19

487 26 0
                                    

Isang malakas na kalampag ang nagpasigaw sa lahat.Hindi ko na natuloy ang kanta.Sinisigaw nila ang pangalan ni Ken.Nang magdilim na ang paligid,hudyat na para tignan si Ken.

"Ken,gumising ka.Ate Arianne!"hindi na naman siguro ako kita ng fans sa sobrang dilim ng paligid pero rinig na rinig ko pa rin kung paano sila sumigaw ng pangalan ni Ken.

"Ken,ken.Wake up please.Shann,tawagin ang medics.Pumunta kayong ospital dalawa ha.Samahan mo because hindi natin pwede itigil ang concert nila.Buhatin niyo si Ken."binuhat ng guards si Ken.Nakasalubong namin ang apat na mukhang nag-aalala rin sa kanya.Kailangan pa rin nila ituloy ang palabas kahit wala si Ken.

"Shann,anong nangyari??"

"Mamaya na please.Sige na kayo na."hindi ko na namukhaan kung sino ang nagtanong.Ang nasa isip ko lang madala si Ken sa ospital.Walang malay agad-agad?Alangan namang nabuntis ko 'to eh ako nga nabuntis niya.Naisakay naman namin agad siya sa ospital.Nasuri agad siya ng doctor.

"Girlfriend?"

"No.Workmate.Doc,member yan ng SB19."nagulat pa siya dahil hindi raw niya namukhaan.Sinabi niya na over fatigue si Ken.Kailangan niya ng ilang araw na pahinga para makabawi siya ng lakas.Ano bang pinaggagawa nito at hindi man lang nagpapahinga?May sakit pa naman din si Krystal ngayon.

"Pwede mo muna siyang dalhin sa hotel na tinutuluyan niyo at doon pagpahingahin.Kung maaari 'wag niyong pakikilusin muna si Mr.Suson.Pwede niyo na siyang idischarge since bayad na rin naman kayo sa bills for checking him up.Iwas na rin sa public kasi sikat yan si Sir.Baka dumugin siya dito.Here are the vitamins na pwede niyang i-take to boost his immune system.Thank you Ma'am."nagpasalamat din ako kay Doc at iniwan na kami ni Ken at ng mga body guards namin.Tulog pa rin si Ken at hindi nagigising pa.Pinabuhat ko ulit para dalhin na ulit sa sasakyan bago dumiretso sa hotel room namin.Sinalubong kami ni Ate Arianne para sa susi ng kwarto ni Ken.Sinabi ko na rin na kailangan niya ng ilang araw na pahinga.

"Over fatigue??Parang okay naman siya noh?pero bakit na-over fatigue yan.Sorry ah,hindi ko na sila naalagaan.Ang dami pang dapat ayusin.Birthday niya bukas,sure akong alam mo yon.Ex mo diba."tumango na lang ako kahit nagulat ako na birthday pala ni Ken bukas?!Anong petsa na ba.Sana may surprise sila.

"Sana magising si Ken.Kahit iyon na lang para sa birthday niya."iyon na lang ang nasabi ko at iniwan ko na si Ate na  para puntahan na si Ken sa kwarto niya.Bantayan ko na raw hanggang magising.Hindi naman ako girlfriend o asawa pero parang ganon na tuloy.

Umorder na ko mga pagkain.Nilipat ko na rin ang mga gamit ko para mabantayan ko lang tong lalaking to.I blame Krystal for not doing her responsibilities to him.Tulog na tulog pa rin.Payat na nga 'to mukhang papayat pa.Para akong nag-aalaga ng baby ulit.Na-miss ko tuloy mga anak ko.Ang mga anak namin.Tawagan ko nga.




"Hi!!How are you babies??"kasama nila si Yaya.

"Doing good mommy!Ikaw po?"did they just spoke tagalog?!I want to cry.Napatingin din ako sa katabi ko.


"I'm with your Daddy now.I saw him earlier."bigla silang nawala sa camera kaya nagpanic ako buti na lang nadampot agad.

"Naku ma'am sorry po.Nagtatatalon ang mga bata--Mommy,can we see daddy??Where's daddy??Mommy!Daddy!"
akala ko ay gising na si Ken.Tumihaya lang pala siya kung nasaan ako.Baka naman tulug-tulugan lang 'to ah.

"He's sleeping and tired because of work but d-don't worry,y-you will meet daddy later."nasamid pa ko sa sarili kong laway.Eto nga ba ang pagkakataong matagal kong inaantay?

"Promise mommy?"tumango na lang ako at nagpaalam na sa kanila.Sinabi ko lang na babantayan ko lang ang tatay nila.Promise are meant to be broken.Hindi ko rin naman talaga sigurado kung kaya ko na talaga pero may girlfriend siya.Ayokong masira yung relasyon nila.Natutunan na naman niyang mahalin si Krystal eh.Dapat maging masaya ako pero bakit hindi genuine ang saya.


Binaba ko ang phone ko sa gilid ni Ken at pinagmasdan siyang mabuti.Sa suot niya ngayon,pwede nang ilibing ang itsura niya.Gusto ko siyang bihisan sa suot niya,mainit kaya yon pero nahihiya ako.May demonyong tumutulak din sa akin sa hubaran siya at paltan ang damit.Nakita ko na naman ang buong pagkatao niya.Sa huli,natukso ako ng demonyo.Nabihisan ko si Ken nang hindi man lang ako nahirapan.Part na ba yon ng pagiging nanay kaya pati asawa kayang bihisan kahit tulog--ay hindi ko pala asawa,naasawa lang.


Nakashirt na lang si Ken at shorts.Pambahay attire kaya pati ako nagbihis ng ganon.May sinat na ng kaunti si Ken kaya pinunasan ko na rin ang katawan.


"Naykopo nag-take advantage na.Baka masundan yung kambal ha."dumating sina Kuya galing concert.Malamang trending na naman na wala si Ken sa first concert nila.

"Ikaw kaya dito tignan natin kunf kaya mong mag-alaga ng damulag."umirap pa ang lalaki.Napakakapal!pero tama siya.

"Kuya!,"aalis na sana siya.


"Papakilala ko na si Kai at Khloe."tumango lang ito at nagbadyang umalis.Akala ko wala lang sa kanya pero bumalikwas siya ng takbo pabalik sa kwarto na namin ni Ken.

"Gago?!Di nga.Sasabihin ko sa tatlo.Goodluck!"excited na excited siya.Paano ba maexcite?Kinakabahan ako nang sobra eh.Punas-punas lang ako dito pero iniisip ko na kung paano ko sasabihin.



"Ken,may gusto akong sabihin.Hindi ako mapakali,at hindi rin ako makatingin.Nagkaanak tayo Ken--shet.Ang pangit."kanina pa ko nagpapractice sa sofa ng kwartong 'to kung paano ko sasabihin kay Ken.


"Ken, nabuntis mo ko. Naanakan mo ko--parang ewan.Ginusto ko rin naman yon eh.Panget isa pa."



"Ken,you're a Dad now.We have babies!Look at them oh."nagkunwari pa akong pinakita ko ang pictures ni Kai at Khloe.Masyado namang exaggerated ang ginawa kong yon.Tinago ko sa kanya tapos ganon na lang.Tanga ka Shannie.

"W-what??Hmm."

:😳

A Life Before Fame (DRUNK Sequel)Where stories live. Discover now