25

512 32 17
                                    

"Ma'am!Ma'am!Sorry po.Hindi ko po nabantayan nang mabuti yung mga bata.Sorry ma'am!"

"Ate naman!Ayusin niyo ang trabaho niyo ha.Kapag may nangyaring masama kay Kai at Khloe,magdasal na po kayo."nag-iinit ang dugo ko.Gustong-gusto ko saktan si Yaya dahil nawala paningin niya ang mga bata habang naglalaro sa parke malapit sa amin.Sumabay pa nga sa sitwasyon namin ni Ken ngayon.Kahit si Ken naiinis na,pinipigilan ko lang.

"Ipahanap niyo."madiin na sabi ni Ken.Habanh kinakalma ko siya,iniisip ko kung saan pupunta yung dalawa.Tindahan ng ice cream.Niyaya ko agad si Ken doon pero wala kaming makitang bata kaya nagtanong ako sa tindera.

"Ay yung batang naka-jumper at ponytail po ba?May kasama po sila.Nanay at tatay po nila ata 'yon.Bumili sila dito.Bakit po?"Nanay at Tatay?Kami yon.Hindi ang kasama nila.Sa inis ni Ken,halos mabasag na yung salamin ng freezer.

"Kami ang magulang ng mga batang iyon.May cctv ba kayo dito?"umiling yung tindera.Napaiyak na lang ako habang inaalala si Kai at Khloe.Nasaan na sila???

Dumidilim na ang paligid pero hindi pa rin namin sila mahanap.Wala na akong pakialam kung may makakilala pa sa amin dito sa parke.Kanina pa kami nagbabantay dito kahit kanina pa rin may mga nakatingin sa amin.Ken Suson ba naman ang kasama mo,sinong hindi mapapatingin.

"K-kuya,kayo po ba yung sa SB19?"sa lahat ng tumitingin sa amin habang nakaupo sa gilid ng fountain,isang tao lang ang naglakas loob.

"Hindi.Sino ba yon?"sinagot niya yung babae nang walang gana.Bahagyang umirap ang babae bago ako kinalabit.

"Ate kayo po yung ex ni Ken 'di ba?Napakaharot niyo po no?"napatayo agad ako sa sinabi niya at ganoon din si Ken.Imbis na patulan ko,si Ken pa ang papakalmahin ko.

"Miss pwede bang lumayo ka muna sa amin?Hindi ako si Ken at hindi rin siya ang ex ni Ken na hinahanap mo.Mag-asawa kami."proud na proud niya pang sabi.Kahit anong anggulo mo tignan,si Ken Suson siya ng sikat na boy group sa bansang 'to.Napamasahe na lang ako sa sintido ko bago nagsalita.

"Kuya Ken,bakit ka pa kasi nakipag-comeback sa ex mo?Nilandi ka po ba niya?Mas bagay po kayo ni Krystal."napakapasmado ng bunganga ng babaeng 'to.Bago pa magsalita si Ken inunahan ko na.Napapatingin na tuloy yung ibang tao sa amin.Hinihila na ni Ken ang braso ko.Tanginang babae 'to.

"Sino ka ba ha?Bakit mo ganyan pagsalitaan ang taong hindi mo naman kilala nang lubusan.Namomroblema na nga kami paano mahahanap ang mga anak namin tapos dadagdag ka pa na ikaka-stress ko?Oo ako nga,ako na malandi.Ako yung ex.Ako nga tama ka!Masaya ka na ba ha?Pwede ka nang manahimik."nanlaki pa ang mata niya kaya nilakihan ko rin ang mata ko.Kahit mag-viral pa ako dito wala na akong pake.Napakabastos niyang babae.

"Love,"love.Nanlalambot ako.Kahit masaya akong marinig 'yon parang hindi ako kampante.Nawawala pa rin ang anak ko.Umalis na kami ni Ken doon at umuwi ng bahay.Mag-iisang araw na agad nawawala ang anak ko.Na-contact ko na rin ang mga pulis at naghahanap na rin pala sila.Sana hindi sila pabigat.

