"Magtatrabaho ka sa ayaw at sa gusto mo.You need to face the reality na hindi magtatagal makilala din niya sina Kai at Khloe."
Kanina pa kami nagtatalo dito ni Kuya Paulo.Pilit niya akong pinagtatrabaho sa company nila.Kailan daw nila ng magdedesign ng bagong building nila at para daw magkaroon kami ng closure.Magtrabaho na ako kahit saan huwag ko na lang ulit siya makita.Wala akong mukhang maihaharap sa kanya.
"Kung natatakot ka na malaman niya,sana hindi ka na lang umuwi dito." galit na siya,nararamdaman ko.Hindi pa ako handa,kailangan ko muna ihanda ang sarili ko.
Pumunta na ako sa kwarto namin pero hindi pa rin natutulog ang mga bata.Hinihintay pala nila ako para basahan sila ng bedtime stories.Nasanay na sila ng ganon.
"Mommy,can we have a face time with daddy?We're here already in the Philippines.Where is he,mommy?"hinahanap na naman ni Khloe and daddy niya.
"He's overtime baby.Go to sleep na.Sige hindi ka bibigyan ni Santa ng gift.Malapit na Christmas."
"Are you sure that we have a daddy,mommy?" Pagdududa ni Kai.Tumango na lang ako at kinumutan sila.
Napagtanto ko na kailangan na nga nila makasama ang tatay nilang dalawa.Kahit makilala man lang o makita nila sa picture.Si Kai bata pa pero parang alam na niya ang mga nangyayari.Wala akong maiharap kahit isang larawan ni Ken dahil lalo nilang hahanap-hanapin ang tatay nila.
Nagising ako nang maaga para paghandaan ng pagkain ang mga kasama ko sa bahay pero nauna pa sa akin si Kuya Pau.5:14 pa lang ng umaga pero nagluluto na siya ng kakainin niya.
"Aga mo naman magising.Kakauwi niyo pa lang kahapon parang sanay na sanay ka na ulit dito ah."bungad niya habang nagsasangag ng kanin.
"Ako na dapat dyan eh.Naunahan lang ako."
"Sasama ka ba sa akin mamaya?"tumango ako at bahagyang nagulat siya.
"Oh kahapon inis na inis ka sa akin na sumama at magtrabaho,tapos ngayon parang hindi tayo nag-away ah."tumawa na lang ako.
"Sabi mo diba kailangan ko ng harapin ang reyalidad.Kinukulit na ko nung dalawa.Si Kai,nakakaramdam na tinatago ko talaga sa kanila si Ken."
"Tignan mo anak mo,mana sayo.Tamang hinala.Sama ka ha."hinampas ko siya dahil baka marinig pa siya ng mga bata.
Dumaan ang oras at nagising na rin ang kambal at si Ate.Sabay-sabay kaming kumain.Sinubukan ng dalawa ang silog meals na hinanda namin.Nagustuhan naman agad nila.
"Mommy,longganisa.Small longganisa."hawak-hawak ni Kai ang longganisa na niluto namin.
"Hayup parang si Josh."napatingin kami kay Kuya at biglang nag-react ang mga anak ko.
"Tito,si Josh ba daddy?"tanong ni Khloe.Napasapo na lang ng noo si Ate Maris.
"No,Josh is not your daddy.He's just a friend."paliwanag niya kaya agad naman akong bumulong.
"Huwag ka ngang magbabanggit ng pangalan ng mga kaibigan mo sa kanila.Iisipin nilang tatay nila yon.Paano kung si Ken nabanggit mo,magsisinungalin ka pa ba?"tumango na lang siya sa akin.
Natapos kaming kumain at nagpresenta na lang si Ate na mag-alaga sa dalawa at maghugas ng mga pinggan.Nag-ayos na rin ako para samahan ang kuya ko na magtrabaho.
Inilugay ko lang ang buhok ko at nagsuot na lang ng oversized black shirt paired with black jeans.Nag-mask na lang rin ako para maitago ko ang ekspresyon ko kapag nakita ko na silang muli.
YOU ARE READING
A Life Before Fame (DRUNK Sequel)
Fanfiction[COMPLETE] DRUNK SEQUEL Shannie believed there was a lifetime waiting for her children. Ken is now the biggest idol in the Philippines. They formed a life before his fame.