lang gagamitin ko.

"Ken,bedtime stories.Gusto nila yon."

"Which one?"nagrandom pick na lang ako,nakuha ko pa nga yung You're my Boo.Binabasa ko lagi sa kanila 'yon kahit kakapanganak ko pa lang sa kanila.Nakangiting matutulog sina Kai at Khloe dahil nandito na ang tatay nila.

"You're the best of all of my candy....You're my terror in the park...You're my star of halloween night...There is no one just like you...My love is as full as the bright moon...You're my darling and...You're my Boo."binagalan pa ni Ken ang pagbabasa para dama.Ako inaantok sa ginagawa niya.Mabilis naman makatulog yung dalawa.Hahayaan ko na lang na siya makadiscover ng mga bagay na nakita niya dapat na una pa lang.

"Nakikinig ka rin ba Shannie?You're my darling..."patawa.Inaantok na ako tsaka pa ako kikiligin.Commitment yan sa iba,Shannie.Hindi dahil sabi niya na hindi 'yon totoo,maniniwala ka nang bonggang-bonga sa kanya.

"Dyan ka na matulog--"

"Tabi tayo."dali-dali siyang umalis sa tabi nina Kai at Khloe bago tumabi sa akin yakap ang isang unan.Buti na lang may unan.Baka mapaihi ako kapag ako ang niyakap niya agad.Mukha tuloy kaming nagtataksil,sa harap pa ng mga natutulog na anghel.

"Lord,sana po hindi na matapos ang araw na 'to...."

"Sana nga."tulog-tulugan award goes to Ken.Napalakas ata pagdadasal ko pero sana nga hindi na matapos ang araw na 'to.Kahit hindi kami okay kanina,parang nawala agad 'yon nang umuwi siya rito sa amin.Pinaltan niya ang unan ko para makayakap sa akin.Kusang gumalaw ang mga braso ko na yakapin siya pabalik.

"Sabi na,mahal mo pa rin ako.Lakas ah,pinagtabuyan tapos isang iglap lang,nawala rin lahat."kumanta pa nga.Ang corny-corny,gabing-gabi.Lalo pa siyang lumapit sa akin para sumiksik sa leeg ko.


"Mag-lilimang taon na yung dalawa...Gusto mo sundan na natin?"

A Life Before Fame (DRUNK Sequel)Where stories live. Discover now