"Shann,viral kayo ni Ken.Ano ba naman 'yan..."nandito na rin pala sina Kuya Pau,Stell,Josh and Jah.Kahit sila na-stress na rin sa amin.Tinignan ko lahat ng socmeds ko.Mentions and tags pati kay Ken.Alam na nilang lahat na may anak si Ken sa akin.Kung hinahanap nila anak namin kesa makipag-tsismisan,edi nakatulong pa sila.

Habang patagal nang patagal ang pag-scroll ko sa Twitter,nababasa ko na tinutulungan nila kami using their post.Ang daming rt's.Nakakataba ng puso.Sa kabila ng pagtatago namin,tinutulungan pa rin nila si Ken.Kahit para kay Ken na lang.Sana mahanap sila.

Please don't throw hates to our idol!Please help us to find their children...spread the word mga kaps!

How lucky Ms.Shannie is.Despite of the issues she encountered,she remained unbother.Ken is everyone's husband material.Now that he's happy with his love,let's be happy to them too!Congrats to the couple.

Ayoko na kay Ken dahil may anak na siya!Ken sana ako na lang binuntis mo para tayo na lang.Buntisin mo ko Ken....

How desperate.Walang maipakitang pictures ng MGA anak nila?Noong nalaman ng lahat ang tungkol sa KANILA,nawawala raw?Is this papansin?



Nagdidilim paningin ko sa nabasa ko pero sinawalang bahala ko na lang.Mamatay sila sa inggit.


"Mommy!"biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ang lahat ng sumalubong si Khloe na umiiyak at....si Kai?!

"Kai?Kai?Gumising ka."lumapit agad ako sa kanila.Hila-hila ni Khloe si Kai na may dugo sa ulo.Tinignan ko ang ulo niya at mukhang marami na ring nawalang dugo dahil namumutla na ang anak ko.

"Sinong gumawa nito baby?Ituro mo sa akin."

"Don't know mommy."lalong lumakas ang iyak niya.Binuhat ni Ken si Khloe para mapatahan.Yung apat tumawag agad ng ambulansya.Ako,naiyak na lang ako.Sinong tangang puputukan sa ulo ang isang bata?


"Papatayin ko rin siya."bulong ko.
Mabilis na dumating ang ambulansya at sinugod na namin sa ospital si Kai.Si Ken ang kasama ko kaya na-star struck pa yung mga nurse nang dumating kami sa ospital.Yung apat iniwan na namin sa bahay kasama si Khloe.Alam na nilang gagawin nila.


"Anong nangyari kay Kai?Bakit tayo pinaparusahan ng ganito.Gusto lang naman natin matahimik di ba?"nakasandal na lang ko kay Ken habang inaantay ang doktor na umaalalay sa anak ko.

"Hindi ko rin alam.Wala na akong alam.Gagawin ko ang lahat para mabuhay lang ulit si Kai."hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Ken nang may dumaang nurse na tumitili.Nawala rin naman agad nang tignan namin sila.Hinalikan pa ako ni Ken sa ulo ko.Akala ko maiinis sila pero kinilig pa sila.Sana lahat ng fans ganoon.

"Doc!Ano po kamusta po si Kai?"

"O-oh hi Mr.Suson and a girl....kaano-ano niyo ba ang pasyente?"

"Anak namin."bastos ba 'tong doktor na 'to?Sinagot ko agad.Kita ko kung paano gumalaw ang kilay niya.Doc,utang ko sayo buhay ng anak ko.

"Ah okay.Sorry to say this but Kai is not in a good condition until now.Maraming nawalang dugo sa kanya.Kailangan namin siyang dalhin sa ICU para ma-monitor nang mabuti.To make this explanation short,he's in comma.Hindi ko alam kung kailan siya gigising pero 1 month ang estimate namin na itatagal niya.If it exceeds,we need to say goodbye to him."nandilim lalo ang paningin ko sa naririnig ko.Napasuntok pa si Ken ng pader bago kami iniwan ng doktor.

"Hello?Sino ka?"biglang may tumawag sa akin.Iniwan ko si Ken doon sa bench dahil hinabol pa niya ang doktor.

"I love your situation.Wish you more bad luck traitor."

A Life Before Fame (DRUNK Sequel)Where stories live. Discover